Ilang linggo na ang nakaraan at hanggang ngayon, hindi parin namin nahahanap kung sino ang nag-utos para gawin yun kina Papa. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kung ano ang dahilan niya para gawin niya yun sa pamilya ko. At bakit hindi ako yung harapin niya para makapagtuos kami?
Pagkarating ko sa locker room ng mga kateam mate.. napakunot ang noo ko ng maabutan ko silang naglilinis ng kalat nila.
" Bakit kayo ang gumagawa nyan? " kunot noo kung tanong sa kanila.
" Hi! Ate Alex. Good morning po. " nakangiting bati sa akin ni Angel.
" Morning... Nasaan ang mga basketball players, para gumawa nyan? " tanong ko sa kanilang lahat.
" May laro kasi silang ngayon, Alex. Kaya kami nalang ang naglinis ngayon. " sabi naman ni Lance sa akin.
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Kaya pala wala ako masyadong nakikitang mga estudyante na pakalat-kalat dito sa school, dahil nanunuod sila ngayong ng basketball.
Tumulong nalang din ako sa kanila sa paglilinis. At pagkatapos non, sabay-sabay na kaming lumakad papunta sa gym para manuod din ng laro. Pero sa totoo lang, hindi naman ako interasado na manuod ng basketball. Kaya lang naman ako pupunta don dahil, kailangan kung bantayan ang Prinsipe. Lalo na at kumikilos ngayon ang kalaban para kunin siya.
" Ganito ba talaga kaingay sa tuwing may naglalaro dito? " tanong ko kay Ethan na katabi ko ngayon.
Pagpasok kasi namin, agad na bumungad sa akin ang napaingay na mga tao dito sa loob ng gym. Ang dali ko pa namang mainis kapag masyadong maingay, katulad nalang ngayon.
" Masanay kana dito, Alex. Prinsipe kasi ang naglalaro.. kaya hindi na nakapagtataka na maingay ang paligid. " sabi nito sa akin.
Napatango nalang ako saka napatingin sa paligid. Tama nga siya, dahil karamihan sa mga banner na nakikita ko ay ang pangalan ng Prinsipe ang nakalagay.
Napatingin ako sa score nila ngayon. Malaki ang lamang ng Eagles sa kalaban nila. Kaya hindi na nakapagtataka kung sila ang mananalo ngayon.
" Ethan, pakisabi nalang sa kanila na may practise tayo bukas. Kailangan kuna kasing umalis. " sabi ko sa kanya.
" Hindi mo muna tatapusin ang laro? "
" Hindi na.. may importante pa kasi akong gagawin. " nakangiting sabi ko sa kanya na ikinatango niya lang.
Lumabas na ako sa gym saka pumunta sa kung saan man ako dadalhin ng paa ko. Hanggang sa makarating ako sa likod ng gym na sakto naman ang pagbaba ng dalawang lalake na nanggaling sa itaas ng gym.
" Kamusta ang Prince? " tanong ko sa kanilang dalawa, dahilan para mapatingin sila sa akin.
Kita ko sa mga mata nila, kung paano sila nagulat ng makita nila ako.
" Sino ka? " tanong nong isa sa akin.
Sa halip na sagutin ko yung tanong niya. Nagsalita lang ako ulit.
" Tell me! Kailan niyo balak kunin ang Prince para patayin. " seryusong tanong ko sa kanila.
Mas lalo naman silang nagulat sa sinabi ko. At alam kung hindi nila inaasahan na malalaman ko ang binabalik nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.