* Alex POV *
Papunta ako ngayon sa may parking lot para kunin yung bike ko at para makauwi na. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin ko yung nagkukumpolang mga tao sa parking lot. Lumapit ako don para malaman kung ano ang nangyayari... Nakipagsisikan ako para makita ko kung ano ang nangyayari sa gitna.
Bigla akong natigilan at parang biglang kumulo ang dugo ko sa katawan.. dahilan para magalit ako sa nakikita ko ngayon.
" Sino ang gumawa nito? " galit na sigaw ko sa harapan nilang lahat.
" Dumating kana pala, Alex. "
Napatingin ako sa babaeng nagsalita... Walang iba kundi si Lendi na malandi... Siya yung babae sa room namin nong nandon si Cloud. At nalaman ko lang ang pangalan niya dahil lagi ko itong naririnig. At araw-araw ako nitong ginugulo.
" Ikaw ba ang gumawa nito? " malamig at seryuso kung tanong sa kanya.
Ngumiti lang siya at lumapit sa akin. Kahit hindi niya sabihin.. halata sa mukha niya na siya ang may pakana nito.
" Ikaw ba naman kasi... Sinabihan na kita na mag-ingat sa mga kinikilos mo... Yan tuloy nasira yung bike mo. " sabi nito.
Baliw na siguro ang babaeng toh. Ano naman ang ginawa ko para pagdiskitahan niya ako? Alam niya ba na isang pagkakamali na sirain nila ang bike ko?
Yes! They crashed my bike very well! Iniisa-isa lang naman nila alisin yung kadena.. mga gulong nito.. at ang munobela. Ang mas matindi pa, talagang may oras pa silang putulin ang kawatan ng bike ko!
Kaya sinira nila ng todo ang nag-iisa kung bike na sobrang mahalaga sa akin!
" Matanong nga kitang haliparot ka! Ano ba ang nagawa kung kasalanan sayo? " maangas kung tanong sa kaanya.
Narinig ko yung tawanan ng iba ng marinig nila ang tinawag ko kay Lendi. Siya naman ay ang sama ng tingin sa akin. Pero agad din namang ngumiti. Baliw talaga.
" Wala kang kasalanan sa akin. Pero isang malaking kasalanan ang paglapit mo sa Prince namin. " sabi nito.
" What? " nagtataka kung sabi.
" Yung paglapit at paglalandi mo sa Prince namin... At yung pagpunta mo sa palasyo! Talaga bang gusto mong pansinin ka niya.. at talagang nagawa mo pang puntahan siya sa palasyo? "
Tiningnan ko siya sandali saka tumawa, dahilan para magtaka silang lahat... Akala ko kung ano na ang kinagagalit niya. Yun lang pala?
" Hindi ko alam na sa ganda mong yan.. ang babaw mo palang mag-isip. " natatawa kung sabi.
" What? "
" Nagagalit ka kasi lumalapit ako sa Prinsipe? At nagagalit ka kasi pumunta ako sa palasyo nila? Hindi ko alam na may STAKLER ka pala... ULAP! " sabi ko habang nakatingin sa likuran ni Linde.
Tumingin naman si Linde sa likuran niya at narinig ko ang bahagya niyang pagsinghap ng makita niya si Cloud na nakatayo kasama ang mga schoolmate nito. Napailing nalang ako ng makitang kilig na kilig ang mga babaeng nakatingin sa kanya.
" Alam mo Ulap. Hindi na ako magtataka na pati pagliligo mo ay alam ng babaeng toh. " nakangising sabi ko sa kanya. Napansin ko pa yung pagkakunot ng noo niya habang nakatingin sa akin.
Ngumisi lang ako kay Linde ng galit siyang napatingin sa akin.
" Sumosubra kana. "
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.