Chapter Fourty Four

10.6K 264 2
                                    

* Alex POV *

Tinali ko yung buhok ko habang naglalakad ako papalapit sa gitna ng court para walang sagabal sa paglalaro ko ngayon. At habang naglalakad ako papunta sa gitna ng court. Ramdam ko yung pananahimik ng lahat, ang tanging maririnig mo lang ay mga huni ng ibon. Bakit? Hindi ba nila inaasahan na magpapakita ako ngayon. Nagulat at nasupresa ko ba sila?....Nang makarating ako sa gitna, nakangisi akong nakatingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon na masama ang tingin sa akin.

" Bakit dumating kapa? Balak ko pa sanang pilayan ang little Prince. " nakangisi nitong sabi sa akin.

Biglang napasinghap si Clay sa tabi ko ng makita niya kung paano tumingin sa kanya ang babaeng yun. Na talagang aakalain mong gagawing talaga nito kung ano man ang nasa utak niya.

" Tsk! Masyado kang mayabang. Huwag kang mag-alala, ako mismo ang pipilay sayo. " nakangisi kung sabi sa kanya, dahilan para mas sumama ang tingin nito sa akin.

Seryuso akong tumingin kay Clay at binigay sa kanya yung lagayan ng rocket ko na gulat na nakatingin sa akin at wala sa sariling kinuha yung ibinigay ko sa kanya.

" Bumalik kana don. Ako na ang lalaban sa kanya. " seryusong sabi ko.

Tumango naman ito sa sinabi ko at tiningnan muna ako nito sandali bago siya umalis sa tabi ko. Pagkaalis niya muli akong tumingin sa babaeng kakalabanin ko.

" Sa lagay mo ngayon, mukhang hindi muna kayanin pang maglaro. Ipapahiya mo lang ang school mo. " mayabang nitong sabi sa akin.

" Alam mo kung ano ang kaya kung gawin. Kaya huwag kang magmayabang dyan. And let see kung sino ang mapapahiya ngayon. " nakangisi kung sabi sa kanya.

Mas lalo pa akong napangisi ng matigilan siya sa sinabi ko at ng mapansin kung ang sunod-sunod niyang paglunok.

Lumapit ako sa referee para sabihin sa kanya kung ano ang magiging mechanics ng laro namin ngayon. Aangal pa sana siya, pero wala siyang magawa ng umagree ang kabilang team. Kaya makikita ng lahat ngayon kung paano maglaro ng tennis.

" Patay ka sa akin ngayong, babae ka. " sabi nito.

Ngumisi lang ako sa kanya at pumwesto na.

Siya ang unang magseserve, simula palang pero ang lakas na ng tira niya. Kahit na kaya ko yung patamaan pabalik sa kanya, sinadya kung iwasan yun para inisin siya. Paulit-ulit kung ginagawa yun hanggang sa mapansin niya yun at magalit siya sa ginawa ko.

" Tang*na! Hindi tayo naglolokuhan dito, Chaves! Kaya seryusuhin mo ang laro! " galit na sigaw nito

Hindi parin nagbabago, ang pangit niya paring magalit....Huminga ako ng malalim at seryusong nakatingin sa kanya. Kita ko yung pag-atras niya ng mapansin niya ang mga mata kung walang emosyon.

" Sabi mo eh. " malamig kung sa kanya.

Nagsimula ulit ang laro namin. At tulad ng sinabi niya, sineryuso ko ang laro....Kung ano ang ginawa niya sa kateamates ko noon at kina Clay ngayon. Yun ang ginagawa ko sa kanya ngayon. Lahat ng tira niya at mabilis kung ibinabalik sa kanya na mas doble pa ang lakas kaysa sa kanya. At lahat ng tira ko, lahat yun ay derektang tumatama sa katawan niya ng walang mintis....Napapangisi nalang din ako ng marinig at makita ko ang mga reaksyon ng mga manunuod. Dahil mukhang ngayon lang sila nakakita ng ganitong klaseng laro.

Ito kasi yung laro na kung saan nagkakasakitan. Laro ng bolang itinira mo pabalik sa kalaban mo dapat yun ay tatama sa katawan niya. Hindi pwedeng mangialam dito ang referee, dahil pareho naman kaming umagree sa larong toh. Kaya ang ibig sabihin lang yan, walang rules ang larong toh. Mananalo ka lang kung nakahandusay na ang kalaban mo sa lupa at hindi na kayang bumangon pa.

" Ano kaya pa? " tanong ko sa kanya.

" Bwesit ka! Kami ang mananalo dito. " sabi parin nito kahit na nanghihina na siya.

Alam kung sumasakit na ang katawan niya dahil sa mga sugat nito dulot ng pagtama ng bola sa katawan niya sa tuwing tinitira ko ito sa kanya. At hindi lang yun, halata naman kanina niya pang gustong bumigay. Pinipilit niya lang makatayo ng maayos. Kaya sa huling tira ko. I'll make sura na tumba na siya.

Pinauntol-untol ko yung bola, habang seryusong nakatingin sa kanya na nakatingin din sa akin ng masama.

" Panalo na kami. " nakangising sabi ko, kasabay non ang paghagis ko ng bola sa taas at pagpalo nito ng malakas papunta sa deriksyon niya.

At muli akong napangisi ng derikta itong tumama sa noo niya dahilan para bumagsak ito at mawalan ng malay.

Ilang sandali pang tumahimik ang paligid. Hanggang sa marinig ko ang hiyawan ng mga manunuod, hudyat na kami ang nanalo sa laban namin.

" The wennir goes to....Team EAGLES! "  sigaw nong referee.

Napangiti nalang ako saka humarap sa mga kateam ko na talaga kita yung kasiyahan nila sa naging resulta ng laban. Nagsisitalon pa sila sa sobrang tuwa nila habang nagyayakapan silang lahat.

" Congrats to all of you. " sabi ko ng makarating ako sa kanila, dahilan para mapatigil sila sa kakatalon.

Napatigil silang nakatingin sa akin, pero mga ilang oras nagulat nalang ako ng sabay-sabay silang lumapit sa akin at niyakap ako.

" Ate! Nanalo tayo....nanalo tayo..."

" Nagchampion tayo, Alex! " masayang sabi ni Lance.

" Bumitaw na kayo. " malamig kung sabi, dahilan para huminto sila at agad na lumayo sa akin.

Tiningnan ko silang lahat at nandon ang takot sa kanilang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko sila masisisi kung bakit ganyan sila. Okay natong maging cold ako sa kanila, para lumayo sila sa akin.

" A-ate Alex. Thank you po sa lahat..Kung hindi dahil sa inyo, baka po hindi kami ang chachampion ngayon. " sabi ni Angel sa akin.

" Oo nga, Alex. Thank you dahil tinulongan mo kaming iimprove yung sarili namin sa paglalaro. " sabi naman ni Ethan sa akin.

Kinuha ko yung lagayan ng rocket ko, saka nilagay rocket ko sa loob nito at isinukbit sa balikat ko at muling humarap sa kanila.

" Dont think of me....Nagsikap kayo kaya kayo nakarating dito. At isa pa, tinupad ko lang ang pangako ko sa inyo kaya kung bakit pinanalo ko ang larong ito. " seryusong sabi ko sa kanila.

Nang hindi na sila nagsalita, naglakad na ako papalabas ng court at naglakad papunta sa motorbike ko. Pero bago pa man ako makarating doon, napahinto ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

" Michaella. "

Parang biglang huminto ang paghinga ko ng sambitin niya ang pangalan ko. Wala paring pinagbago, ang lakas parin ng epekto niya sa akin.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad at hindi siya pinansin, pero bigla nalang ako nitong hinila sa kamay papaharap sa kanya. At tulad ng dati, para parin akong kinuryente sa tuwing hinahawakan niya ako.

" Bakit ngayon ka lang nagpakita? Hindi mo ba alam na nag-alala ako sayo ng sobra-sobra....Araw-araw kung iniisip kung okay ka lang ba. Kung nagamot na ba ang tama mo. Kung nasa maayos kabang kalagayan. " seryuso nitong sabi sa akin.

Nag eye to eye contact kami, at tulad ng dati wala paring pinagbago ang gwapo niya parin. At kahit na naiilang ako sa mga tingin niya. Pinipilit ko paring labanan ang mga tingin niya sa akin. Dahil ayaw kung ipahalata sa kanya na naapektuhan ako....At isa pa, masarap sa pakiramdam na marinig sa kanya ang mga salitang yun....Pero hindi ko dapat lukohin yung sarili ko. Dahil alam kung simula pa noon, walang kami.

Inalis ko yung kamay niya sa kamay ko at wala emosyon siyang tiningnan sa mga mata.

" I'm glad your okay now, Prince....At dahil wala ng magtatangka sa buhay mo ngayon. It means, tapos na ang duty ko sayo, kaya wala ng dahilan pa para magkita o mag-usap man tayo. " seryusong sabi ko at umalis na sa harapan niya sakay ng motorbike ko.

Tapos na ang ang duty ko bilang protektor niya, kaya wala na akong respinsibilidad sa kanya. At wala ng dahilan pa para lumapit ako sa kanya.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon