Chapter Five

13.4K 334 8
                                    

Gising na ako.. pero nanatili paring nakapikit ang mga mata ko. Tinatamad akong bumangon, lalo nat sobrang lamig ngayon.

Nanatili akong nakapikit ng bumukas ang punto ng kwarto ko.

" Ate, alam kung gising kana. Kaya bumangon kana dyan dahil pinapatawag ka ni Papa sa akin. " rinig kung sabi nito.

"Bakit daw? " nakapikit na tanong ko sa kanya.

" Abat ewan ko.. ako ba si Papa? "

Bago ko pa siya matapunan ng unan, mabilis na siyang nakalabas ng kwarto ko at agad na sinara ang pinto... Lokong batang yun, kahit kailan talaga hindi matinong kausap.

Bumangon na ako sa kama at nanghilamos muna at nagmumog bago lumabas ng kwarto.. bago pa magalit si Papa sa akin. Ayaw kasi non na paulit-ulit na tinatawag.

Sa may shop ako dumiretso dahil alam kung nandon na si Papa para buksan na yung talyer namin. Maaga pa.  kaya wala pa kaming customer.

" Pa! Pinapatawag mo daw ako? " sabi ko ng makapasok ako sa loob.

" May iuutos ako sayo. "

" Ano po yun? "

Sinundan ko siya ng tingin ng pumasok siya sa parang office niya dito at may kinuha siya sa drawer ng mesa niya. At bumalik saka ibinigay sa akin yung kinuha niya na tinanggap ko naman.

" Hindi ako makakaalis dito, kaya ikaw nalang ang pumunta doon. Nakalagay yung address na pupuntahan mo. Ayusin mo yung sasakyan nila. " sabi nito sa akin.

" Bakit hindi nalang sila pumunta dito, at dito magpaayos? " reklamo ko.

Agad naman akong napalayo sa kanya ng mag-aaksyon siyang babatukan ako. Nang hindi niya magawa, sinamaan niya nalang ako ng tingin na ikinasimangot ko.

" Tanga kaba? Kaya nga doon nila ipapaayos yung sasakyan nila dahil hindi sila makakapunta dito... Dahil sira nga yung sasakyan nila! " sabi nitosa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at umalis nalang sa harapan niya at saka bumalik sa kwarto ko para makapagligo at makapagbihis ng katawan... Pagkatapos ko non, bumalik ulit ako sa shop namin para kumuha ng gamit na gagamitin ko sa pag-aayos.

" Bakit? " nagtatakang tanong sa akin ni Papa ng ilahad ko yung palad ko sa harapan niya.

" Pamasahe ko? " sabi ko sa kanya.

Agad ko namang iniwas yung kamay ko ng papaluin niya sana ito.

" Gamitin mo yung motor o yung bike! " inis nitong sabi sa akin.

Nakasimangot naman akong umalis ng bahay papunta sa address na nakalagay sa papel gamit yung bike ko.

Pagdating ko sa address na pupuntahan ko. Halos mapanganga ako ng makita ko yung nasa harapan ko. Hindi naman ito bahay ang pinuntahan ko eh. Mansyon ito o hindi kaya palasyo! Sobrang lawak kasi at talagang sasakit ang leeg mo sa kakatingin dahil sa taas ng gate nila.

" Good morning, Maam. "

Napatingin ako ng may nagsalita. At doon nakita ko ang isang lalakeng nakatayo sa harapan ko na nakaall black. At talagang matatakot ka sa laki ng katawan nito.

" Maam? " pagtawag pansin nito sa akin.

Bumaba ako sa bike ko at kinuha yung papel na ibinigay sa akin ni Papa kanina saka ibinigay sa kanya.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon