Chapter Sixten

11.5K 278 6
                                    

Gabi na ng nagising ako.. kaya bumangon na ako sa kama at nag-ayos na rin saka pumunta sa kusina para magluto ng pagkain na dadalhin ko kina Papa... Alam kung kanina pa siya gising dahil nagtext yung kapatid ko sa akin maging si Sheena. At gusto daw ako makita ni Papa... Hindi ako nakapunta sa kanya kanina dahil alam kung magtatanong na naman ito sa ginawa ko. Kaya sinadya kung hindi pumunta kanina sa hospital ng malaman kung gising na siya.. dahil gusto ko munang magpahinga siya. Bago kami magkaharap na dalawa at magtanong sa akin. Ako lang din mag-isa sa bahay, dahil binabatayan ni Allen si Papa.

Matapos kung magluto nilagay kuna ang mga ito sa tupperware, saka pumunta sa kwarto ni Papa at ni Allen para dalhan sila ng damit. Natapos kung iayos lahat ng dapat kung dadalhin, umalis na ako ng bahay namin gamit yung motor namin.

" Dumating ka din. " sabi ni Papa ng makapasok ako sa loob ng kwarto niya.

" Bakit ang tagal mong dumating, Ate? Kanina ko pa ako nagugutom. " reklamo ng kapatid ko at kinuha yung dala ko sa kamay ko.

" Sorry naman. Napahaba kasi yung tulog ko. " sabi ko sa kanya.

Tumingin naman ako kay Papa na kanina pa nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya, kasabay non ang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit.

" Sorry kung wala ako sa bahay nong time na may nangyari sa inyo. " sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko at maingat na tinatapik iyun.

" Hindi mo kasalanan ang nangyari anak. Isa pa, mas mabuti na yung wala ka sa bahay nong time na yun. Dahil baka ano pa ang magawa mo sa kanila. "

Napatawa naman ako sa sinabi ni Papa saka humiwalay sa kanya. Alam na alam talaga nito ang ugali ko.

" Kamusta ang paghahanap mo? Nahanap mo ba sila? " tanong nito sa akin.

" Opo! At nalaman kung may nag-utos sa kanila para gawin ang bagay na yun. "

Natigilan naman siya sa sinabi ko at nararamdaman ko yung galit niya.

" Nalaman mo ba kung sino ang nag-utos sa kanila? Kung ano ang motibo nila para pumasok sa bahay natin? " seryuso nitong tanong sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Papa para kumalma siya. Baka kasi makakasama sa kanya ang galit na nararamdaman niya ngayon.

" Hindi pa... Pero aalamin ko at sisiguraduhin kung magbabayad siya sa ginawa niya sa inyo. " seryusong sabi ko sa kanya.

Hindi ako nagtagal sa hospital.. umuwi na rin ako ng masigurado kung maayos na ang kalagayan ni Papa at ligtas sila ni Allen doon. Hindi naman kasi pwedeng ako ang magbabantay kay Papa at si Allen ang uuwi sa bahay. Baka kasi may muling pumasok sa bahay namin at yung kapatid ko na naman ang masaktan. Kaya mas mabuti na yung nasa hospital silang dalawa.. dahil doon safe sila. Hindi naman ako natatakot na ako lang mag-isa sa bahay. Baka sila pa dapat ang matakot sa akin.

Kinabukasan, hinatidan ko muna ng pagkain sina Papa at ng uniporme si Allen sa hospital bago ako pumasok. Sina Eloc na rin ang pinagbantay ko kay Papa, habang pareho kaming pumasok sa school ni Allen. Wala namang pasok yung tatlo na yun eh. Kaya mas mabuti na yung may gawin sila diba. At isa pa for safety na rin yun ni Papa.

Late na nga ako nakapasok sa klase namin dahil sa dami ng ginawa ko kanina.

Pagpasok ko sa loob ng classroom, napansin ko kaagad ang kakaibang tingin na ibinigay sa akin ni Lendi. Hindi ko matukoy kung ano yun, kaya nagpatuloy nalang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa upuan ko, na sakto naman ang siyang paglapit sa akin ni Nikka.

" Are you okay? Nabalitaan namin yung nangyari sa papa mo. "

Kunot noo ko naman siya tiningnan dahil sa sinabi niya.

" Saan mo nalaman ang bagay na yan? " nagtataka kung tanong sa kanya.

" Kay Queen, nagtaka kasi kaming lahat dahil wala kayo ni Prince pagkagising namin. Kaya sinabi niya sa amin ang nangyari sa Papa mo...  Ano..okay na ba siya? " taong nito sa akin.

Malamang si Ulap ang nagsabi kay Queen ang nangyari kay Papa.

" Dont worry, okay na siya. Nagpapagaling nalang siya ngayon. " nakangiting sabi ko sa kanya para hindi siya mag-alala.

Umayos na kami ng upo lahat ng dumating na yung prof namin sa unang subject. Pero habang naglelecture ang prof namin. Wala doon ang isip ko... Hindi kasi maalis-alis sa isip ko kung sino ang nag-utos sa dalawang yun para pumasok sa bahay namin. At ano ang motibo niya para gawin yun sa amin? Naglalaro lang ba siya o gusto niya lang talaga kami takutin?

" Ms. Chaves! "

Napapitlag ako ng marinig ang malakas na pagtawag sa akin ng prof namin. Dahil hindi parin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kay Papa. Walang emosyon ko siyang tiningnan, kahit na masama ang tingin niya sa akin.

" Yes Sir. " walang emosyon kung sabi sa kanya na mukhang hindi niya naman napansin.

" Nasaan ba ang utak mo at ng hindi ka nakikinig sa klase ko? " pagalit nitong tanong sa akin.

Pero kahit ganun, magalang parin akong tumayo para sagutin siya.

" I'm sorry, Sir. May iniisip lang kasi ako. " sabi ko sa kanya.

Pero bago pa muling makapagsalita si Sir. Umepal na naman si Lendi.

" May iniisip o may pinaplano? " nakangising nitong sabi.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Saan na naman napumulot ng babaeng toh ang sinabi niya?

" Kaya ka lang ba nagtransfer dito sa school namin ay para landiin ang Prinsipe? Talagang plinano mo siyang halikan sa harapan namin at para maging fiance mo siya. " sabi nito sa akin.

Napapailing at napangising nalang ako sa sinabi niya.

" Sinasabi mo lang ba yan dahil naiingit ka.. o dahil ikaw yung may pinaplano sa ating dalawa na hindi mo matuloy? " seryusong tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo ko ng matigilan siya at parang nagulat sa sinabi ko. Lalo na at ng mapansin kung parang hindi siya mapakali sa kinaupuan niya.

Ano naman ang nangyari sa isang toh?

" S-sinabi mo bang may balak akong masama sa Prinsipe! " galit na sigaw nito.

Mas lalong napakunot ang noo ko sa kinikilos niya at sa sinasabi niya ngayon.

Napangisi naman ako dahilan para matigilan siya.

" Nagbibiro lang ako.. pero bakit parang guilty ka yata? At wala akong sinabi na may balak kang masama sa Prinsipe. Pero malay natin.. baka meron nga. " nakangising sabi ko sa kanya.

" How dare you! " galit nitong sigaw sa akin.

Hindi na natuloy ang paglapit nito sa akin ng biglang pumagitna si Sir sa aming dalawa para pigilan kami.

" Enough girls! Nasa klase kayo, kaya wala kayong karapatan na gumawa ng gulo dito! " galit nitong sabi sa amin saka humarap sa akin.

" And you Ms. Chavez. Hindi porket fiance ka ng Prinsipe ay ganyan na yang attitude mo... Tandaan mo! Bago ka palang dito kaya umayos ka. " sermon nito sa akin.

Kinuyom ko yung kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi si Linde yung pagsabihan niya para tumino rin ang baliw na yun... At wala akong pakialam kung fiance ako ng Prinsipe nila. Baka nga, isaksak ko pa yun sa baga nila para malaman nila na mabubuhay ako kahit wala yung prinsipe nila na isang malaking gago.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon