Nakangisi parin akong nakatingin kay Lendi, kahit na nalalasahan ko na yung dugo sa bibig ko.
Alam niyo nah, kanina niya pa ako binubugbog dito. Kabayaran ko daw sa lahat ng ginawa ko sa kanya? As if naman, may utang ako sa kanya.
" Hindi ka talaga madala-dalang babae ka? Mas lalo mo lang ako ginagalit. " sigaw nito kasabay nito ang pagsuntok sa sikmura ko.
" G-galit ka na sa lagay na yan? Pano yan, hanggang ngayon wala parin akong maramdamang sakit. Parang kinagat nga lang ak- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng idinikit niya sa noo ko ang baril na mabilis niya nakuha sa kasama niya.
" Gusto mo bang tapusin na kita ngayon? " seryuso nitong sabi sa akin.
" Shit! Lendi. Stop it! Ako ang kailangan mo diba? Kaya ako yung saktan mo, huwag siya! "
Napatingin ako sa Prinsipe. Namamalikmata lang ba ako o tama yung nakita ko.
Nag-alala ba siya sa akin? Natatakot ba siya? Pero bakit?
" Woah! Bakit Prince, ayaw mo bang mawala ang babaeng toh? Bakit? Mahal mo ba siya? " tanong sa kanya ni Lendi.
Napatingin sa akin ang Prinsipe at mukhang hindi niya alam ang isasagot niya. Dahil ilang oras na ang lumipas hindi parin niya sinasagot ang tanong ni Lendi sa kanya.
Dapat ba akong masaktan ngayon? Ako lang ba yung umaasa na mamahalin niya ako? Na mamahalin ako ng isang Prinsipe kahit na ganito ako?
Siguro mukhang malabong mangyari ang lahat ng yun, dahil sa kilos niya palang at sa mga asal na pinapakita niya sa akin, mukhang alam ko na ang sagot.
Huminga ako ng malalim, dahil parang biglang nanikip yung dibdib ko. At para may lakas akong harapin si Lendi.
" Tsk! Ano bang klaseng tanong yan, Lendi na malandi. " parang gusto kung matuwa sa sinabi ko.. lalo na at makita ko yung talim na pagkakatingin niya sa akin. " Mas mabuti pang itanong natin sa kanya kung bakit galit na galit ka sa Prinsipe. " nakangising sabi ko.
Alam kung natigilan siya sa sinabi ko at unti-unti niya ring ibinaba yung baril na itunutok niya sa noo ko.
" Sabihin mo sa akin, Prince. Ano ba ang nangyari noon at kung bakit galit na galit sayo ang malanding si Lendi? " nakangising kung tamong sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin na tinaasan ko lang ng kilay. Bahala siya kung ano ang isipin niya ngayon.
" Nagpakamatay ang kapatid niya dahil sa akin. " seryuso nitong sabi.
" Pero hindi mo naman talaga kasalanan ang nangyari, right? " sabi ko ng ikinatango niya.
" Stop! " rinig kung sabi ni Lendi na nakasandal sa isa niyang tauhan na para bang nanghihina.
Tumingin lang ako sa kanya saka ngumisi at pinagpatuloy ang pagsasalita ko.
" May gusto sayo ang kapatid ni Lendi.. pero hindi mo man lang ito pinagtuunan ng pansin o binibigyan ng atensyon. " sabi ko sa kanya.
" Yeah! Dahil hindi ako pumapatol sa mga bata. At isa pa wala akong gusto sa kanya! Nagtapat siya sa akin, pero binusted ko siya. "
Kawawang bata, siguro nagmana siya sa ate niya. Ang bata niya pa pero marunong na siyang lumandi.
" Ayon sa aking inpormasyon.. dala ng depression, stress at pagkabaliw. Kung bakit nagpakamatay ang kapatid... Tama ba ako, Lendi? O baka may iba pang dahilan kung bakit nagawa yun ng kapatid mo? " tanong ko sa kanya.
Agad naman siyang napatingin sa akin na para bang binabasa ako kung may alam ba talaga ako sa totoong nangyari ngayon.
" Ano pa bang alam mo!? " galit na sigaw nito sa akin.
Napangiti ako ng maalis ko na yung tali sa kamay ko. Kaya agad akong tumayo na mukhang hindi naman nila yun napansin dahil mukhang mga lutang ang isip ng mga ito. Maging yung mga kasama ni Lendi.
Kaya lumapit ako kay Prince para kalagan yung mga tali niya na agad ko naman siyang sininyasan na huwag mag-ingay.
" Alam naman nating hindi kasalanan ng Prinsipe kung bakit nagpakamatay ang kapatid mo... Kasalanan mo at kasalanan ng ama mo... Sino ba naman kasing magu- "
" Stop it! " giit parin nitong sabi.
Ngumisi lang ako sa kanya at saka pumunta sa harapan ng Prinsipe para protektahan ito sa mangyayari mamaya.
" Kaya nagpakamatay ang kapatid mo dahil kasalanan niyo diba? Ibinibinta mo at ng ama mo ang sarili mong kapatid sa mga investors niyo para magkapera kayo at para magkaroon kayo ng proteksyon sa mga ginagawa niyong illegal... At kahit mismong ama niyo.. ginagamit siya... Kaya dahil don, nadepress at nabaliw ang kapatid mo at nagpakamatay dahil sa mga kahayupang pinaga- "
" I said stop it! " galit na sigaw nito at muling itinutok ang baril sa akin.
At mukhang natauhan din sila. Dahil doon lang nila napansin na wala na ako sa pwesto ko kanina at malayang nakatayo sa kanilang harapan.
Pabalik-balik pa yung tingin nila sa akin at sa upuan na tanging lubid nalang nandon.
" H-how come? " gulat nitong sabi.
" Masyado kasi kayong nagandahan sa sinabi ko. Kaya hindi niyo namalayan na nakawala na pala ako. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Bago pa makalabit ni Lendi ang gatsilyo ng baril. Mabilis ko itong inagaw sa kanya, saka mabilisang binaril yung dalawa nilang kasama. Hindi ko natamaan ang isa, dahil biglang hinawakan ni Lendi ang kamay ko at nakikipag-agawan sa akin ng baril.
Patuloy lang sa pag-aagawan at sa pagsasakitan sa isat-isa, hanggang sa makalabit ang gatsilyo ng baril, dahil para maputok ito.
" Tapos ka ngayon, bitch. " nakangising sabi nito sa akin.
Masama ko siyang tiningnan, at kasabay nong pagsiko ko sa kanyang mukha. Nakatalikod kasi ako sa kanya habang siya ay nasa likuran ko na pareho naming hawak ang baril.
Nang bumitaw siya sa akin at nagsisigaw, dahil sa sakit na pagkasiko ko sa kanya. Agad akong humarap sa kanya at binaril siya sa paa.
Sa isang paa lang, kawawa naman kasi kung hindi siya makakalakad diba. Baliw na nga, baka mas lalo pang bumaliw.
" Habulin mo ako kung kaya mo. " nakangising sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa Prince na hindi parin tapos sa pakikipaglaban doon sa isang lalake. Kaya ang ginawa ko, lumapit ako sa kalaban niya kasabay non ang pagpalo ko sa batok niya gamit ang baril na hawak ko dahilan para mawalan ito ng malay at maghalumpasay sa sahig.
" Tara na, lumabas na tayo dito. " sabi ko sa kanya.
Tumango lang ito sa akin, kahit na pansin ko yung gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.
Pero bago pa ako tuluyang makalabas sa kwartong yun, sinikmurahan ko pa si Lendi dahil talagang naiinis ako sa pagmumukha niya. Pagkatapos non, agad kung hinila si Prince papalabas ng lugar na yun.
Kailangan kung mailabas at maiuwi siya sa palasyo, dahil yun ang pangako ko sa mga magulang niya. At kailangan ko na ding magmadali, bago pa ako mawalan ng malay dito.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.