Chapter Twenty Eigth

11K 315 8
                                    

Maaga ako nagising dahil excited na akong pumasok sa school. Abat! Ilang araw din akong nakatambay lang sa bahay noh. Namimiss kuna yung mga kaibigan ko, at mas lalong namimiss kuna yung mga tarantado sa school. Lalo na si Lendi, na isa sa mga pinahihilaan kung tao.

" Aalis kana? " tanong sa akin Papa ng makasalubong ko siya sa pinto ng bahay namin.

" Opo! Pa. " sagot ko naman sa kanya.

Lumapit naman ito sa akin at napangiti nalang ako ng yakapin niya ako.

" Alam kung mahalaga sayo ang trabaho mo, anak. At alam kung kailangan mong protektahan ang Prinsipe. Pero anak, kailangan mo ring protektahan ang sarili mo. " sabi nito sa akin saka humiwalay at tiningnan ako sa mga mata.

" Alam ko po yun, Pa. " nakangiting sabi ko sa kanya.


" Hindi kita pinipilang pumasok noon sa agent company, kahit na ang bata mo pa. Dahil may tiwala ako sayo, Alex... Ang ayaw ko lang ay yung makita kang nasasaktan at nahihirapan... Hindi ko sinasabing umiwas ka sa mga gulo, dahil alam kung mapapasabak ka talaga. Dahil matigas ang ulo mo... Ang sa akin lang ay yung.. protektahan mo rin ang sarili mo.. hindi lang ang Prinsipe... Nagkakaintindihan ba tayo, anak? " sabi nito sa akin.

Masasabi kung talagang napakaswerte namin ng kapatid ko sa kanya. Kahit na alam niyang mapanganib ang napasukan ko, hindi siya tumututol don tulad ng ibang magulang. Dahil nakikita ko sa kanya na malaki ang tiwala niya sa akin. At kahit na lagi akong napapasabak sa gulo, okay lang sa kanya. Pero ang mahalaga sa kanya ay yung makauwi parin ako ng buo sa bahay namin. Ang makauwi ako ng ligtas at humihinga pa.

" Ayaw kung mangako sayo, Pa. Pero susubukan ko. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako. Pagdating ko sa school, pansin kung parang ilag sa akin ang mga estudyante dito. Meron ibang parang natatakot kung makatingin sa akin, at meron ding iba na sobrang sama kung makatingin sa akin... Sa akin pa talaga sila ganyan, ha. Samantalang si Lendi, malaki ang atraso non sa akin. At kung alam lang nila na kaya nitong makapatay ng tao.

Pagpasok ko sa loob ng room, bigla silang tumahimik lahat. Samantalang kanina, rinig ko pa sa labas yung kaingayan nilang lahat. Pero nong pumasok ako? Para silang nakakita ng multo sa harapan nila.

" Alex! "

Nabaling ang atensyon ko sa isang tao na tumawag sa akin. Pagkakita ko palang sa kanya, napangiti na ako. Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap ng makalapit siya sa akin.

" Bakit ngayon ka lang pumasok? Hindi mo ba alam na sobrang namiss kita. " sabi nito.

" Ngayon lang kasi ako pinayagan nina Papa na pumasok. " nakangiti kung sabi sa kanya.

Umupo na kami sa upuan namin at doon tinuloy ang kwentuhan naming dalawa. Nalaman ko sa kanya na naging usap-usapan yung nangyari isang araw sa amin nina Lendi. Lalo na yung ginawa kung pananakit kay Lendi. Nasabi niya sa akin na marami daw galit at natatakot sa ginawa ko. At marami namang nagsasabi na nagustuhan nila yung ginawa kung pananakit kay Lendi, lalo na at parang naghaharian ito sa loob ng campus.

Nalaman ko din sa kanya na nasa hospital hanggang ngayon si Lendi, dahil sa ginawa kung pananakit sa kanya. Lalo na yung pagsakal ko sa kanya.

" Excuse me, Ms. Chavez. "

Napatingin ako sa labas ng pinto ng room namin na may tumawag sa akin.

" Bakit? " tanong ko sa kanya.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon