Chapter Twenty Three

10.8K 259 1
                                    

Napangiti ako ng makita ko kung ano ang standing namin ngayon. Dalawang members nalang ang maglalaro sa amin, at kapag nanalo pa sila. Pasok na kami sa susunod na laban namin. Nagsimula na ang laro namin, at masaya ako dahil sunod-sunod ang panalo namin. At dahil yun sa mga kateamate ko.. masaya ako dahil ginagamit nila yung mga techniques na tinuturo ko sa kanila. At mas lalo pa nila ginagalingan.

" Good job, Angel. " nakangiting sabi ko sa kanya at nakipag-apir pa sa kanya.

" Ang galing mo Angel. " sabi naman sa kanya ni Ethan.

Kakatapos lang kasi ng laro niya at dahil magaling ako magturo. Nanalo siya kahit na magaling ang nakalaban niya.

" Next player! "

Napatingin ako kay Clay na nakahanda na sa pagpasok sa loob ng court. Siya na ang huling maglalaro sa amin, at dapat manalo siya para makalaro kami ulit sa susunod na laro. Napailing nalang ako ng makita ko sa mukha niya na talagang excited siya.

Tumayo ako saka lumapit sa kanya sabay tapik sa balikat niya para tumigil siya at mapatingi  sa akin.

" Galingan mo ha. " sabi ko sa kanya.

" Oo naman Ate Alex. Gusto kung maging katulad mo eh. " nakangiting sabi nito sa akin.

Napangiti nalang ako at ginulo yung buhok niya. Pumunta na siya sa gitna ng court dala yung rocket niya. Napatingin naman ako kina Cloud na nasa kabilang side kasama ang nga kaibigan niya. Nakaupo silang tatlo na talagang malayo ang distansya sa kanila ng ibang manunuod. Alam niyo na.. nakabantay yung mga bodyguard nila na mas lalo pang nadagdagan. Kaya walang may nakakalapit sa Prince nila.

Simula kasi malaman ni King at Queen yung trabaho ko, at may nagtatangka sa buhay ng mga anak nila. Pinagdagdagan pa nila ang mga bantay nito. At tulad ng ginagawa ko, parang normal parin ang lahat ng nasa paligid namin. Ang plano ko kasi, kahit na pinagdagdagan parin ng King ang bantay ng mga anak nila. Minabuti kung magsuot ng civillian ang ibang mga bodyguard at maging normal lang sa paligid katulad ng ibang normal na tao. Para hindi mahalata ng mga kalaban na alam na ng King at Queen na merong humahanting sa anak nila. At para naring hindi magtaka sina Cloud at Clay. At fake fiance parin ako ng Prince para mabantayan ko ito ng maayos.

Natapos ang laro ng kami ang nanalo. Palapit ng papalapit na kami sa championship. At kailangan ko talaga silang itraining ng mabuti para maging malakas sila. Dahil hindi basta-basta ang makakalaban namin kung sakali mang makapasok kami sa  championship.

Kakatapos ko lang magpalit ng damit ng akmang lalabas na sana ako ng cubicle ng makarinig ako na may pumasok sa loob ng banyo habang nag-uusap sila. Kaya pinili kung manatili muna sa loob ng cubicle para makiramdam na rin.

" That bitch! Talagang nagpapabida siya. " galit na sabi ng isang pamilyar ma boses.

" Ano na ang gagawin mo ngayon? Simula nong dumating siya dito, nasira na lahat ng pinaghirapan mo. At sa isang iglap lang, naging fiance na siya ng Prince! "

Hhmm... Mukhang ako yata ang tinutukoy nila. At base sa galit nila sa akin, mukhang alam ko na din kung sino sila.

" Ano na ang gagawin mo ngayon, Lendi. Papayag kana lang bang matalo ka niya? "

Saglit silang tumahimik. At ilang sandali lang parang baliw kung tumawa si Lendi.

" Mga tanga ba kayo? Ako magpapatalo sa kanya? Baka madagdagan ko lang ang ginawa ko sa papa at  sa kapatid niya. "

Parang bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko at nanlamig ang buong kalamnan ko dahil sa narinig ko. At parang biglang nagsink-in sa utak ko yung nangyari kina Papa, yung pagkabaril sa kanya... Para akong baliw na kakahanap sa taong gumawa non sa pamilya ko. At nagpatulong pa ako sa mga kaibigan ko para mahanap lang yung taong yun. Pero, all this time! Nasa paligid lang pala ang walang hiyang yun. Nakikita at nakakausap ko pa siya, pero hindi ko man lang naisip na may kakayahan pala siyang gumawa non.

Huminga muna ako ng malalim at kinalma muna yung sarili ko, saka natural lang na lumabas ng cubicle na para bang normal lang ang lahat. Pero gusto kung ipakita sa kanila kung paano ako sasabog ngayon.

" So! Ikaw pala ang taong yun. " sabi ko na lumapit sa may sink saka naghugas ng kamay.

Kita ko sa reflection ng salamin na nasa harapan ko ang gulat at pagkaputla ng kanilang mukha. Bakit? Hindi ba nila inaasahan na maririnig ko ang usapan nila?

" K-kanina ka pa dyan? " gulat na tanong sa akin nong isang kasama niya.

Humarap ako sa kanila kasabay non ang pagngiti ko ng matamis sa kanila.

"  Sapat lang naman na malaman ko ang secreto ng gagong kasama niyo. " diin kung sabi habang nakatingin kay Lendi.

Ang kaninang gulat sa mukha niya ay napalitan ng isang matapang na mukha.

" Totoo bang ikaw ang gumawa non sa pamilya ko? " seryusong tanong  ko sa kanya.

Matapang naman itong tumingin sa akin. At parang hindi man lang itong natinag.. dahil nanatili lang itong nakatayo at nakatingin sa akin.

" You heard it, right? Ako nga nag-utos na gawin yun sa pamilya mo. Magpasalamat ka pa nga hindi ko sila pinapa-aahh.... "

Hindi kuna pinatapos ang sasabihin niya ng bigla ko syang sinakal sa leeg na ikinalaku ng mata niya. Maging yung kasama niyang dalawang babae.

" L-let me go. " nahihirapan nitong sabi.

* Authors POV *

Parang wala narinig si Alex sa sinabi ni Lendi na patuloy paring nakikiusap sa kanya na bitawan siya nito. Dahil nahihirapan narin siyang huminga. Pero si Alex ay patuloy lang siya sinasakal.. na mas lalo lang humugipit ang pagkakasakal nito, na para bang gusto na niyang bawian ng buhay si Lendi.

" Anong karapatan mo para gawin mo yun sa pamilya ko. " malamig at seryusong sabi sa kanya ni Alex.

Kahit silang tatlo ay hindi mapigilang makaramdam ng takot ng marinig nila ang malamig na boses ni Alex. Pero mukhang matigas talaga si Lendi. Dahil kahit na nakaramdam man ng takot at nahihirapan ng huminga. Nagawa parin nitong sagutin si Alex at ngumiti sa harapan niya.

" I-Its for fun. " nakangisi nitong sabi na mas lalong kinainit ng ulo ni Alex.

" For fun ha. " nakangisi rin nitong sabi kay Lendi, saka malakas niya itong itinapon sa may pinto ng banyo dahilan para mapahiyaw ito sa sigaw.

" You bitch! " galit na sigaw sa kanya ni Lendi na ikinangisi niya lang.

Akmang lalapitan niya sana ito ng biglang humarang sa harapan niya ang dalawang kasama ni Lendi.

" Kami ng bahala sa kanya, Lend. " sabi nong isa na nakatingin ngayon kay Alex.

" Yeah! Leave it to us. " nakangising sabi naman ng isa.

Wala namang emosyon na nakatingin sa kanila si Alex. At nakikita yun ng dalawa, napapansin din nila na parang walang buhay ang mga mata nito. Aaminin nilang nakaramdam sila ng takot dahil sa paraan ng pagtingin sa kanila ni Alex. Pero dahil kaibigan nga sila ni Lendi, namayani parin sa kanila yung tapang para harapin si Alex at kalabanin. Kahit hindi nila alam kung ano ang kaya nitong gawin sa kanila.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon