Chapter Twenty Two

10.3K 282 2
                                    

Papunta ako ngayon sa Tennis court dahil nandon lahat ng mga kateammate ko. Sa susunod na linggo na kasi ang laro namin, kaya kailangan nilang mag-ensayo ng mabuti.

Oo! Sila lang! Matagal kunang tinigilan ang larong toh, simula nong may nangyari sa mga kasama ko. Pero ngayon, bumalik na naman ako sa paglalaro, hindi dahil sa gusto ko. Dahil gusto ko lang makatulong sa kanila, habang kasama pa nila ako... At kilala pa nila ako, bilang kaibigan nila. Lalo na at napapalapit na sila ngayon sa pagpasok sa championship. At delikado sa kanila na makaharap ang mga CS University.

Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko sina Ulap kasama sina Zent at Neon.

" Hi! Alex. " nakangiting bati sa akin ni Neon.

" Nanuod kaba ng laro namin kahapon, Alex? " tanong naman sa akin ni Zent.

" Oo! Pero sandali lang may- "

" What happened to your face? "

Pareho kaming nagulat na tatlo sa biglang pagsigaw ni Ulap,  habang masama ang tingin sa akin.

Napahawak ako sa sugat na nasa labi ko. Hindi na siya masyadong masakit dahil ginamot kuna ito matapos naming mag-usap ni Dean kahapon... Bwesit kasi ang mga lokong yun, sinuntok ako sa mukha.

Napaatras ako ng aktong hahawakan niya na sana ang sugat ko sa bibig, dahilan para mainis siya.

" Whats wrong with you Lady. " inis nitong sabi sa akin.

Sa halip na sagutin siya? Agad akong nagpaalam sa kanila at mabilis na umalis sa kanilang harapan. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nakipag-away ako kahapon para sa kaligtasan niya.

Pagdating ko sa Tennis court, agad kung sinimulan ang training nilang lahat. Nag-stretching muna kami bago namin sinimulan ang totoong pagpraktis nila. Medyo nahirapan ako ng kunti sa pagtuturo sa kanila, dahil kailangan ko silang isa-isahin. Lalo na at wala kaming coach na siya dapat mismo ang magtuturo sa amin.

Nakakaya ko naman at dapat kayanin ko talaga, lalo na at ako tong maraming alam pagdating sa Tennis. Gusto ko ding maramdaman nila kung gaano kasarap sa pakiramdam ang manalo.

Tinuruan ko sila ng ibat-ibang klaseng technique sa paglalaro ng tennis. Masaya ako kasi sumusunod talaga sila mga tinuturo ko sa kanila. Lalo na at nakikita ko sa kanila na nag-iimprove talaga sila.

Matapos naming magpraktise, bumalik na kaming lahat sa locker room namin.. nagpahinga muna kami saglit bago maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Pagkatapos non, sabay-sabay narin kaming umalis lahat.

" Ate Alex! "

Napatingin ako kay Clay ng tawagin niya ako.

" Gaano kana ba katagal naglalaro ng Tennis? " tanong nito sa akin.

" Simula pa nong bata ako... Idol ko kasi si Papa sa paglalaro ng Tennis, sobrang galing niya kasi. Kaya ginawa ko din ang lahat ng best ko para maging katulad ko siya. " nakangiting sabi ko sa kanya.

" Talaga po ate? " nakangiti nitong sabi.

Tumango lang ako sa kanya, saka napatingin sa mga guard na nasa harapan namin ni Clay.

" Ms. Chavez. Pinapatawag po kayo nina Queen Maxenne at King Ivan sa palasyo. " sabi nito sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako. Alam kung mangyayari ito. Pero hindi ko naman alam na ganito pala kaaga.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon