Napaatras ako ng seryusong papalapit sa akin si Prince, na mukhang galit din yata. Atras lang ako ng atras hanggang sa marandaman ko yung pader sa likuran ko dahilan para wala na akong maatrasan. At ng macorner niya ako. Pero kahit ganun pinilit ko paring tingnan siya ng deritso sa mata kahit na naiilang ako sa kanya.
" Saan ka galing? " seryusong tanong nito sa akin.
Napalunok muna ako bago ko siya sinagot. Kinakabahan kasi ako ngayon.
" Sa labas lang kasama ko ang mga kaibigan ko. " deritso kung sabi sa kanya.
Napansin ko naman ang pagkakunot ng noo nito ng maamoy niya ang alak na ininom ko.
Uminom ako, medyo naparami pero hindi pa ako lasing. Matapos kasi ang nangyari kanina sa school. Agad akong umalis at buong araw na hindi nagpakita sa kanya. At nagkayayaan din kami nina Brad na uminom.
" Alam mo ba kung anong oras na ha, Michaella. At alam mo din bang nag-alala ako sayo. " seryuso parin nitong sabi sa akin.
Tinulak ko siya at mabilis na kumawala sa kanya.
" Huwag ka ngang umasta na parang ikaw si Papa? At isa pa, hindi mo ako reponsibilidad. Kaya huwag kang umasta na parang nag-alala ka sa akin, Prince. " sabi ko sa kanya.
And again, hinila na naman ako nito pabalik sa pwesto ko kanina. At kasabay non ang pagharang ng dalawang kamay niya para hindi ako makawala sa kanya.
" Bakit mo ba ito ginagawa, Prince? Ikaw na mismo ang nagsabi na gusto mong mawala ako sa buhay mo diba? Ginagawa ko naman ang bagay na yun. Pero ikaw pa itong lumalapit sa akin? " seryusong tanong ko sa kanya dahilan para matigilan siya.
Nalilito na kasi ako sa mga pinapakita niya simula nang bumalik ako. Kaya gusto kung malaman kung ano ang ipinararating niya sa mga pinapakita niya sa akin.
" Gusto mong malaman? " seryuso nitong tanong sa akin.
Tumango naman ako dahil gusto ko ring malaman ang sagot niya.
Tiningnan ko siya ng deritso sa mga mata niya. At doon nakita ko ang mga emosyon na gusto kung makita sa kanya noon pa man.
Napaatras ako ng kunti ng inilapit nito ang mukha niya sa likod ng tenga ko para bumulong.
" Because....I love you, Michaella. "
Parang biglang nanigas ang buo kung katawan ng marinig ko ang sinabi niya.
Mahal niya ako? Dapat ba akong maging masaya ngayon o dapat parin akong masaktan.
" And I know you love me too. " muling sabi nito at maramdaman ko ang hininga nito na tumama sa likod ng tenga ko dahilan para maramdaman kung parang may kumiliti sa sikmura ko.
Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat dahil sa sinabi niya. Muli akong napasinghap ng maramdaman kung hinalikan ako nito sa leeg.
" W-what are you doing, Prince. " mahina kung sabi dahil muli na naman ako nitong hinalikan sa leeg.
Pero parang wala man itong narinig dahil patuloy parin ako nitong hinahalikan sa leeg at maging sa likod ng tenga ko. At kahit nakakapanghina ang ang ginagawa niya. Nagawa ko parin siyang sigawan.
" Cloud! Ano ba! " galit kung sigaw sa kanya.
Napansin kung tumigil naman ito at dahang-dahang tumingin sa akin. At kita ko yung gulat sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.