* Cloud POV *
Kanina pa kami nakatingin sa mga naglalaro... At sa bawat laro nila, wala kaming pinaglabas. Dahilan para magulat kami ng makita ang malaking pagbabago sa players ng eagles.
Hindi ko akalain na ang dating tennis players ng eagles na mukhamg hindi marunong maglaro at laging talo pagdating sa labanan. Ngayon ay nagpapakitang gilas na ang mga ito. Sunod-sunod ang naging panalo nila, dahilan para mas lalo pa akong humanga sa pinapakita nila ngayon
.Ito ang unang pagkakataon na makita ang sunod-sunod na pagkapanalo nila. At talagang makikita mo sa mukha nila ang saya dahil sa nangyayari... Lalo na ang kapatid ko na talagang tumatalon pa sa tuwa. Hindi mo na rin sila makikitaan ng takot.. kahit na ang lalaki ng mga kalaban nila.
" Next player! " rinig naming sigaw nong referee.
" Oy! Si Alex na ang maglalaro. " sabi ni Zent.
Napatingin ako sa babaeng naglalakad papunta sa gitna ng court. Sa unahan kami nakaupo kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Nakangiti lang siya at mukhang hindi mo man lang siyang nakikitaan ng takot sa mukha nito.
" Ngayon palang natin makikitang maglaro si Alex. At sigurado akong magaling din siya. " sabi ni Neon.
" Tsk! Wala naman siyang ginawa kundi ang tumayo tuwing practise nila. " sabi ko.
Totoo naman kasi.. lagi namin silang nadadaanan kapag nagpapractise sila. At wala siyang ibang ginawa kundi ang tumayo lang at ang mag-utos.
Napatingin ako sa dalawang katabi ko ng maramdaman kung nakatingin sila sa akin.
" What? "
" Hindi mo ba naisip? Si Alex yung nagtuturo sa kanila para gumaling sila ng ganyan... So, kung wala si Alex, baka matalo na naman sila. " sabi ni Zent.
Natigilan naman ako sa sinabi niya at napaisip... He's right simula nong dumating siya at sumali sa Tennis Club, malaki na ang pinagbago ng mga ito. Madalas ng binubully ang dating member ng tennis club dahil nandyan siya para ipagtanggol ang mga ito. Nakikita ko rin na grabe ang training na binibigay niya sa mga ito kaya naging ganyan kahusay ang mga ito.
" Pero kailangan niya parin ipakita sa lahat kung magaling ba talaga siya. " sabi ko sa kanila.
Nagsimula na ang laro nila. Halatang galit na galit na yung mukha ng leader ng the rat, dahil sa sunod-sunod nilang pagkatalo. Pero mukhang wala talagang pakialam yung babaeng yun.. kahit na masama na amg titig sa kanya ng Leader ng kabilang team.
Agad akong napatingin kay Michaella para malaman kung okay lang siya... Dahil sa unang tira palang ng kabilang team, halatang malakas na ito.
" Shit! Muntikan na don si Alex ha. " sabi ni Neon ng makita ang nangyari.
Kung hindi lang mabilis nakaiwas si Micha.. siguradong natamaan na siya non ng bola.
Pero agad napakunot ang noo ko ng mapansin kung parang wala man lang epekto kay Micha ang nangyari. At talagang nakikita ko pa sa kanya na nakangiti pa siya.
" Masyado mo namang pinapadali ang laro na toh, daga! Nagsisimula palang tayo eh! " sigaw nito dahilan para marinig namin.
Napansin kung mas lalong nagalit ang leader ng Rat dahil sa sinabi niya... Sa bilis ng pangyayari, kahit kami ay hindi namin napansin na tumira na pala ang leader ng the Rat kahit na hindi pa nagbigay ng go signal ang referee.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.