Chapter Thirty Two

10.2K 255 6
                                    

Pang-apat na araw na namin dito. At sa pang-apat na araw namin.. wala kaming ginawa lahat kundi ang mag-enjoy lang.

Nagswimming kami at naglaro ng kung ano-ano, at doon ko mas nakilala ang mga basketball players. May iba sa kanila na mabait at may iba rin na masungit. Pero ang karamihan sa kanilang team, talagang pinanganak na mayabang.

Ang sarap nga nilang ilibig ng buhay dahil sa sobra nilang kayabangan. Pero kahit ganun, masaya akong nakilala ko silang lahat.

" Malapit na ang birthday mo Prince Cloud. Anong gusto mong gift namin sayo? " biglang tanong sa kanya ni Zent habang nilalaro yung apoy.

Nandito kasi kaming lahat sa tabing dagat, at lahat kami ay nakapalibot sa bonfire na ginawa ng mga boys kanina.

Napatingin ako kay Ulap na nasa tabi ko lang. Ngumiti lang ako sa kanya ng tumingin din siya sa akin.

" Sapat ng makasama ko lang ang taong mahalaga sa akin. " seryuso nitong sabi.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Dahil nakikita ko sa mga mata niya na para bang ako yung tinutukoy sa nga sinasabi nito?

Ngumiti lang ako at napaiwas sa kanya. May pakiramdam ako na kailangan kung maniwala na ako yung tinutukoy niya sa mga sinasabi niya.

Pero may part sa akin na hindi ko dapat paniwalan ang mga sinasabi niya at ang mga nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko kailangan mag-assume, dahil alam ko sa sarili ko na lahat ng ito ay isang kalukuhan lamang. Isang tungkulin na kailangan kung protektahan ang Prinsipe para sa kaligtasan nito. At labas dito ang kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.

" Where are you going? " tanong nito sa akin ng mapansin niya ang pagtayo ko.

" May kukunin lang ako sa kwarto. "  nakangiting sabi ko sa kanya.

" Sasamahan na kita. "

Tatayo na sana ito ng pigilan ko siya.

" No! Its okay! Babalik naman kaagad ako. " sabi ko sa kanya.

Nang hindi ito nagsalita pa, umalis na ako doon. Pagkapasok ko sa may hotel, agad akong dumiretso sa may elevator ay pinindot yung button papunta sa kwarto namin. Nakarating ako doon at may kinuha lang saglit saka muling lumabas, at naglakad papunta sa may rooftop.

Pagkadating ko doon, nakita ko ang dalawang lalake na bahagyang nakadapa sa may edge ng rooftop, habang nasa mga harapan nito ang dalawang sniper.

" Pati ba naman dito sinusundan niyo parin ang Prinsipe? Hindi ba kayo nasawa sa kakasunod sa kanya? " sabi ko habang nakasandal sa may pader at nakatingin sa kanila.

Gulat na lumingon sila sa akin at talagang sabay pa silang tumayo paharap sa akin. Agad naman nilang kinuha yung baril na nakalagay sa tagiliran nila saka itinutok ito sa akin.

" Sino ka? Bakit alam mo ang pakay namin? " seryuso nitong sabi sa akin.

Umalis ako sa pagkakasandal at dahang-dahang lumakad papalapit sa kanila.

" Is not important kung sino ako... Ang importante ngayon ay kung sino ang nag-uutos sa inyo. " sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa at muling tumingin sa akin. At nakikita ko sa mga mata nila na mukhang wala talaga silang balak sabihin sa akin kung sino ang amo nila.

Napatingin ako sa mga kamay nila na nakahawak sa mga baril at nakatutok sa akin. Nang mapansin kung gumalawa ito, agad kung sinipa ang baril nong isang lalake ng makalapit ako sa kanila dahilan para tumalsik ito sa malayo. At mabilisan kung inagaw yung baril ng isa pang lalake at yun ang itinutok ko sa kanila.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon