Chapter Twenty Nine

10.4K 267 3
                                    

Paglabas ko sa office ng Queen, nagulat ako ng may biglang humila sa akin. Pagtingin ko si Ulap lang pala.

" Are you okay? Pinagalitan kaba nina Mommy? May sinabi ba silang hindi maganda? Sinaktan kaba nila? " sunod-sunod na tanong nito sa akin.

Napangiti naman ako sa kinikilos niya ngayon. Kahit na wala talaga kaming totoong relasyon na dalawa. Nakikita ko naman na nag-alala siya sa akin. Yun nga lang, hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng  pinapakita niyang kabutihan sa akin. Kung pareho ba kami ng nararamdaman sa isat-isa.

" Dont smile, Michaella. Just answer my f*cking question! " inis nitong sabi sa akin.

Gusto ko sanang tumawa, kaya lang baka mag-aalburoto na naman ito sa galit. Kaya ang ginawa ko nalang, lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinatigil niya naman. Saka tumingin sa kanya na halos magkalapit na yung mukha naming dalawa.

" I want to eat. " paglalambing na sabi ko sa kanya.

Lumambot naman ang mukha nito, habang nakatingin din sa akin. Napasinghap pa ako ng hawakan ako nito sa bewang.

" Where do you want to eat? " tanong nito sa akin.

" Sa cafeteria nalang. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman ito saka ako nito hinalikan sa noo. At sakto namang bumukas yung office ng Queen, dahilan para makita nila yung paghalik sa akin ni Ulap sa noo. At ang ikapula ng mukha ko dahil sa hiya.

" Ehem!...Alam niyo bang pinagbabawal sa school ang pagiging PDA dito. " rinig kung sabi ng Queen.

Agad namang akong lumayo kay Ulap at nakayukung humarap sa kanila. Talagang dobbleng hiya ang nararamdaman ko ngayon. Dahil kanina lang, alam nila yung nararamdaman ko para sa anak nila. Tapos ngayon, mahuhuli nila kami sa posisyon na yun.

" I-I'm sorry, Queen. Hindi na po mauulit. "  nahihiyang sabi ko sa kanya.

" Abat dapat lang. Dahil malilin- "

Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumingit si King.

" Hayaan muna sila, wife. Ganyan din naman tayo noon diba? " nakangiting sabi sa kanya ni King dahilan ng ikapula ng mukha nito.

Napatingin naman ako kay Ulap na ngayon ay napapailing nalang habang nakatingin sa mga magulang niya.

" Pwede na ba kaming umalis, Mom? At para narin hindi kami makakais-Araay....Mom! " biglang sigaw nito ng pikutin siya ng Queen sa may tenga.

Napangiti naman ako sa nakikita ko ngayon. Dahil parang ngayon lang ako nakakita ng mga royal family na ganito ang inaasta sa isat-isa.

" Dont smile, Michaella. " sabi nito sa akin.

" Tsk! Pinagbabawal na bang ngumiti ngayon? " medyo inis kung sabi sa kanya.

Napatingin ako kina Queen na ngayon ay nakakitang tumingin sa akin, maging si King. Dahilan para bumalik yung hiya ko. Bakit pa kasi umamin ako kanina? Yan tuloy parang hindi na tuloy ako mapakali sa ruwing kaharap ko tong mga magulang ni Ulap.

" Nga pala, anak. Kakain ba kayo? Bakit hindi nalang kayo sumabay sa amin? " tanong sa kanya ng King.

Napatingin naman sa akin si Ulap na mukhang nagpapaalam pa.

" Its okay with you? " tanong nito sa akin.

" Oo naman! Mas masaya kung marami tayong kakain. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Sa may cafeteria lang din kami kumain, dahil yun ang gusto ng Queen. Sayang lang daw kasi sa oras kapag lumabas pa kami at doon kumain. Kaya mas pinili nalang namin na dito kumain na sinang-ayunan naman namin lahat. Kaya ang ending. Lahat ng tao sa cafeteria sa amin napatingin. Lalo na sa akin. Paano ba naman kasi, sino ba naman ang hindi mapapatingin sayo kung kasama mo ang tatlong royalties sa bansa na toh diba? Pero wala akong pakialam kung nakatingin silang lahat sa akin at kung ano man ang iisipin nila. Basta ang mahalaga, kasama ko ang taong mahal ko.

