Chapter Twenty Seven

11K 308 6
                                    

Masamang nakatingin sa akin ang Boss namin ng pumasok ako sa office niya. Pumunta kasi ako sa base namin para ereport sa kanya yung nangyari. Pero ang sumalubong sa akin ay yung masamang tingin niya.

" Ano ba yan, Boss! Ang aga-aga, ganyan kaagad ang bungad niyo sa akin. " sabi ko sa kanya.

Mabilis akong napaiwas ng tinapon niya sa deriksyon ko yung isang matulis na bagay na nakatago sa ilalim ng mesa niya.

" Boss, naman! Kakalabas ko lang sa hospital, pababalikin niyo kaagad ako don? " reklamo ko sa kanya.

" Sinubukan ko lang kung magaling paba yung Alexis na kilala namin. Baka kasi nawala na yung skills niya dahil hindi niya man lang iniwasan yung bala. " seryuso nitong sabi sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya at kinuha yung maliit na kutsilyo na nakatarak sa may likod ng pinto, saka ko ipinatong sa ibabaw ng mesa niya. At umupo sa upuan na nasa harapan niya.

" Lahat ng ituro niyo sa akin ay nakatatak na sa puso at isipan ko. At hindi yun basta-basta mawawala, Boss. Sadyang hinayaan ko lang talaga na matamaan ako, para protektahan ang Prinsipe at hindi sila mahinala sa nangyari. " sabi ko sa kanya.

Masama ulit ako nitong tiningnan at may balak pa sana itong batukan ako ng hindi niya tinuloy. Sa halip, napailing-iling nalang ito at seryuso parin itong nakatingin sa akin.

" May alam kana ba kung sino ang taong may balak patayin ang Prinsipe? " tanong nito sa akin.

Umayos ako ng upo at nagseryuso narin. Sa buhay kasi, hindi puro kalukuhan at biro lang. Kailangan mo ring magseryuso, lalo na sa ganitong sitwasyon.

" Hindi ako sigurado kung may kinalaman siya sa pagpapatay sa Prinsepi, Boss. Pero simula nong nabaril ako, bigla akong kinutuban sa kanya. "

Kunot noo naman siyang nakatingin sa akin.

" Sinong tao yang tinutukoy mo, Alexis. "

" Si Lendi Sy, Boss. " seryusong sabi ko sa kanya.

" You mean, yung kaklase mo? "

" Yes! Boss. Bago kasi ako nawalan ng malay nong time na yun. Napansin ko yung reaksyon ng mukha ni Lendi. Hindi ko alam kung namamalikta mata lang ako... Kita ko kasi yung mukha niyang nakangiti nong time na yun, na para bang alam niyang may mangyayaring ganun. " sabi ko sa kanya.

Pansin kung napaisip naman si Boss sa sinabi ko. Alam kung pwede akong magkamali sa hinala ko. Pero talagang malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman si Lendi sa nangyayari. At hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang reaksyon ng mukha niya nong nabaril ako. At doon ako nagsimulang manghinala.

" Bibigyan kita ng go signal para paimbestigahan yung kaklase mo, Alexis. Pero make sure laging ligtas ang Prinsipe, maging ang pamilya niya. "

Napangiti naman ako sa sinabi ni Boss.

" Makakaasa ka, Boss. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Alam kung hindi ako pwedeng magpadalos-dalos sa mga galaw ko. Kaya kailangan ko munang mag imbestiga at alamin ang buong pagkatao ni Lendi, bago ako gumawa ng aksyon. At alam kung matutulongan ako nila Eloc sa bagay na toh.

Matapos naming mag-usap ni Boss, nagpaalam na ako sa kanya at sa mga kasama ko base na aalis na ako... Gusto pa nga nila akong manatili muna don, para makabonding muna kami. Namiss daw kasi nila ako, lalo na at ako yung bunso nila sa base. Pero hindi ako pumayag, dahil baka pagalitan pa ako ni Papa kapag tumagal pa ako sa labas.

Hindi pa man ako eksaktong nakakaabot sa bahay namin ng mapansin ko si Ulap sa labas habang nakasandal sa sasaktan niya. Unti-unti akong lumapit sa kanya, at ng makalapit na ako saka ko lang siya ginulat. Kasabay non ang pagkasimangot ko dahil hindi man lang nagulat ang mahal niyong Prinsipe. Sobrang seryuso yung mukha niya at hindi ko alam kung bakit.

Pumunta ako sa harapan niya at nakita ko ang mukha niya na sobrang seryuso at nakakunot pa yung noo niya at walang emosyon ang mga mata. Kaya bigla akong nakaramdam ng kaba habang nakatingin ako sa kanya.

" May problema kaba? " tanong ko sa kanya.

" Saan ka galing? " seryuso nitong sabi na hindi man lang pinansin ang tanong ko sa kanya.

Saglit naman akong natigilan sa tanong niya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng sabihin ko sa kanya na pumunta ako sa Boss ko at nareport sa nangyari. Tiyak na magtataka siya. Pero hindi pa man ako nakakasagot ng bigla siyang nagsalita ulit.

" Diba sabi ko sayo huwag munang lumabas ng bahay na mag-isa? Paano mangyari ulit sayo nong nangyari isang araw. Sino ang tutulong sayo, ha! " galit at seryuso nitong sabi sa akin.

Concerned ba siya sa akin dahil fake fiance niya ako, o concerned siya dahil natatakot siyang mawala ako?

" Sorry! Nababagot na kasi ako sa loob ng bahay kaya lumabas muna ako. " sabi ko sa kanya.

Hindi yun kasinungalingan, totoo yun. Ilang araw din kasi akong tumambay sa loob ng bahay at hindi masyadong nasisikatan ng araw. Kaya lumabas muna ako para makalanghap ako ng kahit kunting simoy ng hangin at para mainitan narin noh.

" Sana tinawagan mo ako para masamahan kita. Hindi yung lumalabas ka ng bahay niyo ng mag-isa! Hindi natin alam amg pwedeng mangyari pa, Michaella... Kaya sana naman mag-iingat ka! "

Ramdam kung totoo yung galit niya dahil sa ginawa ko. Parang bigla tuloy akong naguilty sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na ganito pala siya kaconcerned sa akin.

Pero sa aming dalawa, alam niyo siya dapat yung mag-iingat, hindi ako. Siya dapat yung hindi lumabas ng bahay ng walang kasama. Dahil anytime may pwedeng mangyari sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya na alam kung ikinagulat niya.

" Sorry na, Ulap. Hindi na mauulit. Hayaan mo sa susunod magpapasama na ako sa mga kai- "

Napatigil ako sa pagsasalita ng iangat niya ang baba ko.

" Kanino ka magpapasama? " seryusong tanong nito sa akin.

Napalunok naman ako hindi dahil sa seryuso ng tanong niya. Kundi sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa. Ilang inches nalang yung layo namin, mahahalikan kuna siya.

" S-sayo. "

Napangiti naman siya sa sinabi ko at nagulat ako ng bigla niya akong halikan, pero sandali lang.

" Bati na tayo? " nakangiting tanong ko sa kanya.

Napasinghap ako ng hawakan ako nito sa bewang at mas lalo pa akong pinalapit sa kanya.

" Yeah! " sabi nito.

This time, mas matagal na yung halik niya na sinuklian ko naman. Hanggang sa lumalim ito at naramdaman ko yung mga paru-parong nagsisilaparang sa loob ng tyan ko. At ang kuryenteng dumaloy sa buo kung katawan na hindi ko alam kung naramdaman niya ba din yun.

And because of that kiss. Isang bagay ang napatunayan ko sa sarili ko.

I'm falling inlove with my Ulap.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon