Chapter Fourty Two

10.3K 256 0
                                    

Dumaan kami sa kung saan kami dumaan nina Lendi pagdala niya sa akin sa basement kanina. Paglabas namin, bumungad sa amin ang mga taong nakahandusay sa lupa dahil sa gyerang naganap kanina. Nauna ako naglakad habang ang Prinsipe ay nasa likuran ko na nakasunod sa akin.

Kailangan naming magdahan-dahan, dahil baka may mga kalaban pa na natitira at hindi pa nauubos.

" Shit! " mura ko ng malapit na ako matumba dahil naapakan ko yung isang baril na nakahandusay sa lupa.

At mabuti nalang nasa lilod ko ang Prinsipe para saluhin ako.

" Careful. " sabi nito sa akin.

Bigla akong natigilan at napatingin sa kanyang mukha.

Simula nong malaman niya kung sino ako. Ngayon ko lang ulit nakita ng malapitan ang mukha niya. At talagang masasabi kung ang gwapo niya parin.

Kaya halos ng babae dito sa bayan namin, naghuhumuling sa kanya. Namimiss ko tuloy yung mga pinagsamahan namin. At parang gusto kung maiyak sa sakit dahil alam kung hindi na mauulit ang bagay na yun.

Mabilis akong lumayo sa kanya at umiwas ng tingin.. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya.

" Kailangan na nating hanapin sina Brad para makaalis na tayo dito. " malamig na sabi ko sa kanya at muling naglakad.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng walang imikan sa pagitan naming dalawa. Minsan naman kapag may kasalubong kaming mga tauhan ni Lendi, agad namang pinapatumba ng Prince.

Oo, sya! Dahil sa tuwing may kalabang lumalapit sa amin at sa halip na ako yung haharap sa kanila. Lagi niya akong hinihila papunta sa likuran niya at siya na mismo ang nagpapatumba sa mga kalaban niya. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis sa kanya.

" Look Prince, pwede bang dito ka lang sa likod ko? At ako ng bahala sa lahat! " inis na sabi ko sa kanya.

Saglit itong nakatitig sa akin pansin ko rin na para bang ngumiti siya.

" Kaya kung makipaglaban at makipagsabayan sa kanila. " sabi nito sa akin.

" I know Prince! Pero protector mo ako. Kaya responsibilidad kung protektahan ka at iuwi ng buhay sa inyo! " sabi ko sa kanya.

Nang hindi siya makapagsalita tumalikod na ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.

* Cloud POV *

Nakatingin ako sa papalayong babae na nasa harapan ko ngayon

I miss her.

I really miss her and I want to hug her.

Gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin para yakapin siya.

Miss ko na siya.. yung mga ngiti at biro niya. Lalo na yung mga halik at yakap niya sa akin.

Gusto kung muling makita yung Michaella na nakilala ko noon. Pero bigla siyang nagbago ng malaman ko kung ano siya. At hindi ako sanay sa ugali niya ngayon.

Alam kung isa akong malaking gago para ipagtabuyan siya ag hindi pakinggan yung mga paliwanag niya. At sa mga ginagawa ko, alam kung pareho kaming nasasaktan na dalawa.

Okay lang sana na ako lang yung makaramdam ng sakit. Pero siya, tang*na parang gusto kung parusahan ang sarili ko dahil sa nangyayari sa aming dalawa. Lalo na ngayon, talagang nagulat ako ng makita ko siya kanina sa loob ng basement.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot.  Hindi para sa sarili ko, kundi para sa taong mahalaga sa akin. Ang importanteng tao sa bahay ko na alam kung hindi ko kakayanin kapag mawala siya.

Kaya talagang naiinis ako sa kanya ng pumunta pa siya dito sa Isla. At naiinis ako kina Mommy at Daddy, dahil pinayagan pa nila si Michaella na pumunta dito kahit na alam naman nilang mapanganib dito.

Tang*nang protektor yan!

Wala akong pakialam kung protektor siya at tungkulin niyang maiuwi ako ng buhay sa amin. Ang importante sa akin ngayon ay yung buhay niya. Dahil all this time ako lang yung pinuprotektahan niya.

" Brad! " rinig kung pagtawag niya sa kaibigan niya na nagmamadaling lumapit sa amin maging yung ibang kasama niya.

" Alex! Mabuti naman nandito na kayo. Kailangan na nating magmadaling umalis ngayon. " sabi nito na may pag-alala sa boses niya.

" Bakit? May problema ba? " tanong sa kanya ni Micha.

" Isang malaking problema. Nalaman namin sa isa sa tauhan nila na pinalibutan ang lugar ito ng mga bomba. Kaya kailangan magmadali na tayong umalis ngayon. " sabi nito sa amin.

Tang*na! Akala ko ba yung kapatid niya lang ang baliw. Pati din pala siya. Balak ba ni Lendi na pasabugin ang lugar na ito, kasama siya?

" Sa tingin niyo ba papayagan ko nalang kayo aalis ng ganun kadali? Magsama-sama tayong mamatay dito lahat. "

Napatingin kaming lahat ng may biglang nagsalita. At doon nakita namin si Lendi na nakaakbay sa isang matandang lalake habang dumudugo ang hita nito na binaril kanina ni Micha.

" Tuso ka talaga, Lendi. Nagmana kaba sa hayop mong ama? " tanong sa kanya ni Micha na mukhang ang tinutukoy nitong ama ay yung lalakeng nakaalalay kay Lendi.

" Pinabilib mo talaga akong batang ka. Isang ka lang estudyante pero ang galing mong makipaglaban sa mga tauhan ko. "

Ngumisi lang sa kanya si Micha at muling nagseryuso ang mukha.

" Umalis na kayo dito Brad at isama mo ang Prinsipe. Ako na ang bahala dito. " seryuso at malamig nitong sabi.

" What? Are you insane? Kung aalis kami! Kailangan kasama ka namin. " sabi ko sa kanya.

Pero mukhang hindi man lang ako nito narinig dahil hindi man lang ito napansin ang sinabi ko.

 
" Sige na Brad, umalis na kayo dito. At ipangako mo sa akin na iuwi mo ng ligtas ang Prinsipe. " sabi nito sa kaibigan.

Napangitin ako kay Brad para sana pagsabihan ito na huwag pumayag sa gustong mangyari ni Micha. Pero napatigil ako ng makita ko itong nakangiti at napapailing lang.

" Hindi ka parin talaga nagbabago, Agent Alex. Panigurado bilib na naman sayo si Boss. " sabi ni Brad habang papalapit sa akin.

Ako naman ay agad na lumayo sa kanya.

" Inuutusan kita bilang Prinsipe, Brad. Hindi tayo aalis hanggant hindi natin kasama si Micha. " seryusong sabi ko sa kanya na ikinangisi niya lang.

" Pasensya na Prince, pero wala ka sa palasyo niyo para sundin ko ang utos mo... At sa oras na ito si Alex lang ang tanging kung susundin. " nakangiting sabi nito sa akin.

Magrereact pa sana ako sa sinabi niya, pero huli na. Huli na ng maramdaman ko yung pagpalo sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, at unti-unting bumagsak. Napansin ko ang damit ni Micha sa tagiliran na maraming dugo ang kumalat. At doon ko lang naalala na nabaril pala siya nong nag-aagawan sila ni Lendi kanina ng baril.  Pero huli na para tulongan ko siya, dahil sinakop na ako ng kadiliman na hindi man lang siyang tinutulongan.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon