Chapter Nine

11.7K 315 2
                                    

Maaga akong nagising hindi dahil sa may pasok ako. Napaaga ako ng gising dahil sa ingay ng kapatid ko... 6:00 am palang ng umaga.. binubulabog na yung pinto ng kwarto ko. Kaya ito ako ngayon.. nakabusangot papasok sa kusina.

" Good morning, Ate. " nakangitinig bati nito sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya lang.

" Umupo kana at kumain... May ipapaliwanag kapa sa akin. " napatingin ako kay Papa.. ang aga-aga nagseseryuso.

Kahit nagtataka man.. hindi nalang ako ngasalita at umupo nalang at nagsimula na ring kumain... Tinapay, itlog at hotdog lang yung kinain ko. Hindi naman kasi ako mahilig kumain ng kanin tuwing umaga.

" Pa, anong sinabi niyong may ipapaliwanag pa ako sayo? "  nagtataka kung tanong sa kanya.

Sa halip na sagutin yung tanong ko.. inabot niya sa akin yung dyaryong hawak niya. Kinuha ko naman ito para tingnan kung ano ang gusto niyang ipakita sa akin... Pero ganun nalang ang pagkalaki ng mata ko ng mabasa at makita ko ang nakalagay doon.

" Paano mo sa akin maipapaliwanag ang bagay na yan ha.. Alexis Michaella! "

Sunod-sunod naman akong napalunok ng marinig ko ang nakakatakot na boses ni Papa... Kahit si Allen, ay napatigil sa pagkain.

Hindi ako natatakot sa mga taong nakaaway ko... Pero takot ako kay Papa kapag nagiging seryuso siya.

" K-kasi Papa- " hindi kuna natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit.

" Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Alexis... Ikaw ba ang humalik sa kanya? " seryuso parin nitog tanong sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumango. Pero agad din akong napapakit ng umangat yung kamay niya para sampalin ako. Pero lihim akong napangiti ng binatukan niya lang ako. Mas maganda na yun, kaysa sa sampalin ka.

" Hindi kuna talaga alam ang gagawin ko sayong bata ka! Okay lang sa akin na makipagbugbogan ka dyan sa labas.. dahil alam kung kaya mo ang sarili mo... Pero ang halikan ang Prinsipe, Alexis? Isang pagkakamali yun! " galit nitong sabi.

Bakit kasi ang bilis ng balita? Yan tuloy maaga din akong napagalitan... Yung paghalik ko kasi kahapon kay Ulap ay nasa dyaryo na, kaya malamang kalat na yung ginawa ko.

" I'm sorry Pa. Alam niyo naman po na winasak ng schoolmate ko ang bike ko. At nadala lang ako sa galit ko kaya nagawa ko yun. " sabi ko sa kanya.

" Nadala? Ang sabihin mo.. baliw ka lang talaga, Ate. Prinsipe yung hinalikan mo, hindi na normal na tao lang? " inis ring sabi nong kapatid ko.

Kung batukan ko kaya siya? Nangingialam eh.

" Sigurado akong may mangyayari dahil
sa ginawa mo. " nag-alalang sabi ni Papa.

Tumayo ako at lumapit sa kanya saka siya niyakap mula sa likuran niya.

" Dont worry, Pa. Kung ano mang pinasukan kung gulo? Ako ng bahala don... Kaya kuna ang sarili ko. " paglalambing ko sa kanya.

Walang kinalaman sina Papa dito, kaya dapat lang na harapin ko itong mag-isa kung ano man ang mangyayari.

Matapos kung kumain at nag-ayos ng sarili, umalis na ako ng bahay at pumasok na sa school... Lumakad lang ako papuntang school.. at wala akong pakialam kung marami mang nakatingin sa akin lalo na yung mga kababaihan na sobrang sama kung makatingin sa akin. Kulang nalang dukutin ko yung mga mata nila para hindi na nila ako tingnan.

Hindi pa man ako nakakaabot sa gate ng school namin ng mapahinto ako ng makita ko ang raming reporters na nakaabang sa labas ng gate na parang may hinhintay yata? Dahil ayaw kung makipagsiksikan sa rami ng mga taong naruon para lang makapasok sa loob ng campus... Sa likod ako dumaan at inakyat yung pader para lang makapasok ako. At talagang sinisigurado ko na walang may nakakita sa ako.

" Bitch. "

" Slut. "

" Gold digger. "

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung mga pinagsasabi nila. At kahit hindi ko man sila nakita.. alam kung nakatingin sila sa akin at ako yung tinutuloy nila... Kaya lumapit ako sa mga chismosang nagbubulongan na rinig ko naman. At talagang nagulat pa sila ng makitang nasa harapan ko sila? Ngumiti ako sa kanila bago ako magsalita.

" Alam niyo girls... Hindi ako marunong manampal.. pero nanununtok ako. Kaya kung ako sa inyo? Itikom niyo yang mga bibig niyo kung wala naman kayong magandang sasabihin? " nakangiti ko paring sabi sa kanila at inilapit ko yung mukha ko sa harapan nilang tatlo. " Kung ayaw niyong burahin ko sa mundo yang mga pagmumukha niyo. " pananakot ko sa kanya na epektibo naman dahil namumutla yung mukha nila.

Umalis na ako sa harapan nila dahil baka naging kasalanan ko pa kung bakit bigla nalang sila mawalan ng malay dyan.

Pagpasok ko sa loob ng room.. lahat sila napatingin sa akin lalo na si Linde na halos kulang nalang ay patayin niya ako sa mga titig niya. Ngumisi lang ako sa kanya na mas lalong kinasama ng tingin niya sa akin.

* Cloud POV *

Napahilot ako sa sinsetibo ko ng makitang maraming mga reporters ang nakaabang ngayon sa labas ng school namin.

I hate reporters... But, because of that girl!

Siya ang dahilan kung bakit marami na namang reporters ang nakaabang sa amin. At dahil yun sa ginawa niya kahapon.

" Ano na ang gagawin mo? Kalat na social media ang nangyari kahapon. " sabi ni Zent.

" Kakaiba din kasi ang babaeng yun... Hindi ko akalain na kaya niyang halikan ang Prinsipe sa harap mismo ng maraming tao? " sabi naman ni Neon.

No! She is crazy... Ano ang pumasok sa isip niya para gawin ang bagay na yun?Talagang nagulat ako sa ginawa niyang paghalik sa akin kahapon. At talagang hindi ko inaasahan ang bagay na yun... Dahil sa lahat ng babaeng nagkagusto sa akin? Wala pa ni isa ang gumawa non.. dahil alam nila ang mangyayari kapag ginawa nila yun. Pero yung babaeng yun.. alam kung ginawa niya lang yun para kay Linde. Pero hindi man lang nito naisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya dahil sa ginawa niya?

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng pantalon saka sinagot yung tawag.

" Hel- "

" -Go to my office! NOW! " galit nitong sigaw at pabagsak na pinatay yung phone.

I sighed... Alam kung mangyayari ito. Ibinalik ko sa bulsa ko ang phone at tumingin sa dalawang tao na nasa harapan ko.

" Sa lakas ng boses ng Reyna.. siguradong galit na galit ito. " sabi ni Zent.

" I have to go. " sabi ko sa kanila.

Lumabas na ako don at pumunta sa office ni Mommy, dahil malamang. Alam na nito ang nangyari kahapon. At siguradong galit ito.

Prince ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon