Ipinatong ko yung dalawa kung paa sa ibabaw ng mesa habang nakasandal yung katawan ko sa may sandalan ng upuan at binend ito ng kunti, saka inalagay yung dalawa kung kamay sa likod ng ulo ko.
Kagigising ko lang at kakatapos ko na maligo at mag-ayos, nainom ko narin yung gamot ko at humigop ng mainit na sabaw para mawala yung sakit ng ulo ko na effective naman.
Kaya lang inaantok parin ako... Ikaw ba naman ilang araw walang maayos na tulog dahil sa kakasubaybay mo sa pesteng Lendi na yun. Hindi ka aantukin?
Kababalik ko lang kasi kahapon, galing sa pagsunod ko kay Lendi. Para makakuha ng kunting inpormasyon at hindi naman ako nabigo. Sa halip kasi na sa bahay ako dumiretso kagabi, eh sa birthday party ng Prinsipe ako tumuloy. Gusto ko siyang makita, miss na miss ko na kaya siya.
Kaya lang mukhang hindi niya ako na miss. Pero okay lang, sapat na sa akin na makitang siyang masaya.
Muntik na akong matumba ng tumunog yung phone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Inis ko itong kinuha at sinagot ang walanghiyang taong tumatawag sa akin ngayon.
" Ano ba ang kailangan mo? Hindi mo ba al- "
" Alex, may problema tayo. "
Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi nito. Idagdag mo ng bigla akong nakaramdam ng kaba dito.
" Anong problema, Brad? " tanong ko sa kanya na siyang tumawag sa akin ngayon.
" Hindi ko alam kung paano toh sabihin... Pero Alex, sorry! Nakuha nila ang Prinsipe. " sabi nito.
Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sinabi niya. At dahilan para mas domoble ang kabang nararamdaman ko ngayon.
" Paano nangyari yun, Brad!? " galit na sigaw ko sa kanya.
" Mas mabuti pang pumunta ka dito sa palasyo, Alex. Dito ko sasabihin sayo kung ano ang nangyari. " sabi nito sa akin.
Mabilis akong umalis sa may talyer at pumasok sa bahay at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko para kunin yung gamit ko saka yung susi ng motor ko.
Nakasalubong ko pa si Papa paglabas ko ng bahay. At kita ko sa mga mata niya ang pagtataka nito kaya sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari. Matapos kung sabihin sa kanya yun, sumakay na ako sa motor at mabilis na minaneho ito papunta sa palasyo.
Agad akong pumasok sa palasyo pagkarating ko. At naabutan ko silang lahat doon, maging si Queen na umiiyak na pilit pinapakalma ni King. Napatingin naman sila sa akin, dahilan para lumapit si Queen sa akin. At hinawakan ang dalawang kung kamay, habang nagmamakaawang tumingin sa akin.
" Alex, please help us.. help us to get my son, back... I'm begging you, Alex. Get my son back. " nagmamakaawa nitong sabi habang patuloy na umaagos yung luha sa mga mata niya.
Parang biglang sumikip ang dibdib ko at sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Kung hindi sana ako umalis kanina at kung sana ginawa ko ng maayos ang trabaho ko. Hindi sana ito magkakaganito ngayon, hindi ko sana makikita ang Queen na umiiyak at nagmamakaawa sa harapan ko.
Its all my fault.
Inalis ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin.
" Huwag kayong magmakaawa sa akin, Queen. Dahil responsibilidad ko ang buhay ng Prinsipe. At kahit na hindi niyo sabihin sa akin, talagang ibabalik ko ang anak niyo dito, dahil yun ang trabaho ko. " sabi ko sa kanya.
" Thank you, Alex. " sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka lumapit kina Brad at Trick, kasabay non ang pagsuntok ko sa sikmura nilang dalawa dahilan para mapadaing sila.
" I told you na bantayan niyo ng maayos ang Prinsipe! Tingnan niyo tuloy ang nangyari! " galit na sabi ko sa kanila.
Napatingin naman sa akin si Brad, habang nakahawak parin sa tyan niya at talagang kita mo sa mukha nilang dalawa na nasaktan sila sa ginawa ko. Hindi naman yun gaano kalakas ang pagsuntok ko sa kanila eh. Sadyang ang O.A. lang talaga nila.
" Bakit kailangan manuntok kaagad? Hindi ba pwedeng mag-explain muna kami sayo. " inis na sabi ni Brad sa akin.
inamaan ko lang siya ng tingin, dahilan ng mas lalo nilang kinainis.Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, habang sinasabi sa akin kung bakit nakuha nila ang Prinsipe. At ang mga gago, hindi man lang tumawag ng back-up o sa akin para matulongan ko sila dahil natambakan pala sila ng mga tauhan ni Lendi. At ang nakakainis pa, wala man lang silang pinasamang kahit isang mga bodyguard. Dahil ang sabi nila, kaya naman nilang protektahan ang Prinsipe. Pero anong nangyari? Nakuha parin nila ito.
At bakit kailang pa nilang pumunta ng bahay namin? Anong gagawin nila don?
Kung kailangan man sila sa akin. Dapat tumawag nalang sila, at hindi na kailangan pang pumunta sa bahay namin. Tingnan mo tuloy ang nangyari.
" Si Eloc nasaan? " tanong ko sa kanilang dalawa.
" Pumunta kaagad sa school niyo nang mangyari yun, para bantayan si Prince Clay. Kasama niya din ang ibang bodyguard para siguraduhing ligtas ang mga estudyante don. " sabi sa akin ni Brad.
Tumingin ako kag Trick na masama parin ang tingin sa akin. Pero wala akong pakialam.
" Trick, maiwan ka dito. Bantayan mo sina Queen at King, siguraduhin niyong walang makakapasok na kahit sino mang tao dito. And you make sure na ligtas ang lugar na ito. " sabi ko sa kanya.
" Got it, Agent Micha.. alam mo namang wala makakaligtas sa akin. Kaya huwag kang mag-alala, ligtas sila sa akin. " nakangisi nitong sabi sa akin.
Ang yabang talaga, siguraduhin niya lang na matutupad niya ang sinasabi niya. Dahil kung hindi, patay talaga siya sa akin.
" And Brad, sumama ka sa akin... Susugod tayo sa lungga ng mga kalaban. " nakangising sabi ko sa kanya.
" Siguradong magiging masaya toh. " excited nitong sabi sa akin.
Napatingin ako kina Queen na kanina pa nakikinig sa usapan namin. At kita ko sa mga mukha nila na para bang hindi sila makapaniwala na nakikita nila sa akin ngayon. Na nagbibigay ako ng utos sa mga kasama ko.
" King.. Queen, aalis na muna kami. At huwag po kayong mag-alala, ibabalik ko po ng buo ang anak niyo dito. " sabi ko sa kanila.
" Thank you, Alex. But, mag-iingat din kayo. Alam kung hindi biro ang gagawin niyo. Kaya bilang Hari ng bansang ito, inuutasan ko kayong bumalik ng buhay sa palasyo. " seryusong sabi nito sa akin.
Yumuko ako ng kunti saka tumingin sa kanya.
" Hindi man namin maipapangako ang bagay na yan King. Pero isa lang ang maipapangako namin sa inyo. Yun ay ibalik ang anak niyo ng buhay dito sa palasyo. " seryusong sabi ko sa kanya.
Nagpaalam na kaming umalis na kami dahil medyo mahaba-haba pa ang byahe namin. Responsibilidad ko ang Prinsipe, kaya ibabalik ko siya ng buhay dito kahit na buhay ko pa ang kapalit.
BINABASA MO ANG
Prince Protector
ActionProtect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit na buhay niya pa ang magiging kapalit. Lalo na at ito ang susunod na taga pagmana ng Royal Family.