Masamamg tingin ang ipinukol ko kay Brad habang nakatayo ito sa tabi ng pinto. Kanina pa ako gising simula nong nangyari kahapon. At sa pagising ko, nabalitaan ko na lang na tuluyan ng pinasabog ang Isla kung saan ako dinala ni Lendi. At ang kasama sa pag sabog ay si Lendi at ang ama nito maging ang iba pang mga tauhan nila. Pero wala akong pakialam sa bagay na yun. Ang gusto kung malaman ay kung nasaan ngayon si Micha. Kung nakaligtas ba siya sa Islang yun.
" Kung ayaw niyong hanapin si Micha. Ako mismo ang hahanap sa kanya. " seryuso kung sabi at tatanggalin na sana yung dextrose na nakabit sa kamay ko ng maagap naman akong napigilan ng dalawang lalake.
" Bitawan niyo ako. " malamig na sabi ko sa kanila.
" Pasensya na Prince. Pinauutos sa amin ng mga magulang mo na bantayan ka namin ng maayos. " sabi ni Trick sa akin.
" Tsk! Ilang ulit ko bang sabihin sayo na ligtas nga si Alex. " sabi ni Brad sa akin.
Kung hindi lang talaga ako hinahawakan ng dalawang toh para pigilan. Baka kanina ko pa siya sinuntok.
" Hanggat hindi ko siya nakikita.. hindi ako maniniwala na ligtas siya. "
Hanggat hindi ko makikita si Micha, hindi ako mapapanatag ngayon. Lalo na at alam kung may tama ito ng baril. Kaya hindi ko alam kung okay ba ito o nasa maayos na kalagayan.
Pareho kaming napatingin lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon sina Mom kasama ang kapatid ko.
Napaiyak naman si Mommy ng mapatingin siya sa akin at ng makita niyang gising na ako. Kaya agad itong lumapit at niyakap ako.
" Thank God, you awake. Maayos na ba ang pakiramdam mo anak? Wala na bang masakit sayo? " sunod-sunod na tanong sa akin ni Mommy.
" I'm not okay, Mom... Hanggat hindi ko nakikita si Micha.. hindi ako magiging okay. " seryusong sabi ko sa kanya.
Humiwalay naman sa akin si Mommy saka lumapit kay Dad at may lungkot sa mukhang nakatingin sa akin.
" Napaimbestiga kami sa nangyaring pagsabog sa Isla habang tulog ka... Nalaman namin sa Boss ni Alex, na ligtas daw ito at hindi nasali sa pagsabog. " sabi ni Daddy sa akin.
" I told you. Ayaw mo kasing maniwala. "
Sinamaan ko ng tingin si Brad ng sabihin niya yun. Hindi kasi kapa-kapaniwala ang mukha niya.
" Nasaan siya? Gusto ko siyang makita. " sabi ko sa kanila.
" Sorry son. Ang alam lang kasi namin at maging yung boss nila na ligtas si Alex at maayos ang lagay nito. At kahit sila hindi nila alam kung saan siya. " rinig kung sabi ni Mommy.
" But why, Mom? " tanong ko sa kanya.
" Baka naman nagtatago at ayaw ng magpakita sayo, Prince. " sabi ni Eloc sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya at hindi makapagsalita.
Bakit? Nagtatago ba siya dahil sa ginawa ko sa kanya? Nagtatago ba siya sa akin dahil nasaktan ko siya? Hindi niya naman kailangan gawin yun diba. Hindi niya kailangan lumayo at taguan ako, dahil gusto kung ayusin na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Dahil sa ginawa niya pagtatago, mas lalo niya lang ako pinapaalala.
*****
Ilang linggo na ang lumipas, nakalabas narin ako ng hoslital at bumalik sa pag-aaral. Pero sa ilang linggo na yun hindi parin nagpapakita o nagpaparamdam sa amin si Micha.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
AzioneProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.