Chapter Thirty Eigth

10.4K 262 15
                                    

Pagkarating namin sa Bar, agad namang tinuro sa amin ng kapatid ni Zent kung nasaan yung hinahanap namin.

At yun nakita namin siya na pilit inaawat ng kasama niyang babae sa pag-inom. Dahil sa nakikita namin ngayon, talagang sobrang lasing na siya.

Agad akong lumapit sa kanya at inagaw sa kanya yung boteng hawak niya na iinumin niya pa sana ulit, dahilan para mapatingin siya sa akin maging yung kasama.

" Prince!Mabuti naman dumating kayo. Kanina ko pa siya pinipigilan.. pero ayaw magpaawat. " sabi nito sa akin.

" Ako na ang bahala sa kanya. " sabi ko.

Tumango naman ito, saka umalis sa tabi nito at ako naman ang pumalit doon.

" Bakit mo kasi pinainom? "

" Niyaya ako eh, kaya anong magagawa ko. " rinig kung sabi ng mga ito.

Tumabi ako ng upo kay Micha at pilit siyang pinapaupo ng maayos na pilit na namang kikuha yung bote ng alak.

" A-ano ba.. bitiwan mo nga ako... " lasing nitong sabi sa akin.

Pero hindi ko parin sinunod ang gusto niya. Masyado na siyang maraming ininom, at hindi na pwedeng dagdagan niya pa dahil baka ano pa ang mangyari sa kanya.

" Stop it, Lady. Lasing kana. " sabi ko sa kanya pero parang wala man lang itong narinig.

Kumukuha parin ito ng bote ng alak na agad ko namang kikuha sa kamay niya. Dahilan para magalit ito.

" Ano ba! Shino kaba....para pigilan a-ako maglashing? " sabi nito sa akin.

Napatingin ito sa akin sandali at napakunot ang noo ko ng biglang lumungkot ang mukha niya. At ang kinagulat ko ay ng tumulo ang luha nito.

" Micha, what happened? Why are you crying? " tanong ko sa kanya.

Hahawakan ko sana siya sa pisngi ng bigla bitong tabigin ang kamay ko.

" Dont touch me!....Pishteng Prinsipe yun...sinaktan ako. " sabi nito at ramdam ko yung sakit na dinadala niya ngayon.

Tumingin ito sa akin na patuloy parin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

" Ikaw.. bakit magkamukha kayo ng Prinshipe... H-hindi niya ba alam na mahal ko siya... I love him! Pero anong ginawa niya? S-shinaktan ako.. pwede bang shapakin mo yun para sa akin. " sabi nito.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. At hindi parang hindi parin masink-in sa utak ko ang sinabi niya... She loves me, kailan pa?

" Iba talaga kapag lasing ang isang tao, nagsasabi ng totoo. " rinig kung sabi ni Eloc.

Ngumisi lang ako at muling tumingin kay Micha na nakasandal na sa upuan at patuloy paring lumuluha.

Alam kung gago ako para gawin sa kanya ang bagay na yun. Pero alam niyong normal lang magalit sa isang tao kapag alam mong nagsinungalung at nagloko ito sayo, diba?

Pero hindi nagtagal ang galit ko sa kanya, talagang naiinis lang ako sa ginawa niya.

And I want to clarify all the things about us!

Lalo na at nalaman ko mula sa kanya kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Alam kung lasing siya at alam ko din na nagsasabi siya ng totoo kahit na lasing pa siya.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon