Chapter Six

12.9K 390 32
                                    

Nang matapos ayusin at linisin yung sasakyan. Inayos ko naman yung mga gamit ko at ipinasok lahat sa bag na dala ko.

" Ms. Alex, kung tapos na daw po kayo. Pinapapunta po kayo ni Queen Maxenne sa loob. " sabi nong babae na dumating ito.

Tumango lang ako.. matapos kung maglipit ng gamit at punasan ang mukha ko gamit ang towel na dala ko... Sumunod lang ako doon sa babae, hanggang sa makarating kami sa kung saan si Queen Maxenne.

" Pasok na po kayo sa loob. " sabi nito sa akin.

Nagthank you lang ako sa kanya saka pumasok sa loob na parang office niya yata. Agad akong napayuko para magbigay galang sa kanya ng makita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya.

" You know it? " tanong nito sa akin na ikinatango ko.

" Pagpasensya niyo na po kung hindi ko kayo nakilala nong una tayong nagkita... Ngayon ko lang din kasi nalaman na may Royal Family pala. " pag-aamin ko sa kanya.

Ilang minuto pa akong hindi siya narinig nagsalita. Pero maya-maya lang narinig ko siya tumawa, dahilan para mapatingin ako sa kanya.

" Its okay, Ms. Chavez... Mas okay nga yun sa akin na tratuhin mo akong normal lang na tao. Hindi rin kasi ako sanay na tratuhin ako bilang Queen. " nakangiti nitong sabi.

Napatingin lang ako sa kanya dahil talagang namamangha ako sa kanya. . Ang ganda niya at ang bait niya pa. Kahit na isa siyang Reyna sa bansang ito, pinili niya paring maging normal ang turing ko sa kanya.

" Okay Dean! Kung yan ang gusto mo. " nakangiting sabi ko sa kanya, dahilan para mapangiti siya.

" Mukhang napagod ka talaga sa trabaho mo. "

" Hindi naman po masyado, Dean. Nasanay na rin ako dahil sa mga inaayos naming sasakyan sa talyer. " sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang ito saka may kinuha sa ilalim ng mesa niya at tumayo saka lumapit sa akin. Nakakahiya nga eh, dahil humarap ako sa kanya na ang dumi ng suot ko. Samantalang siya ay ang ganda ng damit niya.

" Here, take this. Bayad ko yan sa pag-aayos mo ng sasakyan ko. "

Tinanggap ko naman yung sobreng inabot niya sa akin saka tiningnan yung laman. Talagang nanlaki ang mata ko ng makita ko kung gaano kalaking perang ibinigay niya sa akin.

" Dean, sobra naman po itong ibinigay niyo sa akin? Hindi ko po ito matatanggap. " sabi ko sa kanya.

" Its okay, Ms. Chavez. "

" Alex nalang po. " sabi ko sa kanya na ikinangiti niya na naman.

Yung totoo! Mukha ba akong clown? Lagi nalang kasi siyang nakangiti sa akin.

" Alam kung nahirapan ka talaga sa pag-aayos ng sasakyan.. kaya nilakihan ko ang bigay sayo... Kaya Thank you. "

Hai! May magagawa pa ako? Ibinigay niya na eh, kaya tanggapin nalang natin.

" Thank you na rin po, Dean. At saka po.. magpapaalam na rin po ako sa inyo.. kailangan ko na po kasing umuwi. "

" Pwede bang dito kanalang muna? Sabayan mo kami maghapunan. " sabi nito na ikinagulat ko.

" Po? Huwag na po, Dean... Nakakahiya naman po sa inyo. Kailangan ko narin po kasing umuwi para makapagligo na rin po ako. " sabi ko sa kanya.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon