Kanina pa umiinit ang ulo ko dahil sa mga ingay nila. Alam kung normal lang na magkaroon ng ingay sa cafeteria, dahil hindi naman ito library para tumahimik. Kaya lang talagang ang sakit sa tenga yung sobrang ingay nila. Parang sasabog na yata yung eardrums ko sa kanila.
" Ano ba ang nangyayari? " nagtataka kung tanong kay Nikka na kaharap kung kumain.
" Dumating na kasi ang Prince at ang mga kaibigan nito. Kaya nagkagulo silang lahat lalo na yung mga babae. "
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Mga artista ba ang mga yun para magkaganito ang mga babae dito? Halos sila nagreretouch ng make-up na sobra namang kapal sa mukha nila.
Sigurado ba silang mapapansin sila sa ginagawa nila nyan? Nagmumukha lang silang despirada sa harapan ng lahat.
Agad napako ang mata ko sa tatlong lalakeng kakapasok lang ng cafeteria. Yung isang todo kung ngumiti at kumakaway pa ito sa mga babaeng dinadaanan nila. Tapos yung isang kasama nito ay ngumigiti nga, pero agad din namang nawawala. Napatingin naman ako sa taong nasa harapan nilang dalawa. Parang hindi siya marunong ngumiti, dahil naka poker face lang yung mukha niya.
Sinundan ko sila ng tingin ng lumapit sila doon sa batang tinulongan ko ng isang araw. Magkapatid ba silang dalawa? Magkamukha kasi sila. Napansin kung kinausap niya ito na hindi naman namin marinig dahil malayo kami sa kanila.
Umiwas ako ng tingin sa kanila at tinapos nalang yung kinakain ko para makaalis na kaagad ako dito. Sumasakit na kasi yung ulo ko sa sobrang ingay nila.
Pero agad naman akong nagtaka ng biglang tumahimik ang cafeteria.
" This is trouble. " rinig kung sabi ni Nikka.
Sinundan ko yung tingin niya kung saan siya nakatingin. Another group of men ang nakikita ko ngayon sa harapan ko.
" Sino sila? " nagtataka kung tanong kay Nikka.
" Naalala mo yung mga binugbog mo nong isang araw? Mga kasama nila yan, at ang nasa harapan ay ang captain nila. "
" Captain? " nagtataka kung tanong sa kanya.
" Yes! member sila ng taekwondo club. Maraming takot sa kanila dahil lagi silang naghahanap ng gulo. Maliban nalang sa tatlong bagong dating. "
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanila, at talagang ang sama ng tingin nila sa isat-isa. Para bang kahit anong oras ay magrarambulan sila.
" Oy! Saan ka pupunta? " tanong sa akin ni Nikka ng mapansin niya ang pagtayo ko.
" Gusto ko lang sila makita ng malapitan. " sabi ko sa kanya at lumakad papalapit sa dalawang grupo na yun.
Nang makalapit ako sa kanila. Doon kuna nakita ng malapitan ang mukha nila.
Infairness ha! May ipagmamayabang silang lahat. Lalo na yung tatlo kanina na mas gwapo, kumpara sa member ng mga taga taekwondo club. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung lalakeng may magandang mga mata. Ang sarap titigan, at parang umaakit ito.
" Bumalik na pala kayo, Prince Cloud. " nakangiti nitong sabi na halata namang nang-aasar.
" Anong ginawa niyo sa kapatid ko? Hindi niyo ba alam na may kaparusahan ang ginawa niyo! " galit nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.