Chapter Thirteen

11.4K 315 10
                                    

Dahil nga unang pagkapanalo ng Tennis Club, naisipan ni Ms. Dean o ng Queen na magcelebrate.. at ito ay gaganapin sa palasyon nila. At lahat ng estudyante sa school ay imbitado sa gaganapin na party.

" Kamusta ang kamay mo.. okay na ba? " tanong sa akin ng Queen na kakapasok lang sa kwarto.

Nilinis at nilagyan kasi nila ng gamot yung sugat sa kamay ko dahil baka daw mainfection ako. Ayaw ko sana dahil kunting sugat lang naman ito at hindi ako mamatay agad. Kaya lang mapilit yung Queen natin kaya wala na akong nagawa kundi pumayag nalang.

" Okay na po, Queen. Nagagalaw ko naman siya ng maayos. Thank you po pala sa inyo. " sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at lumapit sa akin saka tumabi sa akin ng upo sa kama.

" Congrats pala sa pagpakanalo niyo. " sabi nito.

" Deserving naman po talaga silang manalo, dahil ginalingan nila ang laro at pinaghirapan nila yun. " sabi ko sa kanya.

" Siguro tama ka... Pero ng hindi dahil sayo, baka hindi sila manalo? Dumating ka at sumali sa team nila. At kaya sila nanalo dahil tinulongan mo silang ibalik ang tiwala sa sarili nila... At nanako sa unang laban. "

Napatango nalang ako at ngumiti sa sinabi niya. Hindi lang naman kasi ako ang naghirap sa laro namin. Kahit yung mga team mates ko ay naghirap din... Tumulong lang ako sa kanila at pinag-ensayo sila ng mabuti na talagang ginawa namin. At isa pa, ibinalik ko lang sa kanila yung tiwala sa sarili nila na kaya nilang manalo sa bawat laban nila. At nagawa naman nila yun, kaya deserving nilang manalo.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Queen.

" Thank you, Alex. Thank you sa pagpasok sa pamilya namin. " sabi nito sa akin.

Ako naman ay naguguluhan sa sinabi niya. Pagpasok sa pamilya niya? Bakit.. inano ko ba ang pamilya niya?

Pagkalabas ni Queen sa kwarto.. sumunod na rin ako at pumunta sa may garden nila. Doon kasi ginanap yung party. Kunti lang kami, dahil talagang mga schoolmate lang namin ang inimbitahan.

Napalinga-linga ako sa paligid at naagaw ang atensyon ko sa deriksyon nila Ulap, na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito. Pero bahagyang napataas ang kilay ko ng makita kung nandon si Lendi. At kulang nalang dumikit kay Ulap dahil sa sobrang lapit nito. At parang wala lang pakialam si Ulap sa ginagawa ni Lendi sa kanya. Kaya naman lumakad ako papalapit sa kanila at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa akin.

" Nawala lang ako sandali.. humanap kana agad ng iba? " kunwaring galit kung sabi.

Napatingin naman sila sa akin maging si Ulap. Pero yung tingin ko ay na kay Lendi lang na masama naman ang tingin nito sa akin na hanggang ngayon hindi ko parin nakalimutan yung ginawa niya sa bike ko.

" Baka gusto niyong paupuin ako? " taas kilay kung sabi sa kanila.

Nagkatingin naman sina Neon at Zent, napataas baba naman yung kilay nilang dalawa at mukhang nag-uusap sila gamit ang mga mata lang nila.

" Pero wala na kaming upuan, Alex. Kung gusto mo.. dito kana lang umupo sa lap ko. " nakangising sabi nito sa akin ni Neon.

Napansin kung napataas ng kilay si Lendi, habang nakatingin kay Neon. Si Ulap naman, kulang nalang patayin niya sa titig niya si Neon na nakangiti lang.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon