Chapter Ten

11.8K 323 11
                                    

* Alex POV *

Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun. At doon pumasok ang Prinsipe ng lahat... Ngumisi lang ako siya sa kanya ng tumingin siya sa akin, na ikinasama ng tingin niya.

" What are you doing here? " cold nitong tanong sa akin.

" Ano pa ba sa tingin mo? " simpleng sagot ko sa kanya.

Mas lalo lang dumilim ang tingin niya sa akin na akala mo mamamatay ako sa titig niya?

" Stop it, Cloud. And please sit down. "

Nagsitaasan naman ang balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang seryuso at malamig na boses ng Mommy niya... Hindi ko alam na may tinatago palang ganitong side ang Reyna ng bansa.

Umupu naman si Ulap sa upuan na nasa harapa ko.. habang si Dean ay parehong nakatingin sa amin.

" Magtitinginan nalang ba tayo dito? " seryuso parin nitong sabi.

" Is not my fault, Mom. Its her. " sabi ni Ulap.. dahilan para mapatingin sa akin si Dean.

" Is that true, Ms. Chavez? "

Napatingin naman ako sa kanya na hinihintay yung sagot ko.

" Yes! Mrs. Smith... Hinalikan ko po ang Prince.. hindi dahil sa may pagtingin ako sa kanya? Obviously na wala naman talaga... Hinalikan ko siya.. because kay Linde.. na hindi ko alam kung ano ang kinagagalit nito sa akin. Pati yung bike ko ay dinamay pa sa kabaliwhan niya. " pag-eexplain ko sa kanya.

Nakita ko yung gulat at amusement sa mga mata nila na para bang hindi kapani-kapaniwala na nasasabi ko yun mismo sa harapan nila.

Bakit ba? Sinabi ko lang naman sa kanila kung ang totoo diba.

" Ikaw na mismo ang nagsabi na Prinsipe ang hinalikan mo. Pero bakit mo yun ginawa? " nagtatakang tanong ni Mrs. Smith sa akin.

" Trip ko lang. " nakangising sabi ko habang nakatingin kay Ulap.

Galit naman siyang napatingin sa akin ng sabihin ko yun.

" Trip mo lang? O talagang gusto mong ipamukha ko pa sayo kung sino talaga ako!? " galit nitong sabi sa akin.

" I know who you are, PRINCE Cloud. At alam ko din na Reyna sa bansang ito si Mrs. Smith... Pero hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito ugali ko? " inis na sabi ko. " Dahil ako ang hindi niyo kilala. " malamig kung sabi, dahilan para mapatigil silang dalawa.

Pero agad ding nakabawi si Mrs. Smith at pinutol ang katahimikan sa loob.

" You're right, Ms. Chavez. Hindi kapa namin kilala... Pero hindi mo ba naisip na sa ginawa mong paghalik sa Prinsipe.. ay maaring mapahamak ka? At hindi lang yun.. hindi lang kami ang guguluhin nila.. pati narin kayo. " nag-alalang sabi ni Mrs. Smith.

Hindi ako papayag na guluhin nila ang pamilya ko... Okay lang na ako ang guluhin nila. Pero yung pamilya ko? Magkakamatayan talaga tayo.

" Anong gusto mong gawin ko, Mrs. Smith? "

" Easy of that... Harapin mo yung mga reporters at sabihin sa kanilang lahat.. na ikaw ang humalik sa akin. " galit na sabi ni Ulap.

" Ayaw ko nga. "

" What? Ikaw ang gumawa ng gulo.. kaya ikaw dapat ang mag-ayos nito! " galit nitong sabi.

Alam kung nagpipigil lang ito na sapakin ako... Kitang-kita ko kasi sa mukha niya ang galit nito habang nakatingin sa akin.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon