Maaga palang ay umalis na ako ng bahay namin.. kailangan kasi maaga ako ngayon sa school... Hindi para iwasan yung mga reporters.. kundi dahil may laro kami ngayon. Unang laro namin.. at gaganapin ito sa school namin. Kaya kailangan kung maging maaga para masiguradong nasa maayos na sitwasyon yung mga kateam mate ko. Hindi ko pa alam kung sino ang makakalaban namin... Pero nakakasigurado ako na ipapanalo namin ang laro na toh.
At tungkol sa nangyaring gulo? Well! Tulad ng sabi ni Mrs. Smith.. kailangan naming magpretend ni Ulap. Kaya ang ginawa namin, nagpanggap kaming magfiance kami ni Ulap.. at may matagal kaming relasyon na tinago lang namin ng ilang taon. Dahil ayaw namin ng gulo.
At yung mga media, todo kalat ng balita. Gusto ko nga matawa dahil hindi ko akalain na ganun lang pala sila kadaling mapaniwala?
Kaya rumarami ang mga manloloko.. dahil may mga taong madaling maniwala o mapaniwala. Galit na galit rin sa akin si Linde, at hanggang ngayon hindi niya parin matanggap ang nangyari. Ang hina kasi kumilos.. yan tuloy naunahan ko.
Nagalit rin si Papa sa akin.. dahil kahit alam niyang hindi totoo ang lahat. Hindi niya parin matanggap sa gustong mangyari ng Reyna... Pero agad naman siyang naliwanagan, dahil pinaintindi kuna sa kanya na yun lang ang tanging paraan para makaiwas. At sinabi ko rin sa kanya na ipapasara ng Reyna ang talyer namin kapag tumanggi pa ako. Kaya ayun, hindi na siya umangal pa... Syempre, mahal na mahal niya ang talyer namin.
" All Tennis players... Please! Proceed at the court now! With in 10 minutes.. the games will start. " rinig kung sabi nong announcer.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nakaayos na. Napangiti ako ng makitang ang gaganda nila.. lalo na sa suot nilang uniform namin.
Black and Red ang color ng uniform namin at may nakalagay pa ng mukha ng agila. Para tuloy silang mga professional sa suot at sa tindig nila.
" Ready na kayo? " tanong ko sa kanilang lahat.
" Yes coach! " sabay-sabay nilang sabi lahat.
Napailing nalang ako at napangiti... Sila ang nagplano lahat na coach ang tawag nila sa akin.. dahil ako daw ang coach nila... Sabi ko nga sa kanila, huwag na nila akong tawaging ganun.. dahil pareho lang naman kaming naglalaro.
Pumunta na kami sa may court at talagang hindi maiiwasan na merong nakatingin sa amin.. lalo na sa akin na may kasama pang bulongan. Hindi kuna nalang sila pinansin, dahil kapag ginawa ko yun? Baka magkagulo pa.
Pagdating namin sa may court. Napansin ko na agad na maraming tao ang manunuod ngayon.. at ang masaklap pa.. may mga reporters din ang nandito ngayon... Talaga bang ganito ang laging nangyayari kapag naglalaro ang isa sa mga Prinsipe?
" S-sigurado k-ka bang sila ang kalaban natin? " parang kinakabahang sabi ni Lance.
" Tindig palang nila siguradong ang gagaling nilang lahat. " dagdag na sabi ni Ethan, habang nakatingin sa mga kalaban namin.
Napatingin naman ako sa mga kalaban namin na kanina pa nakatingin sa amin. Tama nga sila.. sa kilos at tindig palang ng mga ito ay halatang ang gagaling nila. Halata din sa mga katawan nila na pinag-ensayo sila ng mabuti... Marami din sila kaysa sa amin.
Ang totoo niyan kasi.. lima lang kaming myembro ng tennis club. Ako, si Angel at yung tatlong lalake... Wala kasing gusto pang sumali sa club namin dahil nga lagi itong talo at ang tingin ng iba ay talunan ang mga myembro namin. At ayaw nilang mapahiya kapag sumali sila sa club namin.
Humarap ako sa kanilang lahat na may ngiti sa kanilang labi.
" Ano naman ngayon kung malakas sila? Tandaan niyo.. hindi nakikita ang galing ng isang tao kung wala pa itong napapatunayan... Isa pa, ito na ang oras natin para ipakita sa lahat na kaya nating manalo. " pangpalakas loob ko sa kanila.
" Tama si Ate Alex... Nag-ensayo tayo ng mabuti para sa laban natoh. Kaya dapat lang na harapin natin silang lahat at lumaban tayo... Kaya naman nating manalo sa kanila, diba? " nakangiting tanong sa kanilang lahat ni Clay.
Sa kanilang lahat si Clay yung laging positive at may malakas na loob. Kaya hindi na nakapagtataka, kung bakit lagi siyang may kaaway.
Narinig kung tinawag na kami ng announcer na pumunta na sa gitna.. hudyat na magsisimula na yung laban namin. Pero bago yun, kinausap ko muna sila.
" Gawin niyo ang makakaya niyo... Huwag niyong sayangin ang pagkakataon na ito na makaabot tayo sa finals. Naiintindihan niyo ba ako? "
Sabay-sabay naman silang tumango sa akin lahat.
Pumunta na kami sa gitna para makipagshake hands sa kalaban namin. Ang RAT.
" Galingang niyo, ha. " mayabang na sabi nong leader yata ng Rat.
Ngumisi lang ako sa kanya, dahilan para matigilan siya.
* Third Person POV *
Kanina pa nagsisimula ang laro sa loob ng court... Lahat ng mga schoolmate ng Eagles.. lahat sila ay nanuod... Hindi para suportahan ang mga Eagles, kundi para abangan ang muling pagkatalo ng mga ito. At kapag nangyari yun.. ibubully na naman nila ito at ipapahiya. Kaya hindi na nila hinayaan pang mangyari ang nangyari noon sa kanila.
Kaya ang lahat ay natulala at hindi nila inaasahan ang nangyayari ngayon. Lahat ay nakatitig sa loob ng court at kahit ni isa sa kanila ay hindi kumukurap... Hindi parin kasi pumapasok sa isip nila para paniwalaan ang nangyayari ngayon.
Kung noon nakikita nilang sunod-sunod ang talo ng mga eagles tennis. Ngayon ay nakikita na nila itong sunod-sunod na nanalo ang mga players ng eagles. At nakikita ng karamihan na malaki ang pinagbago ngayon ng mga members ng eagles. At nakikita din nila sa mga mukha ng mga ito ay mga palaban na.
Lahat talaga ay nagulat dahil hindi man lang pinagbiyan ng eagles ang rat na makascore. . Kahit ang Reyna ay nagulat at namamanghan din sa nakikita niya ngayon... Lalo na ang Prinsipe na hindi niya akalain na ganun kabilis ang pag-improve ng mga players ng Tennis. At hindi niya akalain na may igagaling pa pala ang mga ito.
" Go! Eagles! "
" Eagles! "
" Eagles! "
Napangisi nalang si Alex sa sigaw na naririnig niya. Kung kanina ay kinakantyawan sila at laging boo... ang naririnig niya sa mga ito. Ngayon ay hinahangaan na sila at ang mismong pangalan na ng team nila ang sinisigaw ng mga ito.
Napatingin siya sa mga kasama niya, at napangiti nalang siya ng makita ang saya sa mga mukha nito... At mukhang hindi siya nagkamali na itraining ang mga ito, dahil may tinatago ang mga ito na galing at husay sa paglalaro. Hindi lang alam ng mga ito, dahil walang taong tumuturo sa kanila para ipalabas ang bagay na yun.
" Next player! " rinig niyang sigaw nong referee.
Tumayo naman si Alex at pumunta sa gitna ng court. Siya na kasi yung huling lalaban sa kanila.
" Ate! Galingan mo. " pahabol sa kanya ni Clay.
Tumango lang siya dito at itinaas ang kaliwang kamay niya bilang pagtugon niya dito.. saka hinarap ang huling kakalabanin niya.
Gusto niyang matawa ng makita ang itchura ng leader ng rat. Parang sasabog na ito sa galit habang nakatingin sa kanya.
" Kaya pa? " pang-aasar niya dito, dahilan para tingnan siya ng masama ng kalaban niya na ikinatawa niya lang.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.