Chapter Twenty Five

10.7K 293 11
                                    

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanila. Pansin ko yung panginginig ng kamay ni Micha na para bang gigil na gigil itong sakalin at saktan si Lendi. Kaya dobble ang hakbang ko papalapit sa kanila para pigilan ito. At bago pa nito matuluyan si Lendi.

" P-Prince Cloud. P-please help me! " sabi ni Lendi ng makita niya ako papunta sa deriksyon nila.

Hindi ko siya pinansin at na kay Micha lang ang atensyon ko na para bang hindi narinig yung sinabi ni Lendi.

" Micha. " pag-aagaw atensyon ko sa kanya.

Bahagya akong napaatras ng mapatingin siya sa akin at ng makita ko ang mukha niya. Mga matang walang emosyon at parang gustuhin mo nalang na lumayo sa kanya.. dahil sa mga tingin niya palang. Parang gusto ka na niyang patayin...

She is defferent than other Micha na nakilala ko noon. Pero kahit ganun, pinili ko parin siyang lapitan.. dahil hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

Lumapit ako sa kanya habang patuloy parin nitong sinasakal si Lendi. Hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa leeg ni Lendi at pilit ko itong inaalis. At doon ko lang na kumpirma na malakas pala si Micha. Dahil kahit anong pilit kung ialis yung kamay niya sa leeg ni Lendi.. ay hindi ko maialis.

Napatingin ako kay Lendi na sobrang putla na at nahihirapang huminga dahil sa sobrang pagsasakal sa kanya ni Micha. Kaya ang ginawa ko, ginamit ko ang buong lakas ko para maialis yun. At natagumpayan ko naman yun.

Muntik na akong mapatumba ng mapatingin siya sa akin gamit ang matatalim niyang tingin. Sobrang blangko ng mga mata niya, na para bang hindi niya ako kilala?

" Sinong nagsabi sayo na mangialam ka? "

Napasinghap ako at ramdam kung nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng muli kung marinig ang malamig niyang boses. Pero pinili ko paring lumapit sa kanya.

" Micha, please calm-shit! "

Muntik na akong matamaan sa suntok niya kung hindi lang ako nakaiwas kaagad. Hindi pa man ako nakabawi sa ginawa niya. Muli na naman ako nitong sinugod ng suntok. At this time, natamaan na ako sa bibig dahil sa bilis ng galaw ng babaeng toh. Napamura pa ako ng malasahan ko yung dugo sa bibig ko.

Dahil naiinis narin ako at mukhang wala yatang balak magpapigil ang babaeng toh. Mabilis kung inagaw ang dalawa niyang kamay, kasabay non ang pagyakap ko ng mahigpit sa kanya mula sa likuran niya. Pinipilit niyang makawala sa mga bisig ko, kaya minabuti kung mas higpitan pa ang pagkakayakap sa kanya para hindi siya makawala.

" Baby, please calm down. Just calm down.. okay. " mahinahon kung sabi sa kanya.

" Let me go... I want to kill her... I want to kill that bitch. " pagwawala nito.

Ipinatong ko yung baba ko sa balikat niya at mas lalo pa siyang hinigpitan na yakapin.

" Baby... Listen to me. Its me Cloud. Your Ulap... Please calm down. Just calm down. " bulong ko sa kanya.

Naramdaman kung unti-unti na siyang tumigil sa pagwawala niya. Kaya minabuti kung luwagan ng kunti ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko muna siya pinakawalan dahil baka magwawala na naman siya ulit.

" Ulap? "

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng marinig ko muli ang mahinahon niyang boses.

" Yes! Baby. Its me, your Ulap. Nandito na ako... nandito na ako sa tabi mo. Kaya huminahon kana please. " pakiusap ko sa kanya.

Naramdaman kung huminga ito ng malalim at mukhang pinakalma na nito ang sarili niya.

" Namimihasa kana sa pagyakap sa akin, ha. "

Mas lalo akong napangiti, dahil mukhang bumalik na siya sa sarili niya. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan ang leeg niya na ikinasinghap niya. Wala sana akong balak huminto sa paghalik sa leeg niya kung hindi niya ako isiniko. Dahilan ng ikanatawa ko lang.

Akmang ihaharap kuna siya sa akin, para makita ko yung mukha niya. Nang magulat ako na siya na mismo ang humarap sa akin.

" Shit! Those bastard. " mahinang sabi nito.

Muling bumalik ang pag-alalang nararamdaman ko ng unti-uting  bumagsak ang mga kamay niyang nakayakap sa akin. Maging ang mga mata nitong unti-unti ring pumipikit.. kasabay non ang pagbagsak ng katawan niya na agad ko namang sinalo.

" Baby... wake up... Baby please.. wake up. " pagigising ko sa kanya.

Pero mas dobble ang kabang nararamdam ko ng hindi na siya nagrerespond. At parang natataranta ako dahil sa nangyayari sa kanya.

" Cloud, what happened to her? " tanong sa akin ni Zent ng makalapit sa amin.

" I dont- "

Napatigil ako at napakunot ang noo ko ng may nahawakan akong basang likido sa likod ni Micha. Tiningnan ko yung kamay ko na nakahawak doon. Halos mamutla ako sa nakita ko sa kamay ko, at rinig ko rin ang pagsinghapan sa buong paligid namin... Parang bigla akong nanghina at hindi alam kung ano ang gagawin ko ng makita ko ang dugo na nasa kamay ko na nanggaling sa likod ni Micha. Pakiramdam ko tuloy, parang gumuho ang mundo ko habang nakatingin sa mukha ni Micha na namumutla at walang malay.

I dont know what I feel. But, Fuck! Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot sa buong buhay ko. Takot na mawala yung taong alam kung nagiging parte na ng buhay ko.

" Cloud! Hurry up! "

Napatingin ako sa nakaparadang sasakyam sa harapan namin. At doon nakita ko Neon na siyang nagmamaneho. Kaya agad kug binuhat si Micha, at saka pumasok sa loob ng sasakyan.  Agad namang pinatakbo ng mabilis ni Neon ang sasakyan pagkapasok namin.

Hold on, Baby! Malapit na tayong makarating sa hospital. Just hold on. And Please!

Dont leave me...

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon