* Alex POV *
Bumalik na kami sa loob ng court at kaharap namin yung mga ugok na akala mo kung sinong magaling? Eh.. puro lang naman kayabangan ang pumasok sa isip nila.
" Talagang may lakas kapa ng loob na humarap sa amin matapos mo akong suntukin kanina. " sabi nito sa akin.
" Your so madaldal. Lets play a game na kaya? " kunwaring maarteng sabi ko sa kanya.
Napangisi naman ako ng tiningnan niya ako ng masama. At sigurado akong gusto-gusto na niya akong saktan. Kaya lang hindi niya magawa. Hahahaha....
Sinimulan na namin yung laro. At talagang naiinis ako.. dahil hanggang ngayon hindi pa nila seneseryuso ang laro namin. Dahil sa tuwing nakina Ethan at Lance yung bola? Hinahayaan lang nila ito sa kanila, at kunwaring binabantayan nila ito para hindi makalusot ang mga ito. Idagdag mo pa yung, tawa nila na talagang kinainisan ko.
" Pano ba yan? Malapit ng matapos ang laro.. at hanggang ngayon hindi parin kayo nakakascore. " asar nitong sabi sa akin.
Letse! Kung ibang laro lang ito? Sigurado akong kanina pa ito tumba. Pasalamat lang talaga siya, kaya ko pang magtimpi ngayon. Dahil kapag nagkataon? Baka sa hospital yung punta niya.
" Masyado kang mayabang. Make sure na makakascore pa kayo sa gagawin ko. " sabi ko sa kanya.
Bago pa siga makareact sa sinabi ko. Mabilis akong umalis sa harapan niya at tumakbo kay Lance na siyang may hawak ng bola. At nahirapang makawala sa dalawang bantay niya.
" Lance! Gamitin mo ang lakas mo para makawala sa kanila. Katulad ng lakas kung paano mo hampasin ang bola. " sabi ko sa kanya.
Saglit naman siyang natigilan, at napangiti ako ng makitang sinunod niya ang sinabi ko. Ginamit niya yung lakas niya para makawala sa dalawang bantay niya, at hindi naman siya nabigo doon. Nang magawa niya ang sinabi ko, agad niya namang ipinasa sa akin ang bola na nasalo ko naman... Agad ko namang itong drinibol habang tumatakbo papunta sa may ring at ishinot yun. Mas lalo pa akong napangiti ng pumasok ito.
* Authors POV *
Lahat ay nagulat sa sunod-sunod na ginawang pagscore ni Alex. Hindi nila akalain na may tinatago din pa itong galing sa paglalaro ng basketball. Para itong isang professional kung maglaro... Bawat galaw niya at bawat pagshot ng bola sa ring, talagang bihasang-bihasa. Kahit yung mga nakalarao nila ay nagulat din sa pagpakita niya ng gilas. Hindi nila akalain na mas magaling pa pala ito sa kanila. At talagang humahanga sila sa bawat galaw nito at bilis sa pag-agaw ng bola.
At napapansin din ng kabilang team na biglang lumakas at gumaling sina Lance at Ethan. Dahil nagagawa na ng mga ito na dumepensa at makawala sa kanila. At dahil sa ginawa ni Alex, mas lalong naghiwayan ang mga manunuod at yung iba ay kumakampi na sa kanila. Naging seryuso na din ang kabilang team, dahil hindi nila akalain na makakahabol pa sina Alex sa score nila, kahit na tatlo lang sila.
" Wow! As in wow! Hindi ko akalain na may tinatago palang galing ang fiance mo, Cloud. " namamanghang sabi ni Neon habang nakatingin sa gitna ng court.
" Lahat tayo ay nagulat sa ginawa niya. Maging yung dalawang lalakeng kasama niya ay biglang gumaling. " sabi naman ni Zent
Kahit sila ay hindi makapaniwala na makikita nila ang iba pang side ni Alex. Akala nila nagbibiro lang ito kanina na tatalunin nila ang mga ito. Pero yun pala, talagang tinutoo nito ang sinabi niya.
" Because she is my girl. " nakangiting sabi ni Cloud.
Kahit siya ay nagulat sa pinapakita ni Alex kanina. Aaminin niyang humahanga din siya sa pinapakitang galing ni Alex. At hindi niya ring mapigilan na masexyhan kay Alex dahil sa bawat galaw nito. She finds it hot.
Kaya hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa bawat pagpasok nito ng bola sa ring. Pero ang kinaiinisan niya ay yung mga lalakeng nakatingin sa kanya na kitang-kita yung bawat paghanga ng mga ito kay Alex. Parang gusto niyang tusukin ang mga mata ng mga ito, o di kaya ipagpabawal sa lahat ng mga lalake na bawal tumingin sa Fiance niya. Pwede niya yung gawin, dahil isa siyang Prinsipe.
" Pano ba yan. Mukhang kayo yata ang matatalo ngayon. " mayabang na sabi ni Alex sa mga kalaban niya. Dahilan para mainis ito.
Kunting oras nalang ang natitira para matapos ang laro. At sa kunting oras na yun, hindi niya akalain na tatlo ang magbabantay sa kanya na ikinatuwa niya pa.
Kababae niyang tao.. pero tatlo ang nagbabantay sa kanya? Ang haba naman ng hair niya... Kung Prinsesa niya. Oo! Talagang mahaba ang hair niya. Pero dahil nga isa lang naman siyang simpleng babae at kalaban niya ang mga ugok na ito. Sa sitwasyon niya ngayon, ang mga kalaban ang malas. Dahil kaya-kaya niyang makascore kahit na hindi siya umaalis sa pwesto niya.
" Nag-effort pa talaga kayong bantayan ako noh? Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo... Nagagawa ko paring makapuntos kahit na nasa malayo ako. " sabi nito sa kanila.
Bago pa man makareact ang tatlong bantay niya. Tumalon na siya, kasabay non ang pagbitaw niya ng bola sa ere. Kasabay ng pagpasok ng bola ay siyang hiyawan ng mga tao sa gym. Hudyat na sila ang nanalo sa laro nila.
* Alex POV *
Napangiti ako ng makitang masayang nagyayakapan sina Lance at Ethan, kasama nito sina Angel at Clay na tumakbo pa pamunta sa kinaroroonan nila. Maging si Nikka ay nakisali din sa kanilang. Halata sa mga mukha nila na talagamg sobrang saya nila.
" Sana pala nagseryuso na kami simula nong pumasok ka."
Napatingin ako don sa lalakeng nakalaban namin kanina na ngayon ay nasa harapan kuna.
" Puro kasi kayo yabang e.. hindi niyo muna kinakilala ang kalaban niyo. " sabi ko sa kanila.
Nakita kung mukhang napahiya yata sila sa sinabi ko.
" But its okay. Naenjoy din ako sa laro natin. " nakangiti kung sabi sa kanila, dahilan para mapangiti rin sila.
" By the way.. congrats. " nakangiti nitong sabi sa akin sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko.
Aabutin kuna sana ang kamay niya ng may ibang humawak sa kamay ko at hinarap sa kanya. At nagulat ako sa sunod nitong ginawa.
He kiss me. At sa harap mismo ng kateamate niya.
" Tapos na ang laro, kaya pwede na kayong umalis. " sabi nito sa mga kasamahan niya.
Kita yung gulat sa mga mukha nila. At kahit ako ay nagulat din sa kinikilos ng captain nila. Pero dahil nga captain nila ito at prinsepe pa. Sumunod naman sila sa sinabi nito. At ako naman ay nagtatakang napatingin sa kanya.
" What? " masungit nitong sabi sa akin.
" Nasasanay kanang halikan ako ha. " pagtutukso ko sa kanya na ikinangisi niya lang.
" And you like it. " sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya saka ako hinila papunta sa bench nila. At mas lalo akong napangiti sa sunod nitong ginawa.
Pinunasan niya lang naman yung pawis ko sa harap ng maraming tao. At wala akong pakialam sa kung pati likod ko ay punasan niya. Pero isa lang ang nakakasigurado ko. Inggit na inggit ang babae sa akin, lalo na si Lendi na paniguradong galit na naman ito.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.