Chapter Eigthten

11.4K 277 6
                                    

* Authors POV *

Lahat ng tao sa loob ng gym ay gulat na gulat sa ginawang eksena ni Alex sa loob ng court. Hindi sila makapaniwala na ganun nalang kabilis na makuha ang bola sa kamay ng isa sa magagaling na basketball player sa kanilang school. Pero ang talagang mas kinagulat ng lahat ay ng makita nila kung paano hinalikan ng isang Prinsipe si Alex sa kanilang harapan. Lalo na sa muling paghalik nito na mas matagal pa sa unang halik na ibinigay nito.

Hindi sila makapaniwala na kaya yun gawin ng Prinsipe, lalo na at alam nito kung ano ang mangyayari sa ginawa nila ngayon.

Matapos ang ginawang eksena ng dalawa, ay ngumiti lang si Alex kay Cluod saka ito pumasok sa loob ng court dala ang bola habang ito ay dinidriball... Nagtataka naman ang mga manunuod sa muli niyang pagpasok sa gitna ng court, lalo na yung naglalaro kanina ng basketball.

" Ikaw! Hindi porket fiance ka ng Prinsipe ay pwede ka ng mangialam. " maangas na tanong sa kanya nong isa.

" Hindi ako nangingialam dahil sa fiance ako ni Prince Cloud? Nangingialam ako dahil sa mga teammates ko. "  sabi nito saka tumingin sandali kina Ethan at Lance at muling ibinalik ang tingin sa taong nasa harapan niya.

" Bakit? Ano ba ang problema mo sa ginagawa namin? " tanong nong isa na kinainis niya.

" Malaki! At gusto ko isali niyo ako sa laro niyo. " seryuso nitong sabi sa kausap niya.

Nagkatinginan naman yung mga basketball player at sabay-sabay na tumawa, dahilan para mainsulto siya.

" Nagbibiro kaba? Babae ka! At hindi mo ba nakikita yung paraan ng paglaro namin? Kahit na sumali kapa, matatalo parin kayo. " mayabang nitong sabi.

Napangisi nalang si Alex sa sinabi nito. Dahil wala pa man, nagyayabang na ito. At talagang nakakasigurado ang mga ito na sila ang mananalo.

" Ang yabang mo din noh? Bakit hindi nalang kaya natin subukan ang galing niyo? Dahil kahit lima kayo, at tatlo lang kami? Matatalo parin namin kayo. " nakangisi nitong sabi.

Natahimik naman yung lima sa sinabi niya. Dahil parang nararamdaman ng mga ito na totohanin nito ang sinabi niya.

" A-Alex, hindi mo naman kailangan sumali dito. " sabi ni Ethan sa kanya.

" Tama siya, Alex... Okay lang kami. " sabi naman sa kanya ni Lance.

Tiningnan sila ng masama ni Alex, dahilan para tumahimik silang dalawa. Hindi pa nila gaanong kakilala si Alex, at nakakasama lang nila ito sa tuwing may practice sila. Pero alam nila na seryuso ito sa mga sinabi niya. At kagaya sa laging nangyayari sa praktise nila. Kailangan masunod ang mga sinasabi nito.. kung hindi.. may malalagot.

" Fine! Pero kung mananalo kami.. ano ang ipupusta niyo? " nakangisi nitong tanong sa kanila.

Sa lahat ng mga sinabi nito, yun ang pinakagustuhan ni Alex... Ang pusta! Mas lalo kasi siyang ganahan maglaro, kapag may pusta.

" Ang teamates ko. " nakangiti niya ang sabi sa kausap niya. " Pwede niyong iutos lahat sa kanila kapag nanalo kayo.. and vice versa. " nakangiti parin nitong sabi.

Agad namang pumayag ang kabilang team na animoy talagang nagustuhan ang pusta niya. Na akala mo may masamang binabalak ang mga ito sa kanila kapag sila ang nanalo.

Nagsimula na ang laro nina Alex. Alam niyang hindi ganun kadaling talunin ang mga basketball players, dahil bihasa na ito sa paglalaro.. sa paghawak at pagshoot ng bola sa ring.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon