Pagkatapos ng klase namin, dumeritso kami ni Nikka sa cafeteria para kumain, pero hindi pa man kami nakakaabot sa cafeteria ng may tumawag sa pangalan ko.
" Ate Alex! Ate Alex!.. "
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Angel na tumatakbo papunta sa deriksyon namin ni Nikka. Agad naman namin siyang inalalayan ng huminto siya sa harapan namin dahil malapit na itong matumba.
" Okay ka lang? Bakit ka ba kasi tumatakbo? " tanong sa kanya ni Nikka.
Humunga muna ito ng malalim, bago tumingin sa akin si Angel.
" A-ate Alex. Sina Kuya Ethan at Kuya Lance po. Pinaglalaruan ng mga basketball players. " hinihingal nitong sabi sa akin.
" Wala naman sigurong mali doon, Angel. Normal lang sa mga lalake na maglaro ng basketball. " sabi ko sa kanya.
" Yun na nga ang problema Ate eh...hindi marunong maglaro sina Kuya ng basketball. " pagmamaktol nito.
Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya, pero agad din namang nakabawi. Siguro may mga lalaje talagang hindi marunong maglaro ng basketball. Pero magalung naman itong maglaro ng ibang sports. Katulad nalang nina Ethan at Lance.
" Tsk! Akala ko kung ano na talagan ang nangyari. " sabi ni Nikka na mukhang nakahinga ng maluwag.
Yung mukha kasi ni Angel kanina, talagang aakalain mo na may nangyaring masama dito. Lalo na yung mukha niya na parang takot at puno ng pag-alala? At isa pa, mabuti na yung nakikipaglaro sina Ethan ng basketball sa kanila lara matuto.
" Pero Ate Nikka! Talagang may nangyayari... " inis nitong sabi.
" Then tell us. " sabi ko nalang para matapos nah.
" Kasi po Ate Alex. 2 vs. 5 ang labanan nila ngayon. Hindi na nga marunong sina Kuya maglaro, pinaglalaruan pa nila ito. " pagmamaktol nito.
" 2 vs. 5? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Opo. "
Abat! Talagang hindi tama yun. Mga gago pala ang mga yun eh. Saan ka makakita ng ganung laro? Talagang matatalo sina Ethan non pagnagkataon. Lalo na at hindi sila marunong maglaro.
Pumunta kami sa may gym, kasama ko sina Nikka at Angel. Sa labas palang ng gym, rinig ko na yung malakas na sigawan ng mga manunuod. Pero talagang mas malakas yung sigawan nila pagpumasok ka sa loob. At hindi na ako magulat na makitang halos mapuno na yung gym sa mga nanunuod.
" Talaga bang ganito dito? " inis kung sabi.
" Oo! Alex. Kahit na hindi ibang school ang kalaban nila, talagang maraming nanunuod sa kanila. Kahit na praktise lang. " sabi ni Nikka sa akin.
Napatingin ako sa gitna ng court, nakita ko doon sina Ethan at Lance na suot-suot yung uniporme namin sa Tennis club. At kalaro nila yung limang basketball boys. At tama ng si Angel 2 vs. 5 ang labanan nila ngayon, na talagang kitang-kita ko na kahit anong gawin nina Lance ay talagang matatalo sila. Talagang hindi ganun kagaling maglaro ng basketball sina Lance at Ethan. Pero nakikita kobsa kanila na marunong silang dumpensa at maagaw yung bola na agad namang nakukuha ng isa sa mga basketball player.
Talagang kumukulo ang dugo ko ng makita ng dalawang mata ko na pinaglalaruan lang nila sina Ethan at Lance. Habang ang mga ito ay talagang siniseryuso ang laro nila. At dahil don, walang pagdadalawang isip na tumakbo ako at pumasok sa loob ng court. At mabilis na inagaw ang bola na ishoshoot na sana sa isa sa mga basketball player.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.