Nakangiting isinandal ko ang ulo sa balikat ni Ulap, habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang ko. At ang isang kamay nito ay ginamit para pagsiklopin ang kamay naming dalawa. Hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman sa isat-isa. Dahil ang alam ko lang sa sarili ko, hulog na hulog na ako sa kanya.
" Sleep, gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo doon. " sabi nito sa akin.
Dahil muling nanalo ang player namin sa basketball. Naisipan ng coach nila na bigyan sila ng reward. At ang reward na iyun ay yung makapag-enjoy sila bago ang finals nila. Kaya papunta kami ngayon sa resort na pagmamay-ari nila. Sumama ako dahil alam niyo nah, suspension ako ng ilang araw dahil sa ginawa ko. Pinayagan naman ako ni Papa na sumama para makapag-enjoy naman din ako at thesame time masecure ko rin ang kaligtasan ng Prinsepe.
Napagising ako ng maramdaman ko ang mainit na bagay na dumadampi sa labi ko.
" Kanina pa kita ginigising, pero halik ko lang pala ang nagpapagising sayo. " sabi nito sa akin pagkadilat ko ng mata.
" Because I'm a sleeping beauty. " nakangiting sagot ko sa kanya.
" No! Your not... "
Napasimangot naman ako sa sagot niya. Alam ko namang hindi ako si sleeping beauty at malaki talaga ang pinagkaiba naming dalawa... Dahil mas maganda ako sa kanya...hahahaha...
Pero nakakainis lang! Hindi man lang sumakay sa joke ko!?
Inangat niya yung baba ko para magtama ang tingin naming dalawa. At seryuso itong nakatingin sa akin.
" Because....you are my Michaella. " nakangiti nitong sabo sa akin.
Yung kaninang inis na nararamdaman ko. Ngayon ay napalitan ng kilig, at unti-unting nakapaskil yung ngiti sa labi ko. Idagdag muna yung kilig na nararamdaman ko ngayon, dahil sa lalakeng toh. At ang pagtibok ng puso ko na sa kanya lang tumitibok.
" Baka naman gusto niyo ng bumaba dyan? "
Inalis ko yung tingin ko kay Ulap. At tumingin doon sa taong nasa pinto ng sasakyan. Talagang kita-kita mo sa kanya yung pagiging irretado niya.
" Istorbo. " sabi ko na mas kinasama ng tingin niya sa akin.
Lumabas na kami ni Ulap sa sasakyan, saka kinuha yung mga gamit namin. At sinundan namin si Neon na papasok sa loob ng resort. Pagpasok mo pa lang ramdam muna kaagad yung malamig na hangin at ang kagandahan ng buong resort. Ambiance palang sobrang ganda na.
Pumasok muna kami sa loob ng hotel para mailagay yung mga gamit namin. At talagang laking gulat ko ng malaman kung nasa iisang kwarto lang kami.. okay lang naman yun sa akin eh. Kaya lang-Bahala na nga!
Pagpasok namin sa loob ng kwarto, sobra akong nagandahan at ang laki pa at kumpleto pa sa gamit. Tapos may veranza at kitang-kita mo yung dagat sa labas at sigurado akong makikita mo dito yung paglubog mg araw.
" You look happy. " rinig kung sabi ni Ulap sa akin.
" Because I am. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Inayos ko na yung mga gamit namin, habang siya ay nakahiga sa kama at mukhang magpapahinga yata... Matapos kung mag-ayos, napatingin naman ako sa kanya na mukhang nakatulog yata dahil naririnig ko ang mahinang paghilik nito at mukhang ang himbig na ang tulog nito.
Kaya sinamantala ko yung pagkakataon na ilabas ko yung baril ko at iba pang mga gamit na nakatago sa ilalim ng mga damit ko.
Kailangan kung magdala nito incase na may biglang umatake sa amin at para may laban din kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.