Nakarating kami sa isang lugar kung saan dinala nina Lendi ang Prinsipe at pagmamay-ari nina Lendi. Kaya agad kaming dumeritso nina Brad kasama ang ibang tauhan ng Queen at iba pang mga pulis.
Gusto kasi ng King na magsama kami ng pulis para matulongan kami at agad na mahuli ang taong kumuha sa anak niya.
Kaya pumayag nalang din ako, kahit na ayaw ko talagang magsama ng pulis. Baka kasi masira ang plano namin.
" Tandaan niyo, importante ang kaligtasan ng Prinsipe. Kaya gawin niyo ang lahat mailigtas siya at maiuwi ng buhay. " sabi ko sa kanila.
Tumango naman sila sa akin. Pagkatapos non, humiwalay na kaming lahat para mas madali naming mahanap ang Prinsipe.
Magkasama kami ni Brad, dahil sabi niya sa akin ayaw niya maghiwalay kaming dalawa, baka kung ano pa daw ang mangyari sa akin. Hindi nalang ako umangal sa kanya para hindi na kami magtalo na dalawa at humaba yung usapan namin.
Pumasok kami ni Brad sa isang resthouse na nandito na kasing laki ng palasyo. Walang tao sa entrance kaya malaya kaming nakapasok ni Brad. Pero ilang hakbang palang ang ginawa namin paakyta sa may hagdan ng makarinig kami ng boses.
" Hoy! Sino kayo. " rinig naming sabi nito.
Lumingon kamit at doon nakita namin yung dalawang lalake na sa tingin ko ay nanggaling sa may kusina. Pareho kasi silang ngumunguya.
" Oy! Mga pare. Nandyan pala kayo, wala kasing tao kanina dito kaya pumasok nalang kami. " sabi ni Brad sa kanila.
Kunot noo naman silang napatingin sa amin.
" Sino ba kayo, ha. At anong kailangan niyo? " malakas na sigaw nito.
" Kailangan namin ang Prinsipe. " sabi ko sa kanila.
Napatigil naman silang dalawa at saka nagkatinginan na para bang nag-uusap.
" S-sinong Prinsipe ang tinutukoy niyo? Hindi naman kilala ang hinahanap niyo. " pagsisinungaling pa nito.
Obvious naman sa kilos nila na nandito ang Prinsipe at tinatago lang nila.
" Sumunod kana lang kapag tapos kana sa kanila. " sabi ko kay Brad at nagpatuloy sa pag-akyat sa taas.
Masasayang ang oras namin kapag nagtagal pa kami doon.
Naghanap ako sa bawat sulok ng resthouse na ito kung saan nila tinago ang Prinsipe. Halos napasukan kuna rin ang mga kwarto nito, pero hanggang ngayon hindi ko parin ito mahanap.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng makarinig ako ng sunod-sunod na putok. At doon lang ako nakaalarma na nagsisimula na pala silang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni Lendi.
Lumabas na ako sa huling kwartong pinasukan ko para makababa at makalabas ng bahay na ito. Dahil kung wala dito sa loob ang Prinsipe. Nasa labas ito at nasa paligid lang namin ito.
Pero bago pa man ako makalabas sa kwartong toh, napatigil na ako sa paglalakad ng nasa harapan ko mismo ang baliw na babaeng kumuha sa Prinsipe. At nakangisi itong nakatingin sa akin habang nakasandal ito sa pinto at may tatlo itong tauhan na kasama na katabi niya.
" Kamusta ang pasisearch mo sa rest house namin? " nakangising tanong nito sa akin.
" Ang ganda sana ng lugar na ito. Kaso pumangit nga lang ng kayo ang tumira. " nakangisi ko ring sabi sa kanya dahilan para sumama ang tingin niya sa akin.
" Ang tapang mo talagang babae ka... Hulihin siya! " utos nito sa mga kasama niya.
Nanatili lang akong nakatayo sa kinauupuan ko habang hinihintay na lumalapit ang tatlo niyang kasama. At ng makalapit naman sila sa akin. Agad akong sinunggaban ng suntok ng isa sa kanila na madali ko lang nasiwasan. Hanggang silang tatlo na yung sumusugod sa akin para mahuli nila ako. Isa lang ako at tatlo sila na malalaki pa ang katawan. At kahit anong iwas ko sa kanila, mahuli parin nila ako. Hanggang sa nahuli na nga nila ako ng tuluyan at dinala sa harapan ni Lendi.
" Magaling ka....pero wala kang binatbat sa mga tauhan ko. " sabi nito sa akin.
Hindi nalang ako nagsalita sa halip tiningnan ko nalang siya ng masama. Baka kasi mas lalong pumangit ang mukha nita kapag ginalit ko siya ng husto.
Nauna siya lumakad habang ako ay nakasunod sa kanya habang hawak-hawak ng dalawang tauhan niya. Napunta kami sa kusina ng resthouse at may isang pinto doon papalabas ng resthouse na ito. At tama ng ang hula ko, may underground pa ang resthouse na ito. Hindi man ito nakikita mula sa likod ng resthouse at ang daan papasok sa undergruoung, dagul natayabunan ito ng puno at mga halaman. Kaya sa sobrang kapal ng halaman at natural paglagay dito. Hindi mo maakalain na may tinatago pala ito sa likuran.
Hindi gaano kadilim sa loob dahil may mga ilaw ito. At halata namang napakaarte ng nagmamay-ari nito at parang hindi niya yata gustong mainitan. Kaya nagpalagay pa talaga ng aircon. Sa bawat dinadaanan kasi namin, talaga may mga nakakabit na aircon. Sila lang yata yung kilala kung sosyal na kidnapper.
" Ikulong niyo yan kasama ng Prinsipe nila. Para meron pa silang oras na dalawa bago sila mamamatay. " nakangising sabi ni Lendi sa akin.
Nagsmirk lang ako sa kanya, bago ako tuluyang dinala sa kung saan nila kinulong ang Prinsipe. Pagpasok namin sa isang lungga, ang dilim. Yung maliit na ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag dito sa loob. Mabuti na nga lang hindi mabaho, dahil tang*na! Hindi ko talaga kakayanin kapag mabaho pa dito sa loob.
" Upo." utos sa akin nong isang lalake.
Sana maramdaman niya na masama ang tingin ko sa kanya. Dahil bago ko pa ginawa ang sinabi niya. Patulak niya na akong pinaupo sa upuan. Ang sakit tuloy ng pwet ko.
Lagot talaga sila sa akin kapag makatakas ako dito.
" Maganda ka sana.....Pero mas masarap ang boss namin sayo. " natatawa nitong sabi.
What the- Akala ko masamang tao lang talaga si Lendi. Pero may tinatago din palang baho sa katawan. Pati ba naman mga tauhan pinapatulan niya? Mas mabuti siguro siya sa mga babaeng magtratrabaho ngayon sa bar. At ilang sakit na kaya ang nakuha niya ngayon? Siguro marami nah, pero hindi pa siya namatay sa lagay niya yan? At ilang lalaki na kaya ang natikman niya?
Pagkaalis nong dalawa, nakiramdam muna ako sa paligid. Dahil kahit na maliit lang yung ilaw dito sa loob. Ang dilim pa din at parang wala ka paring makita. Pero ramdam kung yung presensya na nanggagaling dito sa loob ng kwarto at alam ko ang Prinsipe yun.
" Bakit ka nandito? " rinig kung tanong nito na alam kung ako yung tinutukoy niya.
At paano naman nito nalaman na ako toh?
" Nandito ako para iligtas ka, Prince. " sabi ko sa kanya.
Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago sa nagsalita muli.
" Sinabi ko bang iligtas mo ako? " galit nitong sabi sa akin.
Pati ba naman sa pagliligtas ko sa kanya kinagagalit niya parin? Talaga bang ang laki ng galit nito sa akin.....Huminga ako ng malalim para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
" Pero protector mo ako, Prince. Kaya responsibilidad kung iligtas ka. " mahinahon kung sabi sa kanya.
" Iligtas? Nagpapatawa kaba? Kung gusto mong iligtas ako. Bakit pareho tayo nandito ngayon? Diba dapat nasa labas ka ngayon, nakikipaglaban. " sabi nito sa akin.
Ayaw niya bang nandito ako?
" Huwag kang mag-alala, Prince. Nandon si Brad at iba pang team na nakikipaglaban sa labas.....At dito naman ako sa loob. " makahulugang sabi ko sa kanya.
Ngayong kasama kuna ang Prinsipe. Oras na para ilabas siya dito sa madilim na kulungan na ito harapin ang malanding si Lendi.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.