Inis na sinipa ko yung gulong ng sasakyan namin. Kung saan pauwi na kami, doon pa siya naflat.
Bakit kasi hindi nila chenek kanina bago kami umalis doon sa resort. Yan tuloy, para kaming tangang apat dito sa kakahintay na maayos yung sasakyan. Yung iba kasi nauna na, habang kaming apat dito ay nasa daan parin.
" Matagal pa ba yan? " tanong sa akin ni Neon.
" Kung ikaw kaya dito. " inis kung sabi sa kanya.
Pano ba naman kasi ako yung nagpapalit ng gulong ng sasakyan namin. Dahil ako lang naman ang marunong gumawa nito. May mga sasakyan pero hindi alam kung paano magpalit ng gulong.
" Tapos na mga Sir. Pwede na kayong pumasok sa loob para makaalis na tayo dito. " sarcastic na sabi ko sa kanila.
Nagkibit balikat lang sa akin si Zent habang si Neon ay nagawa pang ngumisi sa akin, bago tuluyang pumasok sa loob. Babatukan ko sana siya ng pigilan ako ni Cloud.
" I told you na sila nalang ang pinatrabaho mo pinawisan kapa tuloy. " sabi nito sa akin.
Hindi na ako nagulat ng punasan nito ang pawis sa mukha ko. Dahil sanay na akong ginagaw niya ito sa akin.
Matapos niyang punasan ang pawis ko at makapaghugas ng kamay gamit yung isang bottle ng mineral ay pumasok na kami sa loob ng sasakyan saka naman minaneho ni Zent paalis.
Tinaasan ko ng kilay si Neon ng pansin kung nakatingin siya sa akin gamit ang rearview mirror.
Matapos ang nangyari nong isang araw at pagkita niya sa pagpatay ko sa dalawang lalakeng yun. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya sinabi kay Ulap yung tungkol sa akin. Pero ang nakakainis lang, lagi itong nakasunod sa amin na para bang may gawin akong masama sa kaibigan niya?
Ganun na ba talaga kasama ang tingin niya sa akin?
Naku! Kung hindi ko lang talaga siya tinuring na kaibigan ko? Talagang masasaktan ko siya.
" Shit! "
Sabay kaming napamura lahat ng biglang nagpreno yung sinasakyan namin. Dahilan para muntik na kaming masubsob lahat.
" Are you okay? " tanong sa akin ni Ulap ng makaupo ako ng maayos.
Tumango lang ako sa kanya pero nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses nito.
" What the f*ck are you doing, Zent! " galit na sigaw nito.
" Pasensya na Cloud. Hindi ko sinasadya, may mga humaharang kasi sa dinadanan natin. " sabi nito.
Napatingin naman ako sa harapan namin. At talagang halos mapamura ako ng makita ko kung gaano karami ang humaharang sa amin.
Alam kung hindi sila mga tambay lang sa kanto na may pagtripan lang. Kundi sila yung mga tauhan ni Lendi, dahil yung mga suot nila ay kapareho lang sa mga nakaharap ko nitong mga nakaraang araw.
" Ano ba ang trip ng mga ito! " inis na sabi ni Zent habang binubusinahan ang mga yun.
Patuloy lang ito sa pagbusina hanggang sa manlaki ang mata naming lahat ng bigla silang nagsilabasan ng baril at saka itinutok sa amin ito.
" Shit! They are crazy? " rinig kung sabi ni Cloud.
Bago ko pa siya sinagot, sabay kaming napadapa lahat ng pinagbabaril na kami. Halos magsiksikan na kami sa loob ng sasakyan para hindi lang matamaan ng bala. Ni halos mapahiga na nga kami sa sahig.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.