" Now explain! Who the h*ll are you!? " sigaw nito.
Grabe naman itong Prinsipeng ito oh. Kung makahell, akala mo wala kaming pinagsamahan?
Ang sakit kaya sa pakiramdam yung sinabi niya.
Kakarating nga lang namin sa palasyo nila, tapos biglang sisigaw? Baliw lang.
" Son.. what happened? Bakit ka sumisigaw? " nag-alalang sabi ni Queen habang pababa ito ng hagdan at kasunod nito si King Ivan.
" Alex. " tawag nito sa akin.
" Yes King. "
" May nangyari ba? " seryusong tanong nito sa akin.
Umayos ako ng tayo at inayos ko rin yung damit ko, saka tinago yung dalawa kung baril sa likuran ko na kanina ko pa hawak.
Abat, mabuti na yung handa noh.
Seryuso akong tumingin kay King at Queen saka sinagot yung tanong niya sa akin.
" Yes! King.. inabangan kami kanina ng mga taong humahabol sa Prinsipe ng papauwi na kami. Pinagbabaril nila kami at sinundan sa may daan. Kaya mabuti nalang nakalayo kami sa kanila. " sabi ko sa kanilang dalawa.
" Yeah! Thanks to you. "
Napatingin ako kay Neon ng sabihin niya yun. Ngumisi lang ako sa kanya na ikinangisi niya lang din.
" Pasensya na sa nangyari sa sasakyan niyo. " sabi ko sa kanila.
Saglit tumahimik ang buong paligid, bago nagsalita si Queen.
" Dont worry about that, Alex. Ang mahalaga ligtas kayo at ang anak namin. Kaya salamat sa pagprotekta sa kanya. " nakangiting sabi nito sa akin.
" Its my job to protect the Prince, Queen. " sabi ko sa kanya.
Trabaho ko naman talagang protektahan ang Prinsipe. Kaya dapat lang na maging alesto ako sa lahat ng oras.
" You know her, Mom? " tanong ni Prince na nandon parin ang galit sa boses niya.
Napatingin ako kay Queen na halata ang pagdadalawang isip na sagutin ang anak niya.
Alam ko na alam niya na hindi dapat malaman ng anak niya kung sino talaga ako, para maprotektahan ko ng maayos ang anak nila.
Tutal nakita naman ng Prinsipe at ng kaibigan niya kung ano ang kaya kung gawin. Ito na siguro ang oras para malaman nila ang totoo, dahil para silang mga tanga na gulong-gulo ang isip ngayon.
Ngumiti lang ako kina King at Queen, saka humarap sa tatlong lalakeng nandito.
" I want to introduce myself properly... I'm Alexis Michaella Chavez or you can call me Agent Micha. "
" You are an Agent! " sabay na sigaw nong dalawang tukmol.
Tsk! Kakasabi lang diba? O baka naman kailangan ko pang ulitin?
" Yeah! And I'm here to protect you Prince. " seryusong sabi ko sa kanya.
Seryuso itong nakatingin sa akin. Tingin palang kita ko na yung galit.
" You are a liar. "
Napangisi nalang ako sa sinabi niya na mas lalong kinasama ng tingin nito sa akin.
" Walang taong hindi sinungaling, Prince... At ganun ka naman din diba? " nakangising tanong ko sa kanya.
Masama ang pagkatitig nito sa akin. Masakit man pero kailangan kung tiisin, ginusto ko toh at nagkusa lang na tumibok ang puso ko sa kanya. Kaya hindi dapat ako magreklamo.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.