CHAPTER 35

1K 27 10
                                    

This chapter is dedicated to @dawnchard6765  thank you for making my new cover for HPM 😘😍

             

ISANG malakas na sampal ang sumalubong kay Armand mula kay Clara pagkarating niya sa bahay nito.

He frowned. "Ano ba? Anong kasalanan ko?"

She raised her eyebrows. "Kasalanan mo rin ang lahat ng ito! Kung hindi mo tinangay-tangay ang anak ko doon sa pamilya mo edi sana hindi ito nangyari!"

"I'm sorry... Okay? Napag-sabihan ko na si Bettina."

"Hindi pa rin sapat iyon. Idedemanda ko siya sa ginawa niya sa anak ko!"

Armand hold her shoulders. "Clara please huwag mo nang gawin iyon.. Ako na ang bahala kay Bettina, sisiguraduhin ko sayo na hindi na ito mauulit pa. Mag-tiwala ka sa akin."

She finally calm and irretably took off his hands from her. "Sige... Hindi ko itutuloy ang demanda, pero sa isang kondisyon.."

"Anong kondisyon?"

"Hindi mo na dadalhin si Carrie aa inyo!-"

"Ano? Clara hindi mo pwedeng gawin iyan." Kaagad na reklamo ni Armand.

"Ayaw ng bumalik ni Carrie doon at makasama ang sawa mo, buo na rin ang desisyon ko Armand! Kung gusto mo siyang makasama, nandiyan lang siya at hindi ko ipagdadamot sayo."

Armand sighed. "Okay, fine." Kibit-balikat nalang niya.

     

"I CAN'T believe that you have done this Bettina! I never seen you so abussive to children at sa sariling anak pa ni Armand!? Sa apo ko!" Galit na bungad ni Donya Margaret kay Bettina ng magkaroon ito ng pagkakataong makausap.

"I'm so sorry Ma, hindi ko sinasadya-"

"Hindi mo sinasadya but you've done it! Pasalamat ka at hindi ito nalaman ni Anselmo-"

"Ma, please don't tell him." Biglang pakiusap niya nang lumapit kay Donya Margaret.

"I'll forgive that to you... Pero ayoko nang maulit ito Bettina! Tandaan mong apo ko iyon." She warned.

Napatango-tango kaagad si Bettina. "Opo Ma, sorry again..."

"Kung ako sayo, kung gusto mong manatili sayo ang asawa mo ay baguhin mo iyang pakikitungo mo sa anak niya! You knew how much my son love his daughter, Bettina." Anito na tila may malalim na kahulugang gustong ipahiwatig bago tuluyang talikuran siya.

         

DAHIL sa pangungulit ni Carrie sa kanyang ama ay nakumbinsi siya nitong doon kumain ng hapunan kasabay ang mag-ina. They're like a real happy family, and eating together. Panay ang kwentuhan ni Carrie at ng kanyang ama habang si Clara ay nanatiling taga-kinig naman.

"Your seventh birthday is approaching next week right?" Armand suddenly asked ng maalala niyang malapit na pala ang kaarawan ng anak, kung saan excited siyang i-celebrate ito dahil sa kauna-unahang pag-kakataon ay madadaluhan niya itong mag-didiwang ng kaarawan.

"Opo papa!"

"Right! What do you want for your birthday anak?" He asked.

"Hmm.. Kahit ano po Papa basta kasama ko kayo ni Mama at sina Lolo at Lola."

"Do you want a party? Anong klaseng party?" Sunod-sunod na tanong ni Armand.

Napakunot-noo naman si Clara. "Kahit huwag na Armand. Tutal napag-planohan na namin ni Carrie iyan, gusto niya dito lang sa bahay at maghahanda ako ng konting pagsasaluhan." Kaagad na sagot niya.

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon