Kanina pa nagsisimula ang laro nila Cloud. At ngayon lang ako nakarating sa school namin. Nangako pa naman ako sa kanya na manunuod ako pagkasimula ng game nila hanggang sa matapos ito. Pero ito ako nga late na....Bwesit kasi ang kapatid ko, ang tagal maligo. Kailangan ko kasi siyang hintayin para sabay kaming umalus ng bahay. At maihatid siya sa school, dahil baka maulut na naman ang nangyari sa kanila noon. Kaya kailangan ko talagang bantayan sila, at masecure ang kaligtasan nila. Dumaan narin ako sa boss namin para magreport at humingi ng tulong sa pagbabantay kina Papa at Allen. Hindi kasintayo nakakasigurado kung kailan susulpot ang mga criminal ngayon.
Hindi pa man ako tuluyang nakakaabot sa may pinto ng gym ng mapansin ako ang tatli lalake na kahina-hinala ang mga kilos na papasok sa loob ng gym. Kaya nagmamadali rin akong pumasok sa loob para sundan sila at manmanin ang bawat kilos nilang tatlo. Napansin kung humiwalay yung usa sa dalawa. Kaya tiningnan ko muna kung saan pupunta yung dalawa bago ko sinundan yung isang lalake. Maraming tao sa loob ng gym, kaya kilangan ko pang makupagsiksikan para masundan lang ang isang taong yun na ngayon ay papunta sa locker room yata nila Cloud. Walang tao doon kaya malaya siyang makakapasok sa loob.
Sumilip muna ako at nakita kung may nilagay siya sa isang mga locker na na naroon. At habang nilalagay niya ang bagay na yun, pumasok na ako sa loob.
" Baka pwede kung malaman kung ano ang nilagay mo. " biglang sabi ko.
Gulat naman siyang napalingon sa akin. At agad din naman napalitan ng masamang tingin.
" Sino ka? Anong ginagawa mo dito? " galit na tanong nito sa akin.
" Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sa inyo? Lalo na at hindi kayo taga rito. " nakangising sabi ko sa kanya.
Muling nabalik ang pagkagulat sa mukha niya na ngayon at tinitingnan ako ng mabuti na para bang kinikilala ako?
" Pre, bilisan muna dyan. Malapit ng matapos ang laro nila. " rinig kung sabi sa parang radyo niya. Yung katulad ng mga guard na nasa mall.
Kung hindi ako nagkakamali, mga kasama niya yun kanina.
Masama ko naman siyang tiningan at unti-unting lumalapit sa akin.
" Sabihin niyo sa akin. Anong pakay niyo sa Prinsipe? Bakit kailangan niyo siyang patayin? " malamig na tanong ko sa kanya.
Ang gulat sa mukha niya ay napalitan ng takot. Pero talagang nangingibabaw ang kasamaan nito.
" Wala ka ng pakialam don. At kung meron man, si Boss na ang bahala sa kanya. " nakangisi nitong sabi sa akin.
Bago pa siya makatakbo papalabas sa loob ng locker room. Hinarang ko yung sarili ka na ikinagalit dyan.
" Tabi dyan! " galit nitong sabi sa akin.
" Tatabi lang ako, kung sasabihin mo sa akin kung sino ang Boss niyo. " malamig ko paring sabi sa kanya.
Pero ang gago, nginisihan lang ako?
" Hindi ako tanga para sabihin sayo kung sino ang Boss namin. " sabi nito.
" Ganun? Wala na pala akong choice, kung hindi tapusin ka. " nakangising sabi ko sa kanya.
Masama naman niya akong tiningnan at galit itong sumugod sa akin na mabilis ko namang iniwasan ang suntok niya na mas lalo niyang ikinagalit. Dahil napapagod narin ako sa pag-iwas sa kanya, ginantihan ko rin siya ng suntok at sipa. At sa lahat ng atakeng binibigay ko sa kanya, lahat yun tumatama sa katawan niya. Hanggang sa malumpasay ito ng higa sa sahig dahil sa sobrang hina at sa mga sugat na natamo niya galing sa akin. Nilapitan ko siya habang nakahiga siya sa may sahig at may mga sugat sa mukha at sa katawan.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.