Nang dumating na yung order namin, sabay-sabay naman kaming kumain na apat. Wala si Clay, dahil may klase pa yata ito. Siguro maya-maya darating na yun.

" You know what. Malayo sa expectations ko ang pagpapanggap niyong dalawa magfake fiance. Parang daig niyo pa yung totoong magjowa sa mga pinapakita niyong kilos na dalawa. "

Pareho kaming napatigil na dalawa ni Ulap ng sabihin yun ni Queen. Bakit? Ganun ba talaga kami? Diba yun naman dapat? Ang magkunwari sa harap ng maraming tao. Para hindi kami mahalata na dalawa.

" I see it too, wife. Umamin ka nga sa amin, anak. May nararamdaman kaba dito kay Alex? "  deritsang tanong ni King sa anak niya.

Napayuko naman ako dahil sa biglang pagtanong ni King. Alam niya namang mahal ko yung anak niya. Kaya bakit kailangan niya pang tanungin ng ganung bagay ang anak niya?

Pero doon lang ako nakahinga ng maluwag ng dumating na si Clay, kasama ang iba pang team namin sa tennis. At malaki ang pasasalamat ko na dumating sila, dahil hindi ko kayang marinig ang kung ano man ang sasabihin ni Ulap.

Napatingin ako kay Queen ng maramdaman kung nakatingin siya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya na ikangiti niya rin, pero nababasa ko sa mga mata yung lungkot at awa na hindi ko alam kung bakit yun ang nararamdaman niya. Hindi naman  ako umaasa na masusuklian ang nararamdaman ko para sa anak nila. Dahil noon palang, alam ko ng masasaktan din naman ako, na ako din naman ang masasaktan sa huli.

" Hi! Mom, Dad. " bati ni Clay sa mga ito. At ganun din sina Angel na binati rin ang King at Queen.

Tumabi ng umupo si Clay kay Queen, habang si Angel at ang dalawang lalake at tumabi ng upo sa amin. Mahaba- haba din kasi ang mesang kinuha namin.

" Ano ba ang pinag-uusapan niyo kanina, Mom. Para kasing ang seryuso ng mga mukha niyo kanina. "  tanong ni Clay sa kanya.

" Nothing, bunso. Sinasabi lang namin sa kuya mo na bilisan niya ang pagbigay ng apo sa amin. Dahil hindi na kami bumabata. " nakangising sabi ni Queen sa anak niya.

Parang gusto ko na talagang lamunin ako ng lupa ngayon. Kung kanina okay pa, dahil kaming tatlo lang yung nakakarinig. Pero ng sabihin nila yun sa harap ng anak nila at sa harapan ng mga kateamates ko? Talagang sobrang nakakahiya! At sigurado akong pulang-pula na naman ang mukha ko ngayon.

" Talaga Mom! Kung ganun, Kuya. Bilisan niyo na ang pagbuo ni Ate Alex, para magkaroon na ako ng pamangkin. " deristong sabi ni Clay, na mukhang mana talaga sa tatay niya.

Napatingin ako kay Ulap ng umangat ito ng tingin at tumingin sa akin. Bago tumingin sa pamilya niya.

" Masyado kayong excited na tatlo. Hindi ko pa nga napapakasalan si Micha. "

Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya. At kinurot siya sa tagiliran. Dahil kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig niya. Magpamilya nga naman oh! Hindi ba nila alam na kanina pa ako hiyang-hiya dito? Pero may part sa akin na kinilig ako sa sinabi niya. At may part din na nalulungkot at nasasaktan ako. Dahil sigurado akong may magbabago, kapag nalaman niya ang totoo tungkol sa akin. At ang motibo ko kung kailangan kung magpalapit sa kanya.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon