Nanatili parin akong nakasunod sa Prisipe sa pag-uwian namin. Nakabuntot lang ako sa sinasakyan niyang sasakyan, sakay ng aking motor na pagmamay-ari ng company na pinagtratrabahuan ko.
Bigay naman nila ito sa akin, kaya parang akin na rin ito.
Paminsan-minsan ko lang dinadala, kapag hindi ako tamarin magdrive. Kaya mukhang malabo ng mangyari yun ngayon, dahil araw-araw na akong nakasunod sa Prinsipe para sa kaligtasan nito.
Kaya lang parang nang-iinis ang mga ito. Ang bagal-bagal nilang magmaneho. Kaya kailangan ko din bagalin ang pagdrive ko na parang naglalakad lang ako. Yung totoo, ano ang problema ng mga ito?
Malapit na kami sa kanila ng biglang huminto yung sasakyan na sinasakyan ng Prinsipe. At maya-maya lang nakarinig na ako ng putok ng mga baril. Kaya binilisan ko yung pagtakbo ko, papunta sa harapan nila.
At doon nakita ko na naman ang mga tauhan ni Lendi na pinagbabaril yung mga bodyguard ng Prinsipe na nakatago sa likod ng sasakyan at pilit na gumaganti ng baril.
Napatingin ako sa sasakyan kung nasaan ang Prinsipe, at mukhang okay pa naman ito. Bali, dalawa kasi yung sasakyan ang gamit nila ngayon, isa sa harapan para sa mga bodyguard niya at masiguradong maprotektahan ang Prinsipe. At sa likuran nito kung saan nakasakay ang Prinsipe, tapos ako naman ang nakasunod sa kanila.
Maraming tauhan ang pinadala ni Lendi para pagbabarilin sila. Kaya ang ginawa ko, mas binilisan ko ang pagpatakbo ng minamaneho ko at isa-isang sinasagasaan ang mga tauhan ni Lendi na tinagumpayan ko naman. Pagkatapos non, itinigil ko yung motor saka tumingin sa mga natitirang bodyguard niya.
" Umalis na kayo. Ako na ang bahala sa kanila. " sabi ko sa kanila.
" Pero Ms- "
" Umalis na kayo! " sigaw ko. Kaya wala silang magawa kundi sundin ako.
Nang medyo nakalayo na ang sinasakyan nila. Binuhay ko muli ang makina ng motor saka lumapit sa kanila at kinuha yung baril na nakalagay sa paa ko at isa-isa silang pinatatamaan. Hindi ko na hintayin pa na barilin nila ako, dahil kapag nauubos ng bala ang isa kung baril. Agad ko naman kinukuha ang isa ko pang baril sa kabilang hita ko. May baril din ako sa likuran, kaya alam niyo nah. Lagi akong handa.
Nang matapos ko silang lahat, dumiretso na ako sa palasyon. At laking pasasalamat ko na ligtas ang Prinsipe.
" Alex! " sabi ng Reyna ng makita niya ako at dahilan para mapatingin din sila sa akin.
Lumapit sa akin ang Reyna at mukhang cheneck yata lahat ng katawan ko.
" Are you okay? Nasaktan kaba? Bakit ka kasi nagpaiwan. " sunod-sunod na tanong sa akin ng Reyna at halata sa mukha niya ang pag-alala niya.
Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa balikat ko at lumayo ng kunti sa kanya, dahilan para kumunot ang noo niya.
" Dont worry, Queen. Okay lang po ako. Huwag po kayong mag-alala sa akin kaya ko po ang sarili ko. " nakangiting sabi ko sa kanya.
" You hear it, Mom. She is okay. At huwag kayong mag-alala sa kanya, dahil hindi pa naman siya mamatay. Agent yan eh. A liar agent. " malamig na sabi nito sa akin.
Pwede bang umiyak ngayon? Kahit saglit lang.
Lolokuhin ko lang ang sarili ko kapag sinabi kung hindi ako nasasaktan. Pero tang*ina! Ang sakit! Sobrang SAKIT yung sinabi niya.
" Son, stop it. Kung ano man ang ginawa sayo ni Alex noon. Kalimutan mo na yun. " pagsaway sa kanya ng Reyna
Tumingin siya sa akin, at kasabay non ang pagngisi niya.
" Kalimutan? Hindi madaling kalimutan ang taong sinu- "
" Anong nangyari dyan sa noo at bibig mo, Alex? " biglang tanong sa akin ni King dahilan para hindi matuloy ang sasabihin ng Prinsipe.
Napahawak naman ako sa noo ko at kasabay non ang pagngiwi ko. Hindi parin kasi nawawala yung sakit. Idagdag munang hindi pa ito nalilinisan.
Nakangiting nakaharap ako sa kanila, habang ang mga noo nila ay nanatiling nakakunot.
" Aaah.. wala po ito. Napaaway lang ako kay Lendi kanina, King. " nakangiti sabi ko sa kanya.
Pero nanatiling seryuso ang mukha nakatingin sa akin, dahilan para unti-unting mawala yung ngiti sa labi ko.
" Tell us kung anong meron kay Lendi. And tell us kung anong totoong nangyari, Ms. Chavez. " seryuso nitong sabi sa akin, dahilan para mapalunok ako ng sunod-sunod.
Pero wala akong magawa kundi ang sabihin sa kanila kung ano ang nalalaman ko about kay Lendi at kung ano ang talagang nangyari sa school. Ang pagtapon nito sa akin sa pader at kung bakit nagkasugat at noo at sa bibig.
" Oh my God! Are you sure you okay, Alex? Pwede ka naming ipatingin sa doctor at ipalinis yang sugat mo. " sabi sa akin ni Queen.
Umatras ako ng kunti dahil mukha kasing lalapitan ako ni Queen.
" Tulad po ng sabi ng anak niyo, Queen. Okay lang po ako, at malayo po ito sa bituka ko kaya huwag po kayong mag-alala. " sabi ko sa kanya.
" Pero- "
" I'm okay, Queen. Matagal pa bago ako mamatay. " nakangiting sabi ko at napatingin sa dereksyon ng Prinsipe.
Parang tinusok ng maraming karayom ang dibdib ko sa sobrang sakit. Talaga bang wala na siyang pakialam sa akin ngayon?
Wala man lang kasing reaksyon ang mga mata niya ng sinabi ko yun... Isang patunay lang na wala siyang pakialam sa akin.
Nakatingin nga ito sa akin, pero wala namang emosyon ang mga mata. Hindi ko nga alam, kung nag-alala nga ito o may pakialam man lang... Pero sa palagay ko, mukhang wala naman yata doon sa dalawa.. Ang laki ng galit niya sa akin eh.
" Anong plano mo ngayon kay Lendi? " tanong sa akin ni King dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Bago pa man ako makasagot sa tanong niya, napatingin ako sa taong kakapasok lang ng palasyo.
" Good evening, Queen, King...Prince... I'm Eloc, kaibigan ni Agent Micha. " pagbati sa kanila ni Eloc.
Napatingin naman sila sa akin na halatang naguguluhan.. Lumapit ako kay Eloc at umakbay dito.
" King.. Queen... This is Eloc, kaibigan ko. At siya muna ang pasamantalang magbabantay sa Prinsipe. " sabi ko sa kanila.
" Why? Aalis ka? " tanong sa akin ng Queenn.
" Yes! Queen, kailangan ko po kasi makakuha ng inpormasyon kung ano ang kinalaman ng Prinsipe kay Lendi, at kung bakit siya nito gustong saktan. " sabi ko sa kanila.
" Pero Alex, mukhang delikado ang gagawin mo. "
" Delikado man o hindi. Kailangan ko paring gawin, Queen. Para sa kaligtasan ng Prinsipe at parte po yun ng trabaho ko. " sabi ko sa kanya.
Kailangan kung gawin ang bagay na yun, para matunton namin kung saan nagtatago si Lendi at ang ama nito para may lead kami at madali na namin silang mahuli. At isa pa, kailangan din namin alamin ang rason kung bakit gustong saktan nina Lendi ang Prinsipe.
" Akala ko ba lagi ka dapat nasa tabi ko? Bakit parang hindi mo yata ginagawa ng maayos ang trabaho mo, Ms. Chavez. " sabi ng Prinsipe sa akin.
At ano naman ang gustong iparating ng isang toh.
" Huwag po kayong mag-alala, Prince. Nandyan naman si Eloc, para gawin yung trabaho ko at tiyak na magiging ligtas din po kayo sa kanya... At huwag din po kayong mag-alala, nandyan din po ang dalawa ko pang kaibigan para bantayan kayo at ang pamilya mo... At kung may mangyari mang masama sa akin.. wala na kayong pakialam doon dahil parte na yun sa trabaho ko. " sabi ko sa kanya.
Nagpaalam na ako sa kanila at iniwan na doon si Eloc, tumawag narin ako kina Brad at Trank para sa dagdag na bantay nila. Kailangan ko ng tapusin ang trabaho ko para makalayo na ako sa kanya at mawala na tong sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.