Mabilis na umiwas si Alex ng nagpakawala ng suntok ang isang babae na nasa harapan niya. Parang balewala lang sa kanya na ipinihit patagilid ng kunti ang kanyang ulo sa suntok na tatama sana sa mukha niya... Gulat namang nagkatinginan ang dalawa at parang nag-uusap pa ang kanilang mga mata na sabay nilang sugurin ng suntok si Alex. At ganun nalang ang pagkagulat nilang dalawa na bigla nalang hinawakan ni Alex ang kamay nila. At ramdam nila ang higpit ng pagkakahawak nito.
Ngumisi sa kanila si Alex at kasabay non ang pagsipa nito sa sikmura ng isa kaliwang babae at saka mabilis na pagsuntok sa mukha nong isa. Pareho nilang hindi inaasahan ang mabilisang pag-atake sa kanila ni Alex, na kahit si Lendi na nanunuod lang ay nagulat din sa ginawa nito.
Agad namang tumayo ang dalawa ng makabawi sila sa pagkagulat. At muling sinugod ng sabay kay Alex... Sipa at suntok ang pinapakawala nilang dalawa na mabilis namang naiiwasan ni Alex. Patuloy lang siya sa pag-iwas at hinayahaan lang ang dalawana umaatake sa kanya. Pero ng makita niya na tumatakas si Lendi. Mabilis niyang tinapos ang dalawa, hanggang sa manghina ang mga ito at mawalan ng malay. Pagkatapos non, saka niya naman sinundan si Lendi na nakalabas na ng banyo.
Lakad lang ang ginawa niya, habang si Lendi ay tumatakbo at patingin-tingin sa kanya, at kita mong namimilipit ito sa sakit dahil sa ginawa ni Alex sa kanya kanina.
" Run Lendi... Run as fast as you can. " malamig nitong sabi.
Maraming estudyante ang napapahinto at napapatingin sa kanila.. lalo na kay Alex. Dahil sa seryusong mukha nito at ang mga matang walang buhay. May iba pang agad napapatabi dahil sa kakaibang aurang dala ni Alex... Lahat sila ay nagtataka at natatakot ng makita nila si Alex na parang walang buhay na lumalakad sa gitna nilang lahat. Maging sina Nikka at ang members ng Tennis Club ay napapahinto rin at hindi rin nila mapigilang makaramdam ng takot. Dahil ngayon palang nila nakitang naging ganito si Alex.
Naabutan ni Alex si Lendi at wala itong pagdadalawang isip na hilain ang buhok ni Lendi. At wala siyang pakialam kung maraming makakakita sa ginagawa niyo o sa gagawin niya palang ngayon. At mas lalong wala siyang pakialam kung mamimilipit man sa sakit si Lendi.
" Ouch! B-bitawan mo ako. " galit na sigaw sa kanya ni Lendi na nasasaktan na dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Alex sa buhok niya. Na para bang pati anit nito ay matatanggal na.
Pero parang wala lang narinig si Alex, patuloy parin ito sa paghila sa buhok ni Lendi, hanggang sa makarating sila sa may field at malakas na binitawan ito dahilan para mapasubsob ito sa may lupa.
" You bitch! " galit na sabi ni Lendi saka tumayo at sinugod si Alex.
Kung kanina iwas lang ang ginagawa niya, pero ngayon sa bawat suntok na pinapakawalan ni Lendi ay siya ring mabilisang pagsuntok sa mukha ni Lendi na hindi naman ito naiwasan. Para silang nasa isang boxing ring na maraming nanunuod at sunod-sunod ang binibigay niya sa mukha at sa katawan ni Lendi.. kasabay non ang pagbigay niya ng sipa din. Lahat ng suntok na pinapakawalan ni Lendi ay naiiwasan niya, at hindi siya papayag na masaktan siya ni Lendi.
Maraming nanunuod sa away nila ni Lendi, pero ni kahit isa sa kanila ay walang pumigil dito. Hindi sa hindi nila kaya, kundi sa takot silang mangialam dahil baka sila pa ang pagbuntong ng galit ni Alex. Lalo na at sobrang sama ang tingin sa kanila sa tuwing may tumatangkang lumapit sa kanila para pigilan ang mga ito.
* Cloud POV *
Kakatapos lang namin magpraktise para sa susunod naming laro at papunta na kami ngayon sa locker room namin para makapagpalit ng damit.. ng matanaw ko ang kapatid ko na tumatakbo papalapit sa kinaruruunan namin.
" Kuya Cloud! " sigaw nito ng makita niya ako.
Agad ko siyang inalalayan ng huminto siya sa harapan namin na humihingal pa dahil sa kakatakbo niya.
" Bakit kailangan mo pang tumakbo? May problema ba? " tanong ko sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim at kinuha ko naman yung tumbler ko na may laman pang tubig saka ibinigay sa kanya na agad niya namang ininom. Nang makabawi na.. agad naman siyang tumingin sa akin.
" Kuya, si Ate Alex po.... "
" Anong nangyari sa kanya? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Napaaway po. "
Napamura ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Ano na namang kaguluhan ang pinasok ng babaeng yun.
Tinuro sa akin ni Clay kung saan si Alex na agad naman namin siyang sinundan. At habang papunta kami sa kanya? Hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka kung ano ang nangyari sa kanya.
Nang makarating kami sa may field, agad kung napansin ang mga nagkukumpolang mga tao doon. Naglakad ako papunta sa may gitna na agad naman ako binigyan ng daan ng mga tao doon para makadaan ako at makita ko kung ano ang nangyayari.
" Masakit diba? Kulang pa yang kabayaran sa ginawa mo sa pamilya ko. "
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang malamig na boses na yun. At kasabay non ang pagkagulat ko ng makita ko kung ano ang nangyayari sa gitna. Nakita ko mismo sa harapan ko si Micha na sakal na sakal si Lendi na talagang napapansin mong nahihirapan siyang huminga. Napakunot din ang noo ko ng makita ko ang mga sugat nito sa katawan at sa mukha niya.
" Tang*na mo! Matagal kitang hinahanap, nandito ka lang palang p*tang*na ka! Hindi ka lang pala isang haliparot na malandi ka! Isa ka din palang ipis na kailangan patayin. "
Biglang nanlamig ang buo kung katawan ng marinig ko ang sinabi niya gamit ang malamig na boses nito. Rinig ko ring nagsinghapan lahat ng taong nakapaligid sa kanila dahil sa sinabi ni Micha. Hindi ko man nakikita ng maayos ang mukha niya, pero ramdam na ramdam ko ang matinding galit nito kay Lendi. At ang kakaibang aurang nakapaligid sa kanya.
" L-let me go...you...b-bitch. " nahihirang sabi ni Lendi sa kanya.
Pero parang walang narinig si Micha, patuloy parin nitong sinasakal si Lendi. At talagang kita mo yung pamumutla ng mukha niya.
" No! Bibitawan lang kita.. kapag patay kana. " diin nitong sabi.
Lahat natigilan at natahimik sa sinabi ni Micha. Kahit na ako ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na may ganito palang ugali si Micha. Ugali na parang hindi mo dapat gustuhing makita sa kanya.
" Cloud, stop her. Stop her.. bago pa siya makagawa ng isang bagay na tiyak pagsisihan niya. " sabi ni Neon sa akin.
Kahit hindi niya sabihin sa akin. Gagawin ko talaga. Dahil hindi ko hahayaang madungisan ang kamay ng Prensisa ko.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.