Chapter Thirty Seven

10.1K 261 2
                                    

" Good evening, Alex. Mabuti at nakarating ka. " nakangiting bati sa akin nong guard na nakabantay sa labas ng gate.

" Hindi ka makatiis noh? " panunukso pa sa akin nong isang guard.

Ngumisi lang ako sa kanila at tuluyan ng pumasok sa loob.

Sa hallway pa lang, naririnig muna ang kasiyahan nila.

Hindi ako dumaretso kung nasaan silang lahat. Kung kayat, umakyat ako sa may puno malapit sa kinaruruunan nilang lahat. At doon minamasdan kung ano ang ginagawa nila.

Umupo lang ako sa may sanga ng puno at malungkot na ngumiti, habang nakatingin parin sa kanila.

Napatingin ako sa grupo nila Clay, kasama ang ibang kateamates namin sa Tennis. Masaya silang nagkwekwentuhan, habang umiinom ng alak. Syempre yung mga matanda lang ang umiinom ng alak. At yung mga bata naman nilang kasama, katulad ni Clay ay juice ang iniinom. Under age pa sila eh.

Halata sa mga mukha nila na masaya sila at mukhang walang problema na iniinda.

At sa kabilang side naman ay sina Neon, Zent at kasama nito ang iba pa nilang kateam. Pero ang talagang naagaw ng pansin ko ay nasa iisang tao lang. Walang iba kundi ang Prinsipe.

Birthday niya ngayon, kaya maraming tao sa may garden nila. Dahil imbitado ang mga schoolmate namin. Pero hindi parin mawala ang higpit ng sikyuridad nila ngayon, dahil maraming tao ang madadamay kapag sumugod ang mga tauhan ni Lendi.

Kaya nakikita ko ngayon dito yung tatlo kung kaibigan na talagang minabuti nila ang pagbabantay. At marami ring nakakalat na mga bodyguard sa paligid.

Makasama ang taong mahalaga sa kanya?

Tsk! Assuming lang ba talaga ako, na ako yung tinutukoy niya nong time na sabihin niya yun. O sadyang tanga lang talaga ako para paniwalaan lahat ng mga bagay at pinapakita niya sa akin?

Dahil sa nakikita ko ngayon, parang napatunayan ko sa sarili ko na talagang wala akong halaga sa kanya. Na talagang hindi ako importante sa kanya at wala itong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin. Masaya kasi itong nakikipag-usap sa isang babae na katabi niya at talagang nakaakbay pa siya dito.

Kung sabagay, ano ba naman ang panama ko sa babaeng yun. Kahit na malayo ako sa kanila, alam kung maganda at sexy ito. At hindi lang yun, parang pareho rin sila sa estado ng buhay nila. Dahil sa kilos palang ng babae, alam kung may ibubuga ito kumpara sa akin.

Lalo na at alam kung kahit kailan ay hindi ako nito naging pagmamay-ari. Na khit kailan hindi ako naging girlfriend nito..

Gusto ko sanang ako yung huling kasayaw niya.. kahit sa mfa huling sandali lang. 
Kaya lang mukhang malabong mangyari ang bagay na yun.

Itinaas ko yung kamay ko at napatingin sa kwintas na hawak ko.

" Sobrang sakit pala kapag nakikitang kang may kasama ng iba. Talaga bang wala akong mahalaga sayo? Talaga bang wala akong halaga sayo?  O sadyang wala kang pakialam sa akin? "

Napapailing at napapangiti nalang ako sa mga sinasabi ko. Kung ano-ano ang mga tinatanong ko sa sarili ko. Eh, obvious naman na wala talaga kami. Obvious naman na hindi ako nito mahal.

Gusto kung sanang lumapit sa kanila, kaya lang ayaw ko naman sirain ang magandang araw ng Prinsipe... Bago magalit pa yun kapag nakita niya pa ako dito.

Kaya mas mabuti ng umalis nalang ako, bago pa nila ako makita dito.

*  Cloud POV *

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon