CHAPTER 31

843 26 17
                                    

This Chapter is dedicated to @Marrich_11 (Dahil alam kong galit ka kay Bettina, gagalitin ka pa niya😂) Enjoy reading!😘

          

HULING nagising si Armand sa umaga, pagkababa niya ay bumungad sa kanya ang ingay at tawanan sa kusina. He curiously frowned and headed to the kitchen. To his surprise, it was Carrie, taking her breakfast together with Bettina and his parents. Na sobrang tuwang-tuwa lalo na si Don Anselmo sa pagka-bibo ni Carrie.

"Alam mo, naalala ko tuloy si Armand nung bata pa. Kapag tinutukso ng mga ka-klase niya na lampa ay nanununtok kaagad." Natatawang kwento ni Don Anselmo matapos mai-kwento ni Carrie ang tungkol sa pang-aasar ng mga kaklase niya sa kanya. They been having a long time conversation awhile ago.

"But that's bad Anselmo. Huwag na huwag mong uulitin iyon Carrie. You're a girl and should act like a princess." Pahayag naman ni Donya Margaret.

"Hindi ko na po talaga gagawin yun, kasi may papa na ako. Hindi na nila ako tutuksuin.” Kaagad namang sagot ni Carrie na ikinatuwa lalo ni Donya Margaret.

"Oh I like that one." Sagot ni Donya Margaret.

Napangiti si Armand. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng makitang gustong-gusto ng kanyang mga magulang ang anak niya.

"You're having fun..." He suddenly said, doon lang napabaling ang atensiyon sa kanya ng lahat.

"Papa!" Carrie run towards her father and she hug him. "Good morning po Papa."

He smile as he carried her. "Good morning too, baby..." He kissed her forehead, saka niya ito pinaupo ulit.

"Oh... That's so sweet apo." Ani Donya Margaret.

Armand greeted bettina beside him as he seat on the dinning chair.

Carrie suddenly whispered on his father's ear na ikinataka ng kanyang lolo at lola. Armand chuckled. "Of course, you can swim anytime. But finish your food first." Sagot niya rito.

"O bakit apo?" Donya Margaret asked.

Carrie shyly move closer to her father. Natawa na lamang si Armand. "She wants to swim in the pool."

"Oh... Of course hija! Your Lolo and I will join you later." Sagot naman ni Donya Margaret.

"Talaga po!?"

"Yes of course!"

Tumango-tango naman si Don Anselmo bilang pag-sang-ayon.

     

DAHIL sa pagka-wili ni Carrie na maligo sa pool ay hinayaan ito ni Armand.

"Papa sama kana po sa amin." Kanina pang pag-aaya nito habang patungo na sila sa pool area kung saan nandoon na ang kanyang lolo at lola may kanya-kanyang sun lounger.

"Mamaya na ako sasama anak, kailangan kong bumisita ngayon sa hacienda." He said as he brought Carrie in the pool, naka-suot na ito ng pambatang bathing suit. Habang si Armand ay bihis na bihis na at handa ng umalis.

"Hacienda? Ano po yun Papa?" She curiously asked.

"Malalaman mo kapag naisama na kita doon."

"Kailan mo po ako isasama?"

"Next time. Sa ngayon, dito ka muna sa lolo at lola mo, okay?" Bilin niya rito.

She nodded and bid a kiss on her father before he leave. Matapos mag-paalam ni Armand sa magulang at sa asawa na nasa living roon nanonood ng programa sa TV ay saka na umalis si Armand.

TUWANG-TUWA ang mag-asawa sa ka-daldalan at pagka-bibo ni Carrie habang palutang-lutang ito sa ibabaw ng salbabida sa 5ft. area ng swimming pool.

"Lolo hindi po ba kayo marunong lumangoy?" Tanong nito nang mapansin niyang siya lamang ang nasa tubig habang naka-upo sa gilid ng pool ang kanyang Lolo Anselmo habang binabantayan siya.

Natawa si Donya Margaret na nasa sun lounger nanonood sa kanila.

"Naku kung naabutan mo lang ang kabataan ko, ako kaya yung best swimmer sa school namin." Pag-mamayabang nasagot ng kanyang Lolo.

"Talaga po?"

"Oo naman."

"Bakit hindi pa kayo lumalangoy?" Pangungulit na tanong nito.

Natawa ito. "Alam mo kasi hija, tumatanda na ang lolo mo... Sumasakit na ang mga balakang kapag kumikilos ng malakas."

"Ganun po ba lolo.."

HALOS walang kapaguran at enjoy na enjoy sa pag-lalangoy si Carrie, kung hindi pa ito tinawag ni Manang Linda para mag-meryenda ay hindi pa ito aahon.

Pagkatapos nitong magmeryeda ay nag-paalam ito sa kanyang Lolo at Lola na magtungo sa banyo dahil naiihi na raw siya.

She headed to the kitchen where Manang Linda assisted her to the comfort room, saka siya nito iniwanan.

When she's done, Carrie get out and saw her Tita Bettina drinking a glass of cold water from the ref.

"Tita! Sama po kayo sa amin, ang saya po maligo sa swimming pool!" Pag-aaya niya dito.

She suddenly faced her and put the glass on the counter table. "Palibhasa, ngayon ka lang naka-ligo sa ganitong lugar." She chuckled sarcastically.

Bigla tuloy nawala ang mga ngiti ni Carrie. "Naliligo nama kami ni Mama, sa beach..  Kapag nag-a-outing kami."

"Well, iba parin iyon... If I know, that beach you're talking about is cheap as your mother. Hindi katulad dito sa swimming pool namin, we have a high class kind."

Napakunot-noo si Carrie. "Okay lang po." She was about to run back to the pool ng pigilan siya nito.

"Hey! Where are you going Carrie?" She quicky get her wrist.

"Babalik na po ako, ayaw niyo naman sumama sa amin." Biglang takot na ekspresyon niyang sabi.

Bettina squat infront of her. She raised her left eyebrow at her bago niya tiningnan ang paligid kung may ibang tao. "Don't you ever act like you are a princess here Carrie. Tandaan mong anak ka lang ni Armand sa labas! Wala kang lugar sa pamilyang ito. Ako ang asawa ni Armand, kaya ako ang masusunod sa lahat. Naiintindihan mo ba?" Mariin niyang sabi dito.

Carrie frowned while bowing her head. "Isusumbong kita kay Papa!"

Bettina squeeze her wrist. "Subukan mo! Nang hindi mo na makasama ang Papa mo! Dahil kayang-kaya kong gawin iyon!"

"HON!?"

Halos mapatalon sa gulat si Bettina nang tawagin siya ni Armand na kakarating lang nito, at patungo sa kusina. She gulped nervously.

"Hon?" Armand frowned when he look at her daughter and back to Bettina.

Bettina fake a smile. "Ah, hon... Uhm, we're just chatting..." Sabay pisil sa kamay ni Carrie. "Ang sweet sweet nitong anak mo hon, inaaya akong samahan siya maligo." she caress her face and comb her hair. "Kasi Carrie hindi ako pwede ngayon... Next time nalang, okay?" She look at her as if warning. Hindi siya sinagot ng bata.

Kumalas ito sa kanya and she run towards her father. "Papa sasama mo na po ba kayo maligo?"

He smile at her. "Yup. Kaya nga umuwi na ako kaagad."

Carrie finally smile.

Armand glance at his wife upang mag-paalam.

      

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon