Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Cloud ng makarating kami ni Nikka sa pwesto nila.
" What? " inis kung tanong sa kanya.
Kung makatingin kasi sa akin, akala mo may ginawa akong masama sa kanya.
" Who told you na ganyan ang isusuot mo? " seryusong tanong nito sa akin.
" Ako! Bakit? May pakialam ka. " sabi ko sa kanya na mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.
" Change that one, Michaella. " seryuso parin nitong sabi sa akin.
Ngumisi lang ako sa kanya na mas lalong kinasama ng tingin niya sa akin. At kulang nalang papatayin niya ako sa titig niya.
" Tsk! Masyado ka namang possissive, Prince. Ayaw mo non.. makikita ng lahat kung gaano kaganda at kasexy ang asawa mo. " nakangising sabi ko sa kanya.
" Oo nga naman, Cloud. Tingnan mo nga si Alex. She looks ho- "
Biglang namutla si Neon at hindi na matapos ang sasabihin niya ng bigla siyang tinutukan ng kutsilyo ni Cloud na kinuha niya sa tabi niya.
" Subukan mong ituloy ang sasabihin mo. Puputulin ko yang dila mo. " seryuso at malamig na sabi sa kanya ni Cloud.
Sunod-sunod namang napalunok si Neon at parang hindi mapakali sa pwesto niya. Napansin ko naman ang palihim na pagtawa nina Lance, Ethan at Zent sa isang tabi. Habang si Nikka ay napahawak sa braso ko na mukhang natakot din sa inaasta ngayon ni Cloud.
Tsk! Baliw kasi ang isang toh. At ang sarap niyang batukan. Ang tanga lang kasi, hindi niya ba alam na nasa beach kami ngayon kaya normal lang na magsuot ng two piece. Pero hindi ko naman aakalin na
mag-iiba ang ugali ng isang toh.Weekdays kasi at wala kaming pasok. Kaya nagkakayaan kaming lahat na magbeach ngayon. At isa pa, para narin daw icelebrate namin yung pagkapanalo namin sa Tennis. Board naman sa bahay at baka mabaliw lang ako sa kakaisip kung nasaan sina papa. Kaya pumayag nalang din ako, para narin makapag-enjoy ako na kasama sila. Okay na kasi kaming lahat, simula nong naging okay kami ni Cloud.
" Oy....anong nangyayari dito? Mukhang nag-aaway kayo dito ha. " sabi ni Brad na kakarating lang at kasama yung tatlo.
" Ano ba yan.. mabuti pang maglaro nalang tayo. Sinong game dyan? " excited na sabi ni Sheena sa amin.
Kasama din kasi namin silang pumunta dito. Wala lang sila kanina, dahil hindi ko alam kung saan pumunta ang mga baliw na toh. Kung hindi ako nagkakamali, baka naghanap ng gulo ang mga ito.
" Anong lalaruin? "
Napatingin kaming lahat kay Cloud ng seryuso siyang itanong yun kay Sheena.
" Volleyball, Prince. At syempre may pusta para masaya. " nakangising sabi ni Sheena sa kanya.
Napakunot naman ang noo ko ng biglang napangisi si Cloud, saka ibinaba ang kutsilyong hawak niya. At tumingin sa akin.
" If I will win. You will be my date tonight. " nakangiti nitong sabi at saka umalis sa harapan namin.
Ako naman ay kunot noong napatingin parin sa kanya. Ano ba ang nasa isip ng lalakeng toh? Bakit bigla na namang nagbago ang mood niya? Napatingin naman ako kina Sheena na nakangising nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.