* Alex POV *
" Alex! Nakapili kana ba ng sports na sasalihan mo? " habol sa akin ni Nikka ng palabas na ako ng room.
Kakatapos lang kasi ng klase namin kaya malamang pwede na akong umuwi.
" Ano na Alex, anong sports ang gusto mong salihan? "
" Hindi ko alam. " sabi ko sa kanya.
Hindi ko naman talaga alam kung anong sports ang sasalihan ko. Dahil kahit ako sa sarili ko, hindi kuna alam kung gugustuhin ko pa bang maglaro ulit.
" Hindi mo alam? " gulat na tanong nito sa akin na ikinatango ko lang.
Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong hilain.
" Anong ginagawa natin dito? " tanong ko sa kanya ng makarating kami sa harapan ng room ng archery club.
" Tutulongan kitang makahanap ng sports na pwede sayo. " sabi nito saka ako hinila papasok sa loob.
Pinatry-out nila ako, pero sa huli hindi ako nakuha dahil kulang pa daw ako sa practice. Kung alam lang nila na talagang hindi ko ginalingan, dahil ayaw kung kunin nila ako. Naglipat kami ng ibang sports, pumunta kami sa volleyball, soccer, at baseball na hindi naman ako tinanggap dahil masyado na daw silang marami para kunin pa ako. Okay lang din naman sa akin dahil ayaw ko ring maging bahagi ng team nila.
" Ano bang sinalihan mo, Nikka? " tanong ko sa kanya.
" Hindi ako kasali sa mga sports. Pero kasali naman ako sa photography club. " nakangiti nitong sabi sa akin.
Tumango nalang ako at pinagpatuloy namin yung paglalakad namin. Natutuwa ako kay Nikka na nageeffort din siyang tulongan ako, kahit na wala naman talaga akong pakialam kung mapabilang man ako sa sports o hindi. Matagal na kasi akong hindi naglalaro.
" Ang huling choices nalang natin ay ang Basketball, Tennis at Taewondo. Anong gusto mong unahin sa kanila? " tanong nito sa akin.
" Taekwondo nalang. "
Gulat naman siyang napatingin sa akin, pero agad din nawala at sinamahan ako sa pagpunta don.
" Paalala lang, Alex. Si Tiger ang captain ng club na yun. Baka saktan ka nila, kaya mag-iingat ka. " sabi nito sa akin na kita mo talaga ang pag-alala sa mukha niya.
Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango. At pumasok sa loob ng room ng mga Taekwondo members. Dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.
" Anong ginagawa mo dito? " tanong sa akin ni Tiger ng makita niya ako.
" Nandito ako para sumali sa club niyo. "
Saglit naman silang natigilan, saka sabay-sabay na tumawa lahat na akala mo ay nagbibiro ako.
" Hindi kami tumatanggap dito ng mahihina! Tingnan mo nga yang katawan mo, kumpara sa katawan namin? " tumatawa nitong sabi.
Tsk! Ang yabang.
" Yeah! You're right. I'm to sexy for your club. But, let me tell you. Hindi porket ang lalaki ng katawan niyo ay ang lalakas niyo na? May I remind you, may kahinaan parin kayo. " seryusong sabi ko sa kanila at lumabas na ng room yun.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.