Chapter Fourty Six

10.2K 254 3
                                    

Inis na ginulo ko ang buhok ko, matapos kung basahin ang sulat ni Papa na iniwan at ipinatong niya sa ibabaw ng mesa.

Ang aga-aga, ito ang ibinungad nila sa akin. Ano ba ang naisipan nila ng kapatid ko para iwan akong mag-isa sa bahay? At ano ang gusto nilang mangyari.. isiksik ko yung sarili ko sa isang tao?

Tang*na! Talaga bang pinapahirapan nila ako ng husto.

Inis kung itinapon yung papel na hawak ko at saka pumasok ulit sa kwarto. Naligo at nagbihis lang ako saka umalis ng bahay.

Sa school nalang ako kakain, dahil useless lang din naman kung magluluto pa ako. Eh, wala din namang kakain ng luto ko dahil iniwan ako ng magaling kung ama at kapatid ng mag-isa sa bahay. At hindi ko alam kung saan sila pumunta o babalik ng bahay. Bahala sila dyan, kaya naman nila ang sarili nila.

Pagpasok ko sa school, lahat ng tao napapatingin sa akin. Sa bawat daan ko sa kanilang harapan, talagang sinusundan nila ako ng tingin. Alam kung alam na nila kung sino ako at ginawa ko sa Prinsipe nila. At sa lahat ng nangyari, ngayon lang ako pumasok ulit.

Hindi ko alam na ganito pala ang pang welcome nila sa akin. Wala man lang bang thank you, dahil sa ginawa kung pagprotekta sa Prinsipe nila?

Deritso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa room. Nagulat pa nga sila ng bigla nalang akong pumasok.

May ibang iwas na tumingin sa akin, pero yung iba lalo na yung mga babae. Sobrang sama ng tingin sa akin na akala mo sila yung niloko ko? Kung sa bagay, Prinsipe nila ang sinaktan ko... Pero nasaktan din nama ako diba?

Tahimik lang akong nakaupo doon at hinihintay na pumasok yung guro namin. Mga ilang sandali lang, pumasok na ito at mukhang hindi talaga nila inaasahan na papasok ako ngayon.

" M-Ms. Chaves. Your back. " gulat pa nitong sabi.

" Mahaba-haba na kasi yung pahinga ko, Ma'am. Kaya kailangan ko ng pumasok. " sabi ko sa kanya.

Tumango lang ito, saka sinimulan niya na ang pagdidiscuss. Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko. At hindi pinapansin ang pagsulyap ng guro at iba pang mga kaklase sa akin.

Matapos ang klase nauna na akong lumabas sa guro namin, dahil naramdaman ko ng kumukulo yung sikmura ko. Kaya kailangan ko ng kumain ngayon.

Hindi pa man ako nakakalapit sa may cafeteria ng may biglang humila sa akin. Pagtingin ko, walang iba kundi ang Prinsipe nila. Kaya malakas kung hinila ang kamay ko, dahilan para mapatigil siya.

" What do you think your doing, Prince? " seryuso kung tanong sa kanya.

Pero ngumisi lang ito at muli sana itong hahawakan ang kamay ko na agad ko namang inilayo sa kanya. Dahilan para sumama ang tingin nito sa ako at humakbang ito papalapit sa akin, at napaatras naman ako sa ginawa niya.

" You come with me. " seryuso nitong sabi sa akin.

" P-paano kung ayaw ko? " sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam, pero parang bigla akong kinabahan ngayon dahil sa kanya. Mas lalo pa akong kinabahan ng ngumisi ito.

" Then, wala kang magagawa kundi sumama sa akin. " sabi nito at hinila ako ng mahawakan nito ang kamay ko.

Pilit ko itong binabawi sa kanya, pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Dahilan para hindi ko ito mabawi, hanggang sa makarating kami sa hideout nila dito.

Nagulat ako ng makita kung nandon silang lahat. Yung teamates ko at sina Zent at Neon. Hindi lang yun, marami ring nakahain na pagkain sa mesa. Dahilan para bigla akong matakam.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon