Chapter Two

15.2K 389 4
                                    

Nandito na ako sa tapat ng bago kung school na papasukan. Sa labas palang ang ganda na at ang taas din yung gate nila.

Napatingin ako sa mga estudyanteng pumapasok sa loob ng school. Halata sa mga kilos at pananamit nila na nanggaling sila sa mayayaman na pamilya. Ang gaganda at ang sosyal ng mga pananamit at gamit nila.

Pumasok na ako sa loob ng campus at siguradong mapapawow ka sa sobrang ganda ng school nila. Idagdag mo pa ang lalaki ng mga buildings. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang school na to. Edi, sana matagal na akong pumasok dito.

Kinuha ko yung schedule ko sa bag at hinanap kung anong room ako. Pero ang una kung hinanap ay yung Deans office. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap, dahil nagpatulong ako sa mga estudyante na nandito. At thankful naman ako na tinulongan ako, kahit na labag sa loob nila.

Nagkatok muna ako bago pumasok sa loob.

" Good morning, Ma'am. " bati ko sa kanya ng makapasok ako sa loob.

Napaangat naman siya ng tingin.

Napansin ko rin yung pagkakunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Pero infairness ha, ang ganda ni Dean. Para siyang isang reyna na hindi makabasag pinggan. Siguro marami ang nanliligaw sa kanya? Hindi kasi siya nakakasawang tingnan.

" Good morning. You are- " napatingin naman siya sa folder na nasa harapan niya, saka tumingin ulit sa akin.

" Alexis Michaella Chavez, ang nakakuha ng scholarship. " nakangiti nitong sabi.

Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Parang matitibo yata ako nito, mas lalo siyang gumanda nong ngumiti siya. Kung naging lalake lang ako, baka kanina ko pa ito niligawan.

" Have a sit, Ms. Chavez. "

Sumunod naman ako sa sinabi niya at umupo sa harapan niya, sa may visitor set.

" By the way. I'am Mrs. Maxenne Hanna Smith. Your Dean and also the owner of these school." sabi nito.

Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

" M-may asawa na po kayo? " gulat kung tanong sa kanya.

Kumunot na naman ulit yung noo niya na para bang nagtataka ito. Pero kasi mukha talagang bata pang tingnan ni Dean sa ayos niya. Ang ganda niya kasi.

" Yes! Ms. Chaves. But, you know who I'am? " kunot noo nitong tanong sa akin.

" Po? Opo, kayo po ang Dean dito sa school. " nagtataka kung tanong sa kanya.

Kita ko yung gulat at pagkamangha sa mga mata niya. Pero mas nagulat ako ng tumawa ito!

Teka! Baliw ba ito? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ha. Pero maya-maya bigla siyang sumeryuso at saka nagdiscuss about sa rules and regulations ng school nila. Hindi naman ganun kadami ang rules nila at hindi din sila gaano ka strict. Ang importante lang daw ay huwag daw pabayaan yung studies.

Matapos niyang magdiscuss about sa school nila. Sinamahan niya naman ako sa room ko. Nagtaka nga ako dahil sa bawat hallway na madadaanan namin, lahat ng mga estudyante maging ang mga guro ay napapayuko. Ganito ba sila magwelcome sa bagong schoolmate?

Wow naman! Naappreciate ko ang effort nila.

Huminto na kami sa isang room. Pumasok naman sa loob si Mrs. Smith, saka kinausap yung prof. Nandito lang ako sa labas, dahil wala naman siyang sinabi na pumasok ako. Kaya bakit ako papasok kung hindi naman ako pinapasok diba?

Nakasandal lang ako sa may pader habang naghihintay. Pero agad din naman akong napatayo ng tuwid ng lumabas silang dalawa.

" Ms. Chavez. This is Ms. K. She will take care of you. " nakangiti nitong sabi.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon