Chapter Fifteen

10.7K 282 1
                                    

* Alex POV *

Dinala ako ng kasama ko sa lagi naming tinatambayan kung saan nila dinala yung dalawang taong nanakit sa Papa ko at sa kapatid ko... Talagang maaasahan ko sila, dahil pa wala pang sampung minuto, nahanap na kaagad nila ang dalawang toh.

Pagpasok ko sa loob.. agad na bumungad sa akin ang dalawang lalake na nakatali sa upuan ang kamay at ang mga paa nito. At halos bugbog sarado narin ang katawan ng mga ito.

" Umamin na ba? "

" Hindi parin.. talagang ang tigas ng mga ulo nila. " sabi naman ni Brad sa akin.

Lumapit ako sa kanila na parehong walang malay at pumagitna sa kanilang dalawa.. saka pareho ko silang binatukan ng malakas. Dahilan para magising sila at mapatingin sa amin.

" S-sino kayo? B-bakit kami nandito? Pakawala niyo kam! " galit na sigaw nito, habang nagwawala sa upuan niya.

Sinuntok ko naman siya sa mukha dahilan para tumahimik siya. Maging yung kasama niya na magsasalita pa sana.

" Tumahimik kayo at sagutin ang tanong ko... Kung ayaw niyong pareho ko kayong patayin. " diin kung sabi sa kanila.

Lumayo ako ng kunti at pareho silang tingnan.

" Now! Tell me. Ano ang dahilan niyo para pumasok sa bahay namin at barilin ang Papa ko? " malamig kung tanong sa kanila.

Kita ko yung takot sa mga mata nila. Pero yung isa ay agad ding nawala at nakangising nakatingin sa akin na ikinainit ng ulo ko.

" Mga bingi ba kayo? Kanina ko pa sinasabi na gusto lang naming nakaw- " sinuntok ko siya ulit, dahilan para malasahan niya ang sarili niyang dugo.

" P*t*ng*na k- "

Bago niya pa muling matapos ang sasabihin niya. Sinuntok na naman siya ni Eloc sa sikmura para mapaubo siya ng dugo.

" Gago ka! Huwag na huwag mong mumurahin ang kaibigan namin. Kung ayaw mong matuluyan. " pagbabanta sa kanya ni Eloc.

" Pano na yan, Alex. Mukhang ayaw talaga nila umamin. " sabi ni Trick sa akin na siyang nagmaneho ng sasakyan kanina.

Naikuyon ko ang kamao ko dahil sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon.

Mabilis kung kinuha ang baril na nasa likuran ni Eloc at ganun din kabilis ko binaril sa paa ang lalakeng nagmura sa akin kanina. Dahilan para  mapahiyaw siya sa sakit.

" Ikaw! Sabihin mo sa akin ang totoo. " tanong ko doon sa isa na gulat na gulat na nakatingin sa akin na agad namang pinalitan ng galit at masamang tingin sa akin.


Tahimik lang yung tatlo at hinayaan lang ako sa ginagawa ko.

" Bingi kaba? Sinabi niya ng- "

Muli kung pinaputukan sa isa pang paa ang kasama niya na muling sumisigaw sa sakit. Namumutla naman yung mukha niya, habang nakatingin sa kasama niya na sumisigaw sa sakit.

" Magsalita na kasi kayo. Pinapahirapan niyo lang yung sarili niyo. " sabi ni Brad.

Nasabi sa akin kanina ni Trick, habang papunta kami sa tambayan namin na may hinala silang hindi pagnanakaw ang sadya ng mga ito. Dahil kung magnanakaw man sila.. pwede nila kunin lahat ng gamit namin sa garahe at sa salla na talagang mapapakinabangan pa. Kaya lang base sa kwento kanina ni Allen, naabutan niya itong papunta sa kwarto ko na hindi naman natuloy dahil nakita niya na ang mga ito.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon