Nagmamadali akong lumabas ng bahay saka ito inilock. Kanina pa kasi tumatawag sa akin ang kapatid ko na lalabas na daw si Papa. Okay na kasi ang lagay niya, kaya pwede na siyang lumabas ngayong araw. Nalate na kasi ako ng gising dahil sa nangyari kagabi.
Bwesit kasi yung mga tarantadong paharang-harang sa dinadaanan ni Cloud. Ayaw silang paalisin.. at pilit pa silang pinapababa. Kaya mabuti nalang lagi akong nakabantay sa kanya. Kundi siguradong magluluksa ang buong mundo sa pagkawala ng mahal nilang Prinsipe. At isa pa, kahit na may mga bodyguard na nakabantay sa kanila. Hindi parin nila ito kayanin, lalo na at talagang pinalaki na mamatay tao ang mga yun. At kailangan pa silang patulugin, para makadaan sila Cloud. At naabutan ako ng madaling araw sa pagbabantay sa labas ng palasyo.
Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit late na ako ng gisimg ngayon.
Nakahinga ako ng maluwag ng nakarating ako ng hospital. Agad akong dumiretso sa kwarto ni Papa at bumungad sa akin ang masasang tingin sa akin ni Allen.
" Bakit ang tagal mo, Ate! " inis nitong sabi sa akin.
" Sorry naman.. napasarap kasi ako ng tulog. " sabi ko sa kanya.
Napatingin naman ako kay Papa na seryusong nakatingin sa akin.
" May nangyari ba kagabi? " seryusong tanong nito sa akin.
" Opo! Pa. " simpleng sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya at hindi na nagtanong pa. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya... Alam ko naman na alam niya kung ano ang nangyari kagabi.
Tinulongan ko na yung kapatid ko na dalhin yung ibang gamit namin. At lumabas ng kwarto saka pumunta sa may nurse section para bayaran yung bill ni Papa. Pagkatapos non, umuwi na kami.
Pagdating namin sa bahay, pinahinga ko muna si Papa at hindi muna pinatrabaho sa talyer kahit na gusto niya pa. Kailangan niya kasing makabawi ng lakas. At baka mabinat pa siya kapag nagtrabaho na siya.
Ako muna at yung kapatid ko ang magbabantay sa talyer namin. Hindi muna ako papasok ngayon, dahil mas kailangan nila ako dito... Agad naman kaming nagkaroon ng customer ng kapatid ko. Kaya talagang maaga kaming papawisan ngayon. Wala pa naman yung isa katulong namin sa pag-aayos ng sasakyan. Dahil pinahinga ko muna, ilang araw din kasi syang mag-isang nagbabantay sa talyer namin simula nong nahospital si Papa.
" Kumain ka muna, Allen. Ako na muna ang bahala dito. " sabi ko sa kanya.
" Sigurado ka ate? "
" Yeah! Pakainin muna narin si Papa para makainom na siya ng gamot. " sabi ko sa kanya.
Tumango naman ito saka umalis na at pumasok sa loob ng bahay namin. Tanghali na kasi, at sigurado akong gutom na yung kapatid ko. Mamaya pa ako kakain, dahil hindi pa naman ako gutom. At kailangan kung tapusin ang pag-aayos ng kotse ng mga customer namin. Friday pa naman ngayon, kaya talagang maraming nagpapaayos ng sasakyan at nagpapachange-oil.
Medyo marami kaming customer ngayon, at talagang pila-pila silang lahat. Yung iba nga, iniiwan nalang yung kotse nila at babalikan nalang ito bukas... First come-First serve kasi kami ngayon. At kahit nagmamadali sila, hindi talaga pwedeng sila yung uunahin ko. Kapag kasi ganun ang ginawa ko, maraming customer ang magrereklamo. At unfair yun sa iba.
" Pwede ba kaming tumulong? "
Napalingon ako sa likuran ko at doon nakita ko sina Brad na kasama si Sheena na nakangisi pa habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.