* Alex POV *
Napangiwi ako ng maramdamam kung kumikirot ang buong katawan ko pagkagising ko... As I expected, nandito ako sa loob ng hospital ngayon.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko yung nangyari sa school. At hindi ko maiwasan maramdam ulit ng galit ng maalala ko ang pagmumukha ni Lendi. Yung babaeng yun.. ano ang ginawa ko sa kanya para gawin niya yun sa panilya ko?
Bumangon ako at napasandal sa headboard ng kama, na sakto namang bumukas yung pinto ng kwarto ko dito sa hospital.
" Hey! You awake. " sabi nito ng mapatingin sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Pero bakit parang mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko? Para bang nagiging slow motion ang paglapit niya sa akin?
Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla nalang itong tumibok ng mabilis. Epekto lang ba ito sa pagkabaril sa akin? Pero parang biglang nahigit yung hininga ko ng lumapit siya sa akin, saka hinawakan yung pisngi ko papalapit sa kanya. At naramdaman ko na parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko?
" Are you okay? "
" Ha? " wala sa sariling sabi ko sa kanya.
Tsk! Natulala na naman ako ng ngumiti siya sa akin. Bakit ba ang gwapo ng isang toh? At ito namang abnormal kung puso, bigla-bigla nalang tumitibok ng malakas.
" Ilang araw na ba ako nandito? " tanong ko sa kanya at umiwas ng tingin... Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kung halikan siya.
" Isang araw ka palang dito simula nong nangyari. At mabuti nalang sa balikat ka lang natamaan, kaya hindi naging masama ang lagay mo. " sabi nito sa akin.
Napatingin ako sa kanya na nagprepare ng pagkain sa pinggan, at saka lumapit sa akin. Umusog naman ako ng kunti para makaupo siya sa kama... Nagtataka naman akong napatingin sa kanya ng itapat niya sa harapan ko ang kutsharang may lamang pagkain.
" Eat, alam kung gutom ka. " sabit nito sa akin.
May napapansin ba kaya sa isang toh? Bakit parang bumait yata?
Dahil gutom naman talaga ako, isinubo ko nalang yung kutsharang nakatapat sa akin. Isang araw akong tulog, kaya dapat lang na bumawi ako ng lakas. Isa pa, ang swerte ko ngayon. Dahil isang prinsepe ang sumusubo sa akin ngayon. Kumakain rin siya gamit ang kutsharang pinasusubo niya sa akin. Hindi ko alam, pero masaya ako sa nangyayari ngayon.
" Wait! Bakit ikaw ang nandito ngayon. Nasaan sina Papa? " tanong ko sa kanya.
Kanina pa kami nandito sa hospital at gumagabi narin. Pero ni kahit anino ng pamilya ko, hindi ko nakita dito sa loob. Maging yung mga kaibigan ko. Nag-alala ba sa akin ang mga yun? O talagang sanay na silang makitang ganito ako kaya hindi na nila ako dinalaw? Nakakainis naman....
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.
" Bakit? Nagsasawa kana ba sa akin? " seryusong sabi nito sa akin.
Ano bang nakain ng isang toh? Baliw ba toh?
" L-lumayo ka nga! Baka hindi ako makapagpigil na halik- "
Bigla kung tinakpan ang bibig ko ng marealize ko ang sinabi ko. Shit naman oh! Bakit yun pa ang lumabas sa bibig ko?
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.