Nasa kalagitnaan na ng gabi ng marininig kung tumunog yung phone ko na nasa tabi ko lang. Bumangon ako at umalis sa kama, bago sinagot yung tawag.
" Yes? "
" Thank God, at sinagot mo rin. "
Parang tuluyan akong nagising ng marinig ko ang boses ni Sheena. Lalo na at may takot na pag-alala sa boses nito.
" Bakit ka napatawag.. may nangyari ba? " kinakabahan kung tanong sa kanya.
" Yung Papa mo sinugod sa hospital.... "
Bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Parang hindi ako makakilos o makagalaw man lang.
" A-anong nangyari sa kanya? "
" Nabaril siya, Alex. At hindi namin.... "
Muntik na akong mapatumba sa kinatatayuan ko, kung walang mga kamay ang sumalo sa akin... Si Papa nabaril? Paano? Paano nangyari yun sa kanya?
" Hey! What happened? " tanong nito sa akin.
Umayos ako ng tayo na inalamayan niya naman, saka ako humarap sa kanya.
" P-pwede mo ba akong samahan? " tanong ko sa kanya.
Kunot noo ako nitong tiningnan, pero agad din naman siyang pumayag. Umalis kami ng palasyo na hindi nagpapaalam sa King at Queen, saka pumunta sa hospital na sinabi sa akin ni Sheena kanina. Sinabi ko rin kay Ulap ang nangyari sa Papa ko, at kahit siya ay nag-alala para dito.
Habang papunta kami sa hospital. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari yun kay Papa. Wala naman akong natandaan na naging kaaway ni Papa. Kahit ako ay wala ding naging kaaway. Kaya sinong gago ang gumawa non sa kanya.
Pagkarating namin sa hospital, agad kung tinungo ang kwarto ni Papa kung saan siya na confine. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko doon si Sheena na niyayakap ang kapatid ko na umiiyak.
" Allen. " pagtawag ko sa kanya.
Agad naman itong lumingon sa akin saka lumapit at niyakap ako ng mahigpit.
" Ate si Papa.... " umiiyak nitong sabi.
Hinagod ko yung likod niya saka napatingin kay Papa na nakahiga sa hospital bed. Kumawala ako kay Allen, saka lumapit sa kanya. Umupo ako sa upuan na malapit sa kanya at hinawakan yung kamay niya. Kusa nalang tumulo ang luha ko ng makita ko ang sitwasyon niya ngayon.
" I'm sorry, Pa. I'm sorry kung wala ako sa tabi niyo nang mangyari sa inyo toh. Kung sana, umuwi nalang ako. Naprotektahan ko sana kayo. " sabi ko habang patuloy na tumutulo yung luha ko.
Naramdaman kung lumapit sa akin si Ulap at hinagod yung likod ko, para patahanin ako.
" Is not your fault, Micha. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. " sabi nito sa akin.
Pinunasan ko yung luha ko at humarap kay Sheena.
" Anong sabi ng doctor? Okay na ba ang lagay ni Papa? " tanong ko sa kanya.
" Maayos na ang pakiramdam ni Uncle. Mabuti nalang, hindi ganun kalala ang tama nito sa tyan niya. Kaya wala ka dapat ikaalala, Alex. " sabi ni dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Napatingin naman ako sa kapatid ko na kanina pa tahimik. At alam kung nag-alala din ito sa kalagayan ni Papa.
" Sabihin mo sa akin kung anong nangyari, Allen. " seryusong taning ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.