* Alex POV *
Napahikab ako habang papasok sa loob ng school. Ilang oras lang kasi ang tulog ko kagabi.. alam niyo naman.
Alam na ng lahat ng mga tao ang totoong relasyon namin ng Prinsipe.. kailangan kung maging alesto sa lahat ng oras. Dahil nakakasigurado ako na napanood din yun ni Lendi. At kung hindi ako nagkakamali, nagpaplano na ito ngayon. Kaya kailangan ko talagang bantayan ng maayos ang Prinsipe.
" Alex! " sigaw nito at bigla akong niyakap pagkarating nito sa harapan ko.
" Bakit ang tagal mong bumalik? Alam mo bang miss ka namin. At isa pa kailangan ka ng team- " napatigil ito sa pagsasalita ng humiwalay ito sa pagkakayakap at tumingin sa akin.
Pansin ko yung gulat sa mga mukha niya at ang pagkakunot ng noo nito.
" A-alex, may problema kaba? " tanong nito sa akin.
" I'm not a stupid, Ms. Baek.. kaya huwag kang umakto na parang wala kang alam. " malamig na sabi ko sa kanya.
Parang bigla itong naestatwa sa kinatatayuan niya at kita ko rin yung takot sa mga mata niya na pilit niyang nilalabanan.
" How about my team? " walang emosyong tanong ko sa kanya.
Matagal itong nakatitig sa akin na parang bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
Alam na ng lahat kung ano ang totoong ugnayan ko sa Prinsipe, kaya dapat lang din naman siguro na baguhin ko rin ang pakikitungo sa kanila diba?
Alam kung pareho kaming nag-aaral dito at magkasing edad lang kaming lahat. Pero tulad ni Lendi, hindi lang akong isang normal na estudyante dito. May responsibilidad din ako.. hindi lang sa pag-aaral kundi yun ay ang protektahan ang Prinsipe nila na siya ang susunod na magmamahal sa trono ng kanyang ama.
" M-may laban sila ngayon.. a-at mukhang kailangan ka nila. " nauutal nitong sabi sa akin.
Kunot noo ko siyang tningnan bago na unang umalis at pumunta sa may court kung saan naglalaban ngayon ang team ko.
Pagdating ko doon, maraming tao ang nanunuod na halos mapuno na ang paligid sa mga manunuod at puno rin ito ng sigawan ng kanyang-kanyang team.
Lumakad ako papasok sa loob ng court, at pagpasok ko. Biglang tumahimik ang lahat na para bang nakakita ng multo?
Ramdam ko rin ang pagkakatingin nilang lahat sa akin at rinig ko rin ang bulong-bulongan ng ibang nasa paligid ko.
Tahimik lang ako naglalakad papunta sa mga teamates ko at walang pakialam sa mga taong nagmamasid sa akin.
They dont know who really I'am.. kaya mas mabuting tumahimik nalang ako kaysa makipag-away pa sa kanila. At magdagdagan na naman ang mga kaaway ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa may bleachers namin. Pero ng wala pang gumagalaw kahit isa sa kanila.. doon lang ako nagsalita.
" Tapos na ba ang laro para magsitigil kayong lahat? " malamig kung sabi sa kanila.
Unang nakabawi ang referee saka pumito dahilan lara bumalik sa dati ang takbo ng laro kanina.
Tumango lang ako kay Ethan na siyang naglalaro na ikinatango niya rin. Mukhang hindi ko na sila kailangan pang sabihan kung ano ang dapat nilang gawin. Dahil sa nakikita ko ngayon sa score namin, mukhang kami na ang mananalo.
" A-ate Alex, mabuti naman at dumating ka. Akala namin iiwan m-muna na kami. " rinig kung sabi sa akin ni Angel.
" Pumunta lang ako dito para panuorin ang laro niyo. " sabi ko sa kanya.
" Maglalaro kaba ngayon, Ate? " tanong sa akin ni Clay.
Seryuso akong napatingin sa kanya. At kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at ang pagkadisguto sa ayos ng pagtingin ko sa kanya.
" Kaya niyo naman siguro manalo kahit na hindi ako maglaro diba? " sabi ko sa kanya.
Tumango lang ito at hindi na nagsalita pa saka tumingin sa gitna ng court. Natapos ang laro nila Ethan na siyang nanalo. At ang sumunod namang naglaro ay si Clay.
Sa buong laro kanila lang nakatuon ang atensyon ko. At base sa nakikita ko sa kanya at kanila ngayon. Mukhang malaki na talaga ang inimprove nila sa paglalaro ng tennis.
Ilang araw ko silang hindi natutukan at pinagpractise, pero mukhang hindi naman nila pinag-bayaan ang hilig nila sa paglalaro ng tennis. Mukhang mas lalo pang nagdagdagan ang husay at ang galing nila sa paglalaro.
Umalis na ako sa gitna ng laro nila. Dahil obvious naman na mananalo ang team ko.
Lumabas ako ng court, pero hindi ako lumayo dahil nanunuod ang Prinsipe kaya kailangan ko siyang bantayan lalo na at maraming tao ngayon.
Sa buong oras ko sa kababantay sa kanya. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko, at hindi ko maiwasang mapangiti.
Dahil kahit saang anggulo mo siya tiningnan ang gwapo niya parin.. kahit na nakakunot ang noo niya at hindi ngumingiti. Hindi mo talagang makakaila na ang gwapo parin nito.
Siguro maswerte ang babaeng mamahalin niya. Kahit na masungit siya, ang sweet parin nito... At kahit papaano naranasan ko sa kanya ang bagay na yun.
Nakakalungkot nga lang dahil mukhang malabo ng mangyari ang bagay na magustuhan niya ako. Sino ba naman kasing tao ang gustuhing lukuhin ka diba?
Umalis na ako sa lugar na yun, matapos ang laro. At ang nanalo walang iba kundi ang Team ko. Nakapasok na kami sa championship, at hindi pwedeng pabayaan ko sila doon. Lalo na at kilala ko kung paano maglaro ang makakalaban nila.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko sa harapan ko ang pagmumukha ni Lendi. Unang-una nagulat ako ng makita siyang nandito. Pero agad din napalitan ng isang ngiti, dahil mukhang hindi na ako mahihirapang hagilipin ang babaeng toh.
" Long time no see, Lendi. Maayos na ba yang mga sugat mo? " nakangising tanong ko sa kanya
Sobrang sama ang pagkatitig nito sa akin. At nagulat ako sa sobrang bilis nitong nakapunta sa harapan ko na ngayong hawak ako nito sa leeg habang nakasandal yung likod ko sa pader.
" You bitch! Ikaw pala ang humaharang sa plano ko. Ang galing mo ding umacting noh. " sabi nito.
Mas diniinan pa nito ang pagsasakal sa akin. Pero kahit ganun, hindi parin nawala yung ngiti ko sa mga labi ko.
" Ako nga rin, hindi ko rin lubos maisip na mamatay tao ka pala. " nakangising sabi ko sa kanya.
Mas lalong sumama ang tingin nito sa akin. At napamura ako ng bigla ako nitong hinagis sa kung saan dahilan para sumakit yung katawan ko.
Hindi pa nga ako nakakatayo ng maayos ng marahas na naman ako nitong pinatayo at tinuhod ng malakas, dahilan para mapaubo ako ng dugo.
" Tang*na! Papatayin kita para wala ng sagabal sa mga plano ko! " galit nitong sabi.
" Bago mangyari ang gusto mo. Ikaw muna ang uunahin ko. " malamig kung sabi sa kanya.
Sinalag ko yung tuhod na tamama sana ulit sa sikmura ko. Saka siya sinuntok sa tyan niya, dahilan para mapangiwi siya.
Tumayo ako ng maayos ng makabawi ako sa sakit at lumapit sa kanya at hinawakan siya sa likod ng ulo niya.
" Gusto kita patayin ngayon. Kaya nga lang, baka may makakita pa sa akin at sabihan pa akong mamatay tao. Kaya sa susunod nalang. " sabi ko sa kanya.
Pilit nitong inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak ko sa buhok niya. Kaya ang ginawa ko, malakas kung inumpog yung noo niya sa pader saka binitawan ang buhok niya at umalis sa lugar na yun at pinunasan yung dugo sa noo ko na tumama kanina at sa bibig ko.
Wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya. Masamang tao naman yun, kaya hindi pa yun mamamatay.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.