Pagkapasok ko sa loob ng room, talagang maiingayan ka sa sigaw ng mga babaeng toh. Pano ba naman kasi, para silang mga baliw lahat na hindi mapakali sa kinauupuan nila. Alam niyo kung sino ang may dahilan lahat na yun? Walang iba kundi ang Prinsipe nila... Nandito lang naman siya sa loob ng klase namin na sa palagay ko ay kaklase namin.
Ewan ko nga kung ano ang nakita ng mga babaeng toh sa kanya kung bakit ganyan nalang mga kilos nila. Marami namang mga lalake dyan.. pero bakit sa kanya lang nakatuon ang pansin ng mga babaeng toh? Dahil ba sa Prinsipe siya ng bansa namin?
Umupo ako sa upuan ko na katabi lang naman ng Prinsepe nila, dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. May ibang gulat na gulat na nakatingin sa akin.. meron namang ibang naiinis.
Hindi ko alam kung bakit ganyang ang mga reaksyon nila, pero sa totoo lang. Ang O.A nilang lahat.
Lumapit ako ng kunti kay Cloud para bumulong.
" Ano bang gayuma ang ginawa mo para maging baliw ang mga yan sayo? " bulong ko sa kanya.
Nakangiting napalayo naman ako sa kanya ng tiningnan niya ako ng mga masama. Naasar ko ba siya?
" Excuse me. "
Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.
" Can you please give him a respect? Prinsipe yang kaharap mo.. hindi ordinaryung tao lang! " mataray na sabi nito sa akin dahilan para mapataas yung isang kilay ko.
" Pakialam ko. " mataray ko ring sabi sa kanya.
" What? Hindi mo ba kami kilala? " inis nitong sabi.
Napakunot naman ang noo ko at tiningnan siya mula paa hanggang ulo.
" Yung Prince niyo nga ngayon ko lang nakilala. Ikaw pa kaya na hindi naman kakila-kilala. " nakangising sabi ko sa kanya.
Nagtagis naman ang bagang niya sa sinabi ko. Agad akong tumayo ng balak niya pa sanang lumapit sa akin.
" Alam mo Prinsipe man siya o hindi? Tao parin siya... So! I'll treat him as a human not who is he. " sabi ko sa kanya.
Lumabas na ako ng room namin, dahil mukhang wala naman kaming klase. Kanina pa kasi kami nandon, hindi parin dumadating yung prof namin. Nakakapagod kayang maghintay sa wala!
*****
" Yan lang ba ang kaya niyong gawin? " inis kung sigaw sa kanila.
" E Ate, nakakapagod naman kasi itong pinapagawa mo sa amin. " reklamo ni Angel na mas lalong kinainis ko.
Tiningnan ko siya ng masama dahilan para tumahimik siya.
" Aayusin niyo o dagdagan ko pa? " pananakot ko sa kanila na effective naman.
Dahil sumali nalang din naman ako sa club nila. At dahil wala silang coach, nagsuggest ako na turuan sila na ikinapayag naman nilang lahat... Ang nakakainis lang kasi ay lagi silang nagrereklamo sa tuwing nagpapractice kami... Simple pa lang naman ang pinapagawa ko sa kanila... Ang tumakbo, kasabay non ang paghampas nila ng racket sa hangin. Pinagawa ko ito sa kanila para masanay sila at hindi madaling mangalay yung kamay nila. Yun kasi ang napapansin ko sa kanilang lahat. Kunting galaw lang nila, napapagod na sila. Kasi hindi na nakapagtataka na lagi silang natatalo.. dahil madali silang bumibigay.
" Thats enough! " sigaw ko.
Tumigil naman sila at hinang-hina na umupo sa bench na kasama ko. Inabutan ko sila isa-isa ng tubig at towel na agad naman nilang inabot. Halata ding sobrang napagod sila sa pinagawa ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.