" Alex! Pinapatawag ka ng Principal natin. " sabi nong President namin na kakapasok lang sa room.
Tumango lang ako at tumayo sa kinauupuan ko. Hindi kuna kailangan pang magtanong sa kanya dahil pupunta din naman ako don, kaya malalaman ko rin kung bakit ako pinapapunta doon.
Nagkatok muna ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina niya. Pagkapasok ko palang, napakunot naman ang noo ko dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
" Bakit ganyan kayo makatingin sa akin, Sir, may kasalanan ba ako sa inyo? " tanong ko dito.
Umayos naman siya ng upo at seryusong paring nakatingin sa akin. Ako naman ay umupo sa harapan niya na nakangiti.
" Alam mo kung bakit pinapunta kita dito, Ms. Chavez. " seryuso nitong sabi
Sumimangot naman ako ng mas lalo niyang ikinasama ng tingin sa akin.
" Hindi kuna alam kung ano ang gagawin ko sayo, Ms. Chavez! Lagi ka nalang nagaguidance at walang araw na hindi ka mapunta sa detention room dahil sa mga pinagagawa mo. " galit nitong sabi sa akin.
Parang sasabog na yung ulo niya sa sobrang inis. Kaya madali siyang tumatanda dahil lagi siyang nagagalit.
" Hindi ko naman kasalanan- "
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinampas niya yung mesa niya, at talagang ang sama ng pagkakatingin niya sa akin.
" Magdadahilan kapa Ms. Chaves? Ang rami mo ng nagawang kalokuhan dito sa school! " galit nitong sabi.
Tumahimik nalang ako dahil baka magtratransform pa ito into zombie mode. At baka kagatin pa ako.
" At ano na naman itong nalaman ko? May binugbog ka na namang mga estudyante dito! " sigaw nito.
Hindi ko naman kasalanan kung mabugbog sila no. Mga pasaway kasi at mga tarantado, tama ba kasing humarang sa dinadaanan ko? At hindi lang yun, tinapunan ba naman ako ng tubig sa mukha at pagkatapos non naghamon pa sa akin ng away. Abat! Sino ba naman ako para tangggihan sila diba? Kaya ayun, pinagbigyan ko. Pero ang mga gago, ang lakas maghamon pero wala namang binatbat! Clinic tuloy ang punta nila.
" Wala na akong magagawa kundi paalisin ka sa paaralan na to Ms Chaves. Dahil hanggat nandito ka, patuloy mong sinisira ang imahe ng school nato. "
Ano pa ba ang inaasahan ko? Lagi namang ganito e. Expell kung expell! Akala mo naman maganda ang school nila. Hindi nga masyadong marunong magturo ang mga teacher dito at laging walang pasok. Kaya dapat hindi na sila magtaka kung bakit maraming tarandato sa school nila. Dahil sila mismo ay hindi nagtuturo ng maayos.
" Inaasahan ko na yan ang sasabihin mo, Sir. Kaya hindi na ako magugulat pa. " nakangiti kung sabi sa kanya.
Mukhang naasar naman siya sa sinabi ko.
" Abat! Bas- "
Papaluin niya sana ako ng mabilis akong tumayo sa upuan ko na nasa harapan niya.
" Goodbye! Mr. President. " nakangiting sabi ko sa kanya saka lumabas na ng office niya.
Narinig ko pang tinawag niya ako, pero hindi ko siya liningon at deritso lang ang labas ko.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.