" What!? Nababaliw na ba kayo? Bakit kayo pumayag, Pa. Alam niyo namang nagbibiro lang ako non diba? " inis na sabi ko sa kanya.
Napatigil ako sa pagsunod sa kanya ng bigla itong humarap sa akin.
" Alam ko. Pero sila.. sa mga ganung bagay seneseryuso nila. Wala silang usapan na hindi natutupad. " sabi nito sa akin at muling tumalikod.
Inis naman akong napahilamos sa mukha ko at muling sumunod sa kanya.
" Pero hindi dapat kayo pumayag na hindi kinukuha yung opinion ko, Pa! Kaya bawiin mo yung sinabi mo sa kanila. " naiinis ko paring sabi.
Pero parang hindi man lang ako narinig nito, dahil patuloy parin nitong inaayos ang sirang sasakyan.
" Papa naman! Pakinggan mo muna kasi ako. Alam mo namang hindi pa ako handa sa ganung bagay diba!? "
Muli itong humarap sa akin sinamaan ako ng tingin.
" Sinabihan na kita noon pa na mag-ingat-ingat ka sa mga sinasabi mo. Kaya hindi ko na kasalanan kung bakit nangyayari yan sayo. " sabi nito sa akin.
Pero napakunot ang noo ko ng bigla itong sumeryusong nakatingin sa akin. At saka lumapit sa akin, kasabay non ang paghawak nito sa balikat ko.
" Hindi ako pumayag sa bagay na yun, dahil lang sa gusto ng Reyna at Hari. Pumayag ako dahil gusto kung maging masaya ka, anak. " seryusong sabi nito sa akin.
Napatigil ako at saka nakatingin sa kanya. Ito palang ang unang pagkakataon na nakita ko kay Papa na malungkot na nakatingin sa akin. Alam ko.. alam kung nasasaktan siya para sa akin.
Hindi niya lang ito pinapakita nitong nakaraang araw, dahil alam niyang ayaw kung maapektuhan sila sa dinadala kung sakit. Alam nilang hindi ko gustong nasasaktan sila para sa akin. Dahil gusto kung maging masaya lang sila ng kapatid ko.
" Papa.... " mahinang sambit ko at kasabay non ang pagtulo ng luha ko.
Malungkot namang napangiti si Papa at agad na niyakap ako. Dahil sa ginawa niya, doon na ako napahagulgol ng iyak.
" Bilang isang magulang.. nasasaktan din kami na makitang nasasaktan ang mga anak namin... Alam ko nitong mga nakaraang araw, puro sakit nalang ang dinanas mo, Alex. Kaya gusto kung maging masaya ka naman. " sabi nito habang hinahagod nito ang likod ko.
" Pero nakakainis parin dahil pumayag kayo. Alam mo namang lumalayo na ako don. " inis kung sabi sa kanya kahit na patuloy paring umaagos yung luha ko.
Pero mukhang naiinis narin si Papa, dahil bigla nalang ako nitong hinampas sa likod.
" Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka! At ang tapang-tapang mo, pero napakaiyakin mo. " sabi nito sa akin.
Napatawa naman akong napalayo sa kanya at saka pinupunasan yung luha ko sa mukha ko. Saka muling tumingin sa kanya.
" Thank you, Papa. Pinagaan mo ang loob ko ngayon. Kahit na ang dumi-dumi ng mukha mo. " nakangisi kung sabi sa kanya.
Agad naman akong napatakbo papalayo sa kanya, dahil hahampasin ako nitong hawak niyang tornilyo.
Umalis ako ng bahay gamit ang motorbike ko. Pupunta ako ngayon sa palasyo dahil gusto kung kausapin ang Reyna at Hari sa naging desisyon nila.
Simula nong bumalik ako, ngayon ko lang din sila makikita. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila.
Bumaba na ako sa motorbike ko ng nasa tapat na ako ng palasyo, saka inalis yung helmet na nasa ulo ko at naglakad papasok sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